forty-three~~ wants

1K 23 0
                                        

Madison's POV

Napatingin ako sa mga batang naglalaro. Nandito ako ngayon sa park, naglalakad at binabalik ang mga alalang lumipas.

Napatingin ako sa kabila ko ng may humawak sa kamay ko. Napangiti ako doon.

"Tulala ka naman diyan..."

"Yup, hindi ko maiwasan kasing hindi maalala yung nangyari. Nakakalunhkot lang kasi umabot siya sa puntong ganun. Kahit ilang taon na ang lumipas ay nakakalungkot parin. Wait....diba kailangan tayo sa pag-aayos ng kasal ng kapatid mo..."

"Kaya na nila yun, ang laki na nga ng tulong ko sa proposal niya. Pati pa naman sa kasal nila....."

"Kaw talagang tamad ka..."

Piningot ko ang tainga niya na ikinatawa niya lang.

Ilangtaon na ang lumipas simula ng madukot ako.


*Flashback*

"Wag!!!!!!!!"

Sigaw ni Chase kaya agad akong kumilos pero sa hindi sinasadyang oras ay nadapa pa ako doon na kinapasalamat ko na. Dahil hindi ako tinamaan ng bala. Nang puputukan niya ulit ako ay naubusan siya ng bala.

Agad na lumapit sa akin si Chase at niyakap ako.

Napatingin ako kay Denise na umaatras. Agad akong naalarma dahil mahuhulog siya sa bangin.

"Denise, maaayos lang ang lahat. Alam kong ginawa mo ito dahil na rin sa pagkagusto mo kay Chase--"

"Kung alam mo pala ay dapat binigay mo na siya!!!!"

"Hindi ko magagawa yun...."

"At wala ka naring magagawa..."

Napalaki ang mata ko ng sa isang hakbang paatras kaya agad akong humiwalay at lumapit kay Denise. Nang mahulog ito ay nahawakan ko ang kamay niya. Agad namang tumulong sa akin si Chase.

"Bitawan mo ako..."

"Bakit mo ito gagawin Denise, pwede ka pang magbago, lahat pwedeng magbago..." naiiyak na sabi ko sa kanya .

"Walang-wala na ako Madison, kahit anong pilit na gawin ko ay walang-wala na ako. Tunay ka ngang mabuti dahil sa kahit na ginawan kita ng masama ay hawak mo ang kamay ko rito. Kaya bitawan mo ako at hayaan mong maging masaya ako. Ito na ang huling hantungan ko pero masaya parin ako dahil nandito si Eros. Hawak din ang kamay ko....paalam sa inyo..."

Tinaas niya ang isa niya pang kamay at sinimulan tanggalin ang pagkahawak nito. Hanggang sa matagumpay niyang natanggal yun pero bago pa siya mahulog ay nasilayan ko pa ang ngiting hinding gagawa ng masama. Ngiting kontento at payapa.

Agad akong napapikit at yumakap kay Chase. Niyakap niya rin ako pabalik.

"Chase, kahit gumawa siya ng masama ay sa kabuuan ng lahat ay kasalanan ko...."

"Ok lang lahat, huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Ginusto niya iyun, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na sayo pinamana ang kayamanang iyun, hindi mo kasalanan na sayo ako lubos na nagmahal at mamahalin hanggang dulo...."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap na lang siya. Napatingin ako sa langit na sumilay na ang liwanag. Kay gandang tanawin....

Hanggang sa tinulungan na kami ng pulis at ginamot ang mga sugat ko....



*end of flashback*









Ngayon ay may ilan akong idi-donate sa charity. Well, yung sa trabaho ko naman ay nagresign na ako pero minsan ay bumibisita pa ako.

Lumipat na kami sa mansion dahil gusto ni papa ang taniman doon. At pati na rin si Anna na may garden at may pool. Si mama ay masaya na siya kung saan daw kami. May mga hinired akong mga bodyguards sa paligid.

Nagtayo si mama ng negosyo niya dahil gusto niya ay meron siyang magawa kahit papaano. Naghired din ako ng mga maids dahil masyadong malaki ang mansion para sa aming apat at saka mahirap maglinis sa ganitong kalaking mansion.

Nagsisimula palang kami.

At dahil may kalakihan din ang mansion ay gusto ni papa at mama ay doon na rin ako tumira  kapag kinasal ako at magkapamilya na din.

Ok lang naman sa akin, at ok lang din kay Chase.

Napatingin ako sa kanya at panay ang ngiti at ngisi. Masaya siya sa natanggap niyang regalo sa kapatid niya. Isang relo na sobrang mahal at kilalang-kilala ang brand.

Nabalitaan ko yung ginawa nilang proposal. Ang sweet at adventurous ni  Sir Troy sa ginawang proposal niya kay Eris. Nakakalungkot nga lang yung sa kasamang lalaki ni Eris ng umuwi siya dito..

Ngayon ay gaya ng sinabi ko, nagdadate lang kami ni Chase. Iniisip ko kung kailan niya rin kaya ako yayayaing magpakasal. Well nasa tamang edad na ako at humigit pa. Malapit na ako mag-thirty.

Gusto ko ay kasal na ako bago magthirty. Twenty-eight na ako ehhh. Napatingin ako kay Chase na masaya lang sa bawat araw na lumilipas. Yung ginawa nila sa proposal nina Troy at Eris, hindi ba minsan pumasok sa isip niya na magpropose na din.

Kinasal na nga kapatid niya, paano naman siya. Ganito nalang ba kami na magkasintahan lang.

Masaya na ba siya sa ganitong status sa buhay. Kasi ako ay may hinahanap pa ako sa kanya. Yung balak niyang gawin sa buhay na kasama ako.

Ilang taon na ang lumipas at eto pa rin kami. Bahala na, hihintayin ko nalang araw na ganun.

Nang matapos naming magdate ay pumunta kami sa bahay nila at nandoon sina Eris at ang ina nito. Nag-uusap sa buhay at mga payo.

Nakakainggit lang kasi nandoon na sa stage si Eris kung saan ay mag-aasawa na siya, magkakapamilya.

Napatingin ako kay Chase na masayang kumakain ng hapunan.

"Sa makalawa na ang kasal niyo diba Eris?"

"Yup! Wag kang mawawala ahh. Ikaw ang Maid of honor ko ehhhh..."

"Naman, hindi ako mawawala...."

"Nakaplano na ang lahat, ang araw nalang ang hinihintay, may bridal shower palang magaganap bago ang kasal ko. Sa boys naman ay yung sa kanila din. Well nangako naman si Casper na NO GIRLS doon basta wala ring boys satin...."

Napangiti ako sa bawat kwento ni Eris. Kahit may halong inggit akong nararamdaman ay masaya ako para sa kanila. Ang haba na ng inabot nila at isa rin ako sa saksi ng pagmamahalan nila.

Kahit anong pagsubok ay napagdaanan nila iyun. Kahit na ilang beses silang napalayo kagaya sa amin ni Chase ay magtatagpo pa rin sa dulo.

Well, ganun talaga kapag mahal ang isa't-isa hanggang dulo ay sila parin....
Kaya eto sila at ikakasal na....

Kailan kaya kami ni Chase?

......

....

...

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon