thirty-five~~ chance

874 20 0
                                    

Madison's POV

Nananatili parin ako sa mga bisig ni Chase. Gusto ko munang magstay dito. Pagkatapos ng mga nalaman ko ay talagang nagbigay iyun ng malaking porsyento na bigyan ko pa ng chance si Chase.

Ang saya-saya ko noong nakapag-opera si papa, masaya ako doon sa bago naming bahay, sobrang saya ko sa trabahong nakuha ko pero hindi pala ako nag-iisa. Akala ko ay gawa ko lahat pero merong gumagabay sa akin..

"Iniisip ko rin na kung hanggang ngayon ay tayo parin ay baka mas masaya tayo ngayon, siguro niyayaya na kitang magpakasal..."

Agad akong napahiwalay kay Chase at napatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at parang may kung ano pa siyang sasabihin sa akin.

"Maddie...kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon ay itatama ko lahat...."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi parin ako makapagsalita. Matapos ng mga sinabi niya at sa sinabi niya pa kanina ay hindi na ako makapagsalita.

Hindi na ako nagulat ng bumaba ang labi niya sa akin. Ilang segundo lang ay sumabay na ako sa bigay nitong halik. Napahawak ako sa batok niya para mas lumalim pa iyun.

Namiss ko siya, namiss ko ang labi niya na humahalik sa akin. Hindi ko aakalaing mamimiss ko siya ng husto.Sa tagal ng panahon ay wala akong sinumang lalaking pinayagan na halikan ako o ano man. Siya palang at siya lang talaga, wala nang iba. Hindi ko kasi matiis na may iba akong hinahalikan maliban sa kanya dahil para akong tumataksil kahit hindi kami na noon.

Hinawakan niya ako sa bewang at itinaas niya ako hanggang sa nakapalibot na ang mga hita ko sa bewang niya. Naramdaman kong parang gumagalaw kami.

Binuhat niya ako hanggang nasa kama na kami. Dahan-dahan niya akong binaba doon at kinubabawan ako.

Doon lang nalayo ang mga labi namin. Kinakapusan ako sa paghinga at napatingin sa kanya. Teka lang.....

Hindi ba masyado kaming mabilis, nagtatanong palang siya kung bibigyan ko siya ng chance pero heto kaming dalawa nasa ibabaw na kama.

"C-Chase, masyado ka yatang nagmamadali..."

"Nagmamadali?"

Tumango ako at napatingin ako sa position naming dalawa. Gayundin si Chase kaya agad itong tumayo at hinagod ang buhok nito..

"So-Sorry...." pagak itong tumawa at napailing.

Umupo ako at napatingin sa kanya. Napanguso akong nagsalita sa kanya.

"Nagtatanong ka palang ng chance pero kung makagalaw ka kanina ay parang tayo na agad....hindi kaya kita --"

"Ok! Ok...."

"Sinisigawan mo ako..."

"Hindi! Hindi.....hindi...."

Lihim akong napangiti ng pumasok siya sa CR niya at nakarinig nalang ako ng pagbuhos ng tubig. Napatawa ako dahil hindi ko mapigilang mapatawa sa kanya.

Naphawak ako sa labi ko at nagflashback sa isipan ko ang mangyari kanina lang. Agad akong napamula sa naisip.

Kung hindi ko siya pinigilan ay baka sa iba na kaming dalawa aabutin.

Agad akong nag-ayus ng sarili sa salamin. Napatingin ako sa salamin at kita ko doon si Chase na nakabalot ng tuwalya ang baba at may isa pang tuwalya na pinagpupunas niya sa buhok niya.

Agad akong napatingin sa Adams apple nito pababa sa dibdib hanggang sa walong abs nito pababa sa--

Agad akong napayuko at dahil ayokong makita niya akong ganito ang itsura.

"Hindi naman kita pipigilan kong gusto mo itong tikman Maddie.."

Agad akong napatingin kay Chase na nakangisi lang habang naghahanap ng susuotin niya kaya dumeretso nalang ako sa kusina niya at naghanap ng pwedeng maluto.

Habang nagsasalang ng mga kung ano-ano ay nakaramdam akong palapit sa akin si Chase. Nabigla ako ng niyakap niya ako mula sa likod.

"Ang saya ko dahil nagawa ko na ito sa ulit..."

Lagi niya kasi itong ginagawa noon tuwing nagluluto ako.

"Umayos ka o ipapalo ko sayo itong sandok na hawak ko, pili ka.."

"Mas gugustuhin ko pang mapalo ng sandok para lang mayakap ka..."

"Ahh talaga lang huh?!"

Agad ko nang itinaas ang sandok para ihampas sa kanya ng agad itong humiwalay at lumayo sa akin.

"Pero mas gugustuhin kong sundin ka para hindi ka magalit" sabi nito at ngumiti sa akin.

Agad ko nang binalik ang atensyon ko sa pagluluto.

"Kung bibigyan mo ako ng chance ay paano si Zero, diba nanliligaw siya sayo."

"Kinausap niya ako at sinabing maging masaya ako sa bagay na ikakasaya ko..."

"So you mean...."

"Yup, nagparaya si Zero...." agad ko nang pinatay ang stove at nilingon siya.

"Kaya umayos ka ngayon Chase, siguro nga ay nagparaya siya pero...... pero babalikan niya kapag sinaktan mo ulit ako...."

"Wala na siyang babalikan pa kung gayun...."

Ngumiti lang ako at nilagay sa isang malalim na plato ang ulam na niluto ko.

"Hmmmm....mukhang masarap ahhh, pero mas bet ko yung nagluluto.."

"Umayos ka..."

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ahh..."

Inilagay ko na sa mesa iyun at si Chase naman ay nilagay ang rice cooker sa gitna ng mesa.

Sabay na kaming dalawang kumain total lunch naman na. Napaisip ako sa trabaho ko dahil basta nalang akong umalis doon. Nanghihinayang na tuloy ako.

Napatingin ako kay Chase na masiglang kumakain ng niluto ko. Parang ngayon lang siyang kumain.
Napangiti ako sa itsura niya.

Well, may maganda namang dulot iyun sa aming dalawa ni Chase. Naging malinaw na sa akin ang lahat. Na matagal akong napaniwala sa isang malaking pagkakamali. Kung noon pala sana ay pinakinggan ko siya.

Oo, malaki ang pagsisisi ko, natural lang namang magkamali at nasaktan din naman ako kasi hinahayaan niya lang si Denise noon na dapat ay hindi.

Siguradong pagsasabihan na naman ako dahil basta ko nalang iniwan ang trabaho ko pero OK lang naman kasi kasama ko siya dito. At siya pala ang nagrekomenda sa akin na doon magtrabaho. Masaya na ako doon, sa simula pa lang ay natulungan niya na ako. Kahit na nabigo ko noon ang pamilya ko ay tinulungan niya parin ako. Kahit na wala na kami ay tinulungan niya parin ako....

Napatawa ako kay Chase na sobra naman yatang makalat itong kumain sa edad niya.

Ayy! Nakalimutan ko palang isip-bata itong taong toh.

"Chase...."

"Hmmm?" Sabi niya habnag kumakain.

"Sige na, binibigyan na kita ng chance, namabuo ulit tayo....sana huwag mo iyung sayangin pa..."

Napatingin sa akin si Chase at agad itong napaubo. Agad naman akong napatayo at kumuha ng isang basong tubig at binigay naman iyun sa kanya.

Agad naman itong ininum nang maubos niya iyun ay bigla itong tumayo at niyakap ako.

"Salamat Maddie...hindi ka magsisisi.."

"Sana nga...."

Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin kaya niyakap ko nalang siya pabalik..

Sana nga.......

Sana nga hindi ako magsisisi gaya ng sabi niya...

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon