thirty-six~~ moments together

914 22 0
                                    

Madison's POV

"Hmmm...ang saya mo ngayon Madison nohh.."

Napatingin ako sa kasama ko ng magsalita ito sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo huh?"

"Hindi kasi mabura-bura sa labi mo ng ngiti. Kanina ka pa nakangiti, hindi ka ba nangangalay?"

"Anong masama naman kong nakangiti ako, kailangan din iyun sa trabaho noh..."

"Iba kasi yung ngiti mo ehh...parang umiibig?"

"Purket lang na nakangiti ay umiibig na, ikaw nga ngiti ka nga?"

Agad naman itong ngumiti sa akin.
Napatango-tango ako pinakita niya.

"Tama ka nga, nakikita kong anong meron sayo sa ngiti..."

"I told yahhh..."

"Mukha kang serial killer..."

"Hmmm!!! Killer smile yun!!"

"Edi killer.."

Nakita kong sumimangot ito kaya napatawa agad ako.

"So totoong umiibig ka pala.."

Agad akong napatigil sa pagtawa at napatingin dito. Nakita kong napangisi ito nang napansin nito ang pagtigil ko.

"Ayieeeee...pumapag-ibig na si Madison!!--mmmffhhfmm--ano ba!"

Agad niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"Ang ingay mo kasi.."

"Ok hindi na!...so sino pala yung guy.."

"Secret...."

"Sabihin mo na!!"

"Secret nga ang kulit mo naman.."

"Sabihin mo na kasi ayy!!"

"Ayaw, secret nga.."

"Malalaman ko rin iyun..."

"Sa pagputi ng uwak--"

"Maddie my love!!!!"

Pareho kaming dalawa na napatingin sa nagsalita sa harapan naming dalawa. Napatingin ako sa kasama ko na ngayo'y nakangisi..

"Pumuti na yung uwak Madison..." sabi niya at umalis na. Rinig ko pang nagsasalita ito na pakanta.

"May boyfriend na si Madison...may boyfriend na.."

Sabi niya na pakanta habang naglalakad.

"Talagang babaeng yun. At ikaw mister na basta-basta nalang sumusulpot. Diba sinabi ko na binibigyan lang kita ng chance pero hindi pa tayo.."

"Papunta na rin doon..."

" At nakakasigurado ka doon..."

"Oo naman, unless kung pinaglalaruan mo lang ako at wala ka talagang balak na sagutin ako.."

"Wala akong pinaglalaruan...."

"Then talagang sasagutin mo ako, maghihintay lang ako ng ilang araw para doon...."

"Baka ilang buwan o taon..."

"Pwede rin, maghihintay ako para doon"

Napatingin ako sa baba at wari'y may pupulutin pero ang totoo ay tinatago ko lang ang kilig na nararamdaman ko.

Nang maayos na ay agad na akong umayos at hinarap si Chase. Ilang araw na ang lumipas nung nag-usap kaming dalawa at binigyan ko siya ng pagkakataon. Yung huling pagkikita namin ni Zero ay yung nagkape kami. Sinabi niya sa akin na inutusan siya na bantayin ang rest house nito sa Zambales. Nakakausap ko nalang siya sa pamamagitan ng cellphone.

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon