twenty-one~~ Daphne

1.1K 25 0
                                    

Madison's POV

Ilang buwan na ang lumipas at eto ako, pinapanood ang buhay ni Sir na umiikot nalang sa trabaho at alak.Sa mga nagdaang buwan ay OK siya pero ngayon....

Nagresign kasi si Eris, siguro may nangyari sa kanilang dalawa.At dahil wala siya ay balik sa pagiging Secretary at dito sa labas....

Nakakapanghinayang lang kasi ang bait ni Eris at nagagawa niya ang trabaho niya nang maayos pero eto siya ngayon wala na dito at balita ko ay aalis daw...

Well, ang pagkarinig ko, for experience lang daw naman ang pagtrabaho niya dito kasi first time niyang magtrabaho pero ngayon ay wala na siya...

Naging seryoso na sa trabaho si Sir. Minsan ko nalang siyang makita tuwing may meeting dito o kailangan mapirmahan niya pero kung wala ay wala siya dito at sa tingin ko ay nilulunod ang sarili sa alak....

Kahit na si Zero na bodyguard niya ay hindi na alam kung ano na ang nangyayari kay Sir.

Ngayon ay nandito ako sa labas para bumili ng kape. Wala na naman si Sir, at saka wala naman masyadong ganap kaya eto ako nagkakape sa labas.

Pero kahit wala si Sir ay marami pa ring clients ang lumalapit....

Lalo pa ngang umaangat ang TCM Company...

At syempre kung lalong umaangat ay ganun din ang sweldo....


Napatingin ako sa kabipang kalye na parang may kumakaway doon o sadyang namamalikmata lang ako..

"Madison!!!!!"

Napataas ang isang kilay ko ng makitang si Chase nga yun...

At may kasamang bata...

Huli na para pumasok na ako sa building nang nasa harapan ko na silang dalawa.Napatingin ako sa bata na mukhang banyaga... katulad ko, katulad naming tatlo....

"Sino siya? Panganay mo?....ilan na ba ang panganay mo?"

"Hindi ko siya anak, wala pa nga tayong panganay.."

"Abat--"

"Bago umalis si Eris papunta sa kung saan man ay nakita niya iyong si Jacob na namamalimos sa kalsada, may guardian siya pero mukhang pinapahirapan lang siya doon kaya kinupkop na ni Eris, nakakatawa nga kasi hindi naman siya mahilig sa bata at wala siyang interes sa mga nakikita niyang mga bata .....hay...iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.."

Pag-ibig?....tama nga, iba talaga... nakakatawa ngang mas pinili kita noon sa pamilya ko, na hanggang ngayon ay pinoprotektahan ko parin ang image mo sa kanila....

Yumuko ako at napatingin sa bata na ngayo'y nakatingin din sa akin.

"Hi!.....ako si Madison "

"Jacob....."

"Inampon na namin siya kaya isa na siyang Johnson...."

Hindi ko na pinansin si Chase na magsalita dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa bata...

"Huwag mong tutularan ang kasama mo Jacob ahhhh"

"O-Oy! Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Wala!, papasok na ako dahil marami pa akong dapat na gawin "

"Sige, may pupuntahan kaming dalawa ni Jacob, ipangbibili ko siya ng maraming gamit na gusto nito......"

Tumalikod na sila pagkatapos sabihin ni Jacob na 'bye', pinanood ko lang silang umalis hanggang sa nawala na sila sa paningin ko nung sumakay na sila sa kotse at umalis, ang makita silang dalawa na magkahawak kamay ay parang may kung anong katangahang pumasok sa utak ko...

Na ganyan kaya ang itsura ni Chase kapag may anak kami.Na mamahalin niya iyun nang higit pa sa sarili nito. Ngayon na alagang-alaga niya si Jacob, pano pa kaya kong sariling anak niya na ito.....



Napailing ako sa mga naiisip ko, shet! Nababaliw na talaga ako, kung ano-anong naiisip ko at yung pang mangloloko na iyun.....

Magtatanghalian na nang niyaya ako ni Zero na kumain sa labas kaya pumayag na ako, minsan lang siyang mangyaya kaya pumayag na ako.....

Ngayo'y nandito kami sa dating restaurant na pinagtrabahuan naminng dalawa noon.

"Nakakamiss yung mga panahong nagtatrabaho ako dito, pangarap kong maging chef at magluto sa mga restaurant, natupad nga yun pero pansamantala lang...."

"So kung maibabalik mo ba ang nakaraan ay babalik ka"

"Ammm..depende, pero kung maibabalik ko ang nakaraan ay babalik ako at itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko pero alam kong hindi iyun mangyayari, at saka kung maitatama ko man ay mababago ito...masaya na ako sa anong meron ako....naiahon ko na sa kahirapan ang pamilya ko na siyang pinaka-importanteng naganap....ligtas na si papa, .....kaya siguro ganun parin, walang mababago"

"So babalikan mo pa yung panahon na nakilala mo siya, na naging kayo.."

"Ammm....kain na tayo, malamig na itong inorder natin..."

Wala akong nasagot sa sinabi niya dahil naisip ko rin kung maibabalik nga ba ang nakaraan ay babalik din kami noon ni Chase.....well, isa siya sa mga rason kung ano ako ngayon.....


Napatingin ako sa kalsada ng may nakita akong dalawang tao na papunta dito...

No....tatlo sila....isang bata, isang lalaki at babae. Habang palapit sila dito ay namumukhaan ko na sila.Napatingin ako sa kinakain ko ng malaman ko kung sino.

Sina Jacob at Chase......at isang magandang babae.

Hindi susukuan pala ahhh..pero ano tong nakikita kong may dala na namang pet, akala ko ay si Alice lang ang pet niya.

Napatingin ako sa harapan namin ng makita kong may mga tao na sa harapan namin.

"Nandito pala kayo...." seryosong sabi ni Chase. Nakatingin lang naman siya sa akin.Napatingin ako sa babaeng kasama nito...

"Hi! Ikaw si Madison diba?!"

Hindi ako nakapagsalita, nang liliit ako sa kanya.Parang akong alipin ng isang reynang katulad niya. Kaya siguro naakit itong mokong na ito.

"Ako pala si Daphne!!!"

Pamilyar ang name niya at parang minsan ko na siyang nakita sa kompanya ni Sir at ang mukha niya ay ngayon ko lang narealize....

Pero hindi parin mawala sa isip ko na kasama ito ni Chase.

"Kilala mo ako?" yun lang ang nasabi ko sa kaniya. Nakita ko pang inayos nito ang buhok niya at ngumiti....

"Oo naman....ikaw pa ehhh nakita na kita sa kwarto..."

"Sa k-kwarto ni Chase..."

"Oo....eto talagang pinsan ko, nagtatago siya ng picture mo"

Pinsan?

Pinsan?

Pinsan niya ito? Magpinsan sila.....

"Manahimik ka nga Daph..."

Yun lang ang sinabi niya at naunang umalis sa restaurant..

"Ala! Hindi pa kami nakakain ni Jacob ehhh....sige bye na Ate Madison!!"

Nakita kong hinabol nila si Chase.

Magpinsan pala sila. Ano bang nangyayari sa akin? Nung una ay si Alice na pusa niya at ngayo'y si Daphne na pinsan niya....

Nababaliw na ako sa kakaisip kay Chase.........

.....

...

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon