eleven~~ (past 11) solve

947 18 0
                                    

Madison's POV

"Akala ko hindi ka na magpapakita pa...i mean umalis kana."

"Nagrent ako ng malapit na apartment rito sa inyo.Alam ng parent ko na ito pero sila lang...."

"Kaya ilang araw ka wala kasi dahil doon....galit ka ba sa akin?"

"Hindi ako galit....nagtampo lang din ako.Akala ko ay susuyuin mo ako kaya naghintay din ako pero nalaman ko rin na paano mo nga ako susuyuin kong hindi mo rin alam kung nasaan ang bahay ko o nasaan ako kaya naghanap ako ng matutuluyan dito"

"Ginawa mo yun dahil sa akin?..."

"Oo naman....teka.."

Hininto niya ang kotse sa isang tabi at tumingin sa akin.Kita ang pagtataka sa mukha niya.

"Namamaga ang mata mo....bakit?"

"Kasi wala ka, namiss kita.....kasi galit ka..sorry kasi hindi ko naisip yung nararamdaman.Sorry kasi hinayaan kong ganun ang naramdaman ...sorry kasi--"
Pinatigil niya ako sa sasabihin ko sa pamamagitan ng paglapat ng hintuturo niya sa labi ko...

"Shhhhh"

Pinunasan niya ang pisnge ko na akala ko ay may dumi doon pero luha pala yun.Hindi ko napansin na umiiyak pala ako.Masyado kasi akong tutok sa kanya at sa paghingi ko ng tawad....

"Ok na ako.Naisip ko na masyadong mababaw ang rason para magkaganito tayo...kaya simula ngayon, pag-uusapan natin ang lahat para walang away....."

Tumango ako at ngumiti...Parang nawala na yung sakit na naramdaman ko nitong nakaraang araw....Yung mga araw na wala siya....

Napatingin ako sa kanya nang mapansin kung bumaba ang tingin niya sa labi ko.Alam ko kung ano ang ibig nitong sabihin kaya ako na ang lumapit sa kanya.Nang maglapat ang labi namin ay agad siyang sumagot sa halik na bigay ko...

Napahawak ako sa braso niya nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at hinapit niya ako palapit sa kanya.

Wala akong pake kung nakabukas pala ang bintana at may nakakakita sa amin....

Kinakapusan kaming pareho ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. Napapikit ako ng maramdaman kung hinalikan niya ako sa noo..

"Sama ka sa akin, pakita ko sayo yung tinutuluyan ko ngayon.Nagpaalam na ako sa parents mo at kay Anna....."

Napadilat ako at napatingin ako sa leeg niya.

"Kahit ano pa yatang sabihin mo sa kanila ay papayag yun.Boto yata sila sayo"

"Naman ako pa!" Napangiti ako sa sinabi niya at napayakap ako.Namiss ko ang ganito.Na kahit isip-bata siya ay ok lang kasi mahal ko siya....

"So punta na tayo"

Napatingala ako at napatingin sa kanya.Napangiti ako ng makita kong nakangiti na siya.Namiss ko ang ngiti niya.

Tumango ako sa sinabi niya at umayos na nang upo.Umayos na rin ng upo si Chase.

Nagsimula nang magmaneho si Chase at pumunta sa sinasabi niyang apartment na nirentahan niya.

Nang makarating kami doon ay pinakita niya na ang lahat ng sulok ng apartment niya.Maganda pa ito sa bahay namin kaya hindi ko maiwasang mailang....

"Maganda dito...."

"Mas pinili ko ito in case na gusto mong matulog dito minsan...."

"Bakit isa lang yung kama kung pwede rin akong matulog dito...mas magandang double deck yung--"

"Hahaha....magkatabi tayo syempre...."

Napatingin ako sa kanya....magkatabi agad...nababaliw na siya...

Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng seryoso. Alam kong seryoso siya dahil hindi na siya nakangiti na usually tuwing kinakausap niya ako ay lagi siyang nakangiti pero kapag hindi ay seryoso yun na kailangan pagtuunan ko ng pansin.

"Yung tungkol kay Zero...."

"Chase alam niya na...na may boyfriend ako.Kaibigan lang ang turing ko sa kanya at mananatiling ganun..sana maunawaan mo na maganda na ang nasimulan ko sa restaurant na yun na sana doon nalang ako kung ang sasabihin mo ngayon ay umalis ako doon...."

Hindi siya nagsalita pero nakatingin parin siya sa akin.

"Chase....mahal kita....mahal na mahal kaya sana maintindihan mo.Ikaw at ang pamilya ko ang meron ako.Wala taong tinuring akong kaibigan maliban sayo.....Lahat ng nakakasalamuha ko noon ay lumalapit lang kapag may kailangan. Alam mo ba nong bumalita noon sa university yung tungkol sa atin ay maraming lumapit sa akin.Pero alam ko ang dahilan noon.Hindi nila ako nilalapitan dahil kaibigan ang turing nila sa akin kundi ay ang mapansin mo.Sinasabi ko ito dahil nilinaw ko na kay  Zero na kaibigan lang.... naiintindihan niya na yun..... Siya ang magiging unang kaibigan ko...."

"Pangalawa mo siya.....Pangalawang kaibigan Maddie...."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kasabay ng pagtalon ng puso dahil sa bumalik na yung tawag niya sa akin.Noong tinawag niya akong Madison ay parang iba.....mas gusto ko yung tawag niya sa akin...

"Pangalawa??"

"Oo....dahil ako ang una. Kahit na kasintahan mo ako ay pwede mo akong ituring na kaibigan,kapamilya dahil kaya kong gawin ang mga iyun kung para sayo......at ang tungkol naman kay Zero ay sige, papayag na ako basta..."

Napatingin ako sa kanya at parang nabuhayan ako sa sinabi niya pero nga lang may kondisyon yun pero ok lang......

"Basta ano?!.....Chase...."

"Basta.....kapag nakakita ka ng motibo na may gusto siya sayo...I mean huwag ka na lang lumapit sa kanya...."

"Chase paano naman yun ehhh kaibigan ko siya at katrabaho..."

"Basta....o huwag nalang kayo mag-usap"

"Impossible naman yata yan ehh"

"Ayoko lang makita kayong magkasama...Lalaki ako Maddie kaya alam ko ang tumatakbo sa utak niya.Kahit na sabihin mo ng maraming beses na kaibigan mo lang siya ay mananatiling may gusto parin yun sayo.Paano kung wala ako doon at gumawa siya ng masama--"

"Alam mo Chase, may tiwala ako sayo at gayundin kay Zero kaya alam kong hindi niya gagawin yun at saka ikaw pang gusto ko"

Napanguso siya at napatingin sa akin.

"Talaga....ako lang"

"Opo!"

"Edi tuturuan mo na ulit akong magluto"

"Opo.....gusto mo ngayon na para sa dinner mo..."

Tumango siya ng maraming beses na ikinatawa ko.Hinila niya na ako sa kusina niya.Kompleto na pala ang lahat sa kusina niya.Mukhang bumili na siya ng groceries niya.Napatingin ako sa kanya na hinahanda na ang mga lulutuin.Tuwing may nilalabas siya ay ipinapakita niya sa akin kaya tumatango lang ako.

Nasasanay na akong kasama siya kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala siya.....

Hindi ko alam.......

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon