thirty-one~~ apartment

928 14 0
                                    

Madison's POV

Inayos ko muna ang mga unan at inilagay sa likod niya para may sandalan siya...

"Oh kumain ka na, bitawan mo na yung kamay ko kasi hindi kita masubuan ng maayos.."

"H-Hindi mo ako i-iwan"

"Hindi na nga, ang kulit"

"S-Sige..."

Nang binitawan niya na ako ay agad ko na siyang sinubuan. Napatingin ako sa kanya na parang pinipilit niyang nilulunok lahat ng sinusubo ko sa kanya. Wala kasi siyang panlasa...

"Kasalanan mo yan kasi binigay mo pa sa akin yung payong mo kahapon tapos kanina ay nagpaulan ka ulit, yan tuloy...sakit ang abot mo"

"K-Kapag hindi ko b-binigay sayo, e-edi ikaw yung nagkasakit"

"Tskk...huwag ka nang magsalita. Para kang si ni Billy sa IT."

"Hahahha...i-ikaw si P-Pennywise...."

"Tumahimik ka na nga, at saka masyado akong maganda para maging clown..."

"Yahhh..."

Pinagpatuloy ko na yung pagpapakain sa kanya at pagkatapos ay pinainom ko na siya ng tubig at gamot.

Inayos ko na yung higaan niya at kinumutan siya. Pinagpapawisan na rin ako dahil ramdam ko ang init sa kanya.

Ilalagay ko na sana ang mga pinaggamitan ko ng hawakan niya ang kamay ko.Napatingin ako sa kanya na nananatili paring nakapikit.

"ilalagay ko lang ito sa lababo, babalik ako.."

Lumuwag yung pagkahawak niya sa akin hanggang sa nabitawan niya na ako. Agad ko na yung dinala sa lababo at hinugasan na rin. Napatingin ako sa basurahan niyang punong-puno ng laman. Nang makita ko ang laman ay purong gulay at kung ano-ano mang bagay. Maraming shell ng itlog din doon at mga lutong itlog pero sunog..

Ngayon alam ko na kung bakit ang dami niyang basura dahil marami siyang inulit na niluto....

Agad akong kumuha ng lalagyan at damit dahil wala naman siyang makapal na panyo o ano man...

Pupunasan ko lang siya para medyo bumaba ang lagnat niya.

Pumunta na ako sa higaan niya at sinimulan nang punasan siya. Tuwing pinupunasan ko siya ay panay ang ungol at daing niya na nakakailang kasi......

Basta!

"Kasi makulit ka kaya nagkakasakit. Hindi mo naman kasi sinabi ng maaga sa akin na nilutuan mo ako edi kakainin ko yun, nakita ko sa basurahan doon ang lunchbox....tsk tsk...nagsasayang ka ng pagkain alam mo ba yun, ang daming taong hindi kumakain pero ikaw kung makatapon ka ng pagkain ay parang balat ng candy..."

Hindi na siya nagsasalita at sa tingin ko ay nakatulog na ito.Napatingin ako sa kanya.

Simula sa buhok hanggang baba niya. Lalong nagmature ang itsura niya pero wala pa rin nagbago sa ugali, isip-bata parin at gaya ng dati....wala nagbago sa nakakaakit nitong itsura...

Hindi ko inaasahang darating kami sa ganito. Na ganito na lang kami....akala ko noon ay forever nang kami pero hindi. Akala ko lang ang lahat...

Inaalagaan ko nalang siya bilang kaibigan.

Pero ngayon, may distansiya na kami sa isa't-isa. Pero parang pawala na yun. Siya kasi ay parang walang masamang nangyari sa aming dalawa. Basta nalang siyang lilitaw na parang kabute.

"Dapat masaya ako kasi ganyan ka. Masaya ako kasi naghihirap ka. Gusto kitang makitang maghirap, yung kulang nalang ay gagapang ka nalang. Gusto kong maghabol ka sa akin...gusto kong makita kang umiyak. Gusto kong mangyari din sayo yung nangyari sa akin....yung sakit..."

Pinunasan ko ang mga luhang nagsibagsakan na sa pisnge ko...

"P-Pero bakit ganun, ayaw kitang makitang malungkot o masaktan man. Sinaktan mo ako pero ayaw kitang makitang nasasaktan. Nakakinis ang mga ganun alam mo ba?"

Agad akong tumayo at kinuha ang plangganang ginamit ko ng makita kong kumilos siya.

Narinig niya ba yung mga sinasabi ko kanina?

Patuloy ako sa paglilinis ng lababo niya ng marinig kong may tumatawag sa akin sa cellphone..

" Hello ma..."

( Anak, nasaan ka? Anong oras na ahhh....)

"Amm...ma nandito ako sa bahay ng katrabaho ko...kailangan ko kasing matapos itong gagawin ko, baka mapagalitan ako ni Sir Troy...."

(Ahh ganun ba..sige mag-ingat ka ahhh. Wala ka kasi sa kwarto mo at gabi na at malakas pa ang ulan....sige pala..)

"Geh ma..." pinatay ko na ang tawag. Basta pag-usapan ay kay Sir Troy ay auto-payag na.

Napatingin ako kay Chase na hanggang ngayon ay nananatiling tulog.

"Pasalamat ka at masasamahan kita ngayon pero bukas na bukas ay aalis ako..."

Napatingin ako sa sofa niya dito sa apartment niya. Masyadong maliit iyun para paghigaan ko.

Baka sa sahig nalang siguro ako matutulog. Lumapit ako sa mismong kama ni Chase at inayos ang kumot nito na nalihis na sa katawan niya...

Agad akong tumingin sa mga cabinet kong may mga extrang kumot at unan. Nang makita kong meron naman ay agad akong kumuha ng isa. Mukhang malinis naman ang buong apartment ni Chase kaya hindi na ako nagwalis pa...

Agad akong naglatag ng kumot at naglagay ng unan. Agad na akong humiga. Malapit lang ang pwesto ko sa kama ni Chase in case na bigla siyang magising o kung ano man.

Napatingin ako sa kama kung saan nakahiga si Chase. Hindi aakalain na makakasama ko siya sa isang kwarto kahit na hindi kami magkatabi. Eto yung unang beses ko siyang makakasama sa isang kwarto pagkatapos naming maghiwalay.

**********

Nagising ako ng makarinig ako ng ingay kung saan. Parang ingay sa kusina dahil may naririnig akong mga kawali o ano man.

Napatingin ako sa kinahihigaan ko ngayon. Malambot....hindi matigas. Malambot na ba ang sahig ni Chase sa apartment niya.

Agad akong napaupo mula sa pagkahiga ng malamang hindi ito sahig. Nasa kama na ako ni Chase at bakit ako nandito?

Napatingin ako sa kusina dahil kita yun dito. Nandoon si Chase at larang may niluluto. Agad akong bumangon at agad na lumapit kay Chase.

Dahan-dahan lang ako sa paglapit sa kanya. Bakit siya nagluluto? May sakit pa siya diba?

Napatigil ako sa balak kong pagtawag sa kanya ng kumanta siya habang may hinahalo....

Kahit na hindi ganuung kaganda ang boses niya ay maganda sa pangdinig ko. Pangarap ko dati ang mga ganito...pero ngayong nangyayari na ay hindi naman kami....

Kung hindi kami naghiwalay ay baka masaya kami hanggang ngayon. Pero wala ehhh....hindi na maibabalik ang oras. Nangyari na ang nangyari.....

Tapos na yung oras na kami pa......wala na kami....

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon