Four.Habang nagdadrive ako ay nakikita ko sya sa peripheral vision ko na tinitignan yung sapatos nyang nasira. It's their PE day kaya naka rubber shoes sya.
I went to the nearest shoes store at mabilis na hininto yung kotse ng makakita ako ng parking space.
"What's your shoe size?" I asked him.
"Ha?Bakit?" He asked.
"Just answer my damn question," Iritado kong sabi.
"Ano ba ang gagawin m—"
"Just fucking answer it," Pairap kong sabi.
"8. Why are you—" Hindi ko na sya pinatapos at padabog akong lumabas ng kotse ko.
I went inside the store at mabilis na humablot na lang ng sapatos. It was a white nike shoes. Humingi ako ng size ni Tarch at mabilis na nagbayad.
Pagkapasok ko sa kotse ay pahagis kong binigay sakanya yung sapatos.
"Ano 'to?" Tanong nya. Habang tinitignan yung hawak nyang box ng sapatos.
"Are you blind? Malamang sapatos," I said habang nagdadrive.
"Alam ko but why are you giving this to me?" He asked. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin sakanya.
"I can't accept this. Marami na kong utang kila Seph at Kaeus. Pati ba naman sayo?"
"Then accept that as a gift. You don't need to pay for it," Malamig kong sabi sakanya habang nakatingin lang ng diretso sa daan.
"Mas lalong hindi ko 'to matatanggap," Seryoso nyang sabi.
"Just fucking accept it. If you want to pay for it, then pay for it kapag nagkapera ka na. Kung hindi mo kayang bayaran, then walang problema. Hindi ko kailangan ng bayad," Inis kong sabi sakanya. He just sighed at hindi na lang umimik.
Ginulo ni Tarch yung buhok ko kaya mabilis kong hinampas yung kamay nya.
"Alam kong gwapo ako. Paki punasan yang laway mo na tumutulo please. Masyado kang makatitig ha," Pang aasar nyang sabi sakin. Napailing lang ako when that memory flashbacks.
I'm happy for him kahit hindi ko pinapakita sakanya. I'm grateful to see him buy his wants and needs with his own money. Yung mga panahong hanggang tingin lang sya sa mga bagay na gusto nya, ngayon ay kaya na nyang bilhin ng sariling nyang pera.
"Whatever. Let's go," Masungit kong sabi habang derederetsong lumabas sa unit ko.
Nang masarado na nya ang pinto ng unit ko ay napahinto sya.
"Teka, naiwan ko yung phone ko. Mauna ka na sa parking," He said kaya napairap ako. He's always like this. Parati na lang may nakakalimutan.
Pagkapasok nya ulet sa unit ko ay yun naman ang pagbukas ng unit sa tapat ko.
Xaviour is in his white polo long sleeve and a gray dress pants. A black loafers for his footwear. Naka sabit sa kanyang kaliwang braso ang white lab coat habang sinasarado ang pinto. He's also wearing a thin eyeglasses. Magulo at basa ang buhok na tama lang ang haba. I can smell his body wash and manly scent, mukhang kakaligo lang.
Mabilis akong umiwas ng tingin at naglakad na paalis bago pa ko mahuling nakatingin sakanya.
Habang naglalakad ako papunta sa elevator ay nagsalita sya.
"Good morning," Masaya nyang sabi kaya masungit akong lumingon sakanya. Tinaas ko yung isa kong kilay at humalukipkip. What does he want now?
He slightly smiled at tinuro yung phone na nasa tenga nya. As if telling me that he's talking to someone. Mabilis akong tumalikod at sumakay na lang ng elevator. Masungit akong dumasog ng sumakay din sya.