Seven.Nakarating naman ako ng maayos sa meeting. Nakita ko si Kaeus na naka upo na sa center aisle fixing his suit. Nag p-prepare na din ang mag p-present sa harap. Sakto lang akong nakarating. Hindi masyadong maaga at hindi din naman late. I silently sat on the empty chair. Just like in the school, wala din akong kaibigan dito. Some employees are greeting Kaeus out of respect as a CEO, he's just formally nodding at them.
I glanced at him and saw him looking at me pero mabilis din na umiwas ng tingin. We both agreed na hindi kami magpansinan as a friend during work. But everytime na magkakasalubong kami ng tingin ay mang aasar sya o di kaya ay iirapan ko. Now that he avoided my gaze, I felt sad.
Nagpresent na ang isang team. The company will launch a new designs again. Matapos ang ilang mga tanong ay na approved naman iyon ni Kaeus, though marami pa rin namang aayusin. Mabilis syang lumabas pagkatapos ng meeting. The employees who presented earlier are happy dahil na approved ang gawa nila. Tahimik akong lumabas ng meeting room at pumunta na lang sa table ko.
Napaangat ako ng tingin when someone sat infront of me. I once worked with a design with her. I smiled. Hindi naman sigurong masamang ngumiti kahit paminsan minsan.
Nagulat ata sya kaya umiwas sya ng tingin. But when she looked at me again, she smiled back.
"Uhm m-miss, I want you to see this. Baka meron kapang gustong idagdag or something," She suddenly said. Nagulat ako dahil most of the time ay hindi na nila kailangan hilingin ang opinyon ko dahil ako na mismo ang pupuna sa mali nila. They doesn't want that kaya walang may gusto sa opinyon ko.
"The design is beautiful but I think mas maganda kung simple lang yung design sa pinaka bottom nung cloth," I politely said habang tinuturo turo ko yung kailangan baguhin. Tumango tango lang sya.
"By the way, you can call me Rai." I said. She smiled widely kaya umiwas ako ng tingin. I'm not used to this.
Hindi masyadong naging busy sa kompanya kaya maaga akong nakauwi. Hindi na ulit kami nagkita ni Kaeus pagkatapos ng meeting.
Dumiretso lang ako sa condo. I glanced at my phone and saw nothing. I'm used to Tarch flooding my phone with his text everytime na uuwi ako. Kesyo gusto daw nya nito, gusto daw nya ng ganyan kaya dumaan ako para bumili na akala mong may patagong pera sakin. But now, even a one text ay wala akong natanggap.
The elevator was about to close dahil pinindot ko na yung floor ng unit ko nang mag bukas ulit ito dahil may nakahabol.
Xaviour is smiling habang pumapasok sa elevator. I noticed his outfit today. He's just wearing a Tommy Hilfiger shirt and black shorts. He's also wearing a white birkenstock for his footwear. Hindi ata sya galing sa clinic.
" I didn't see you for a whole week because I was out of town. How are you? " He friendly asked.
"Fine," I simply said.
Akala ko ay kukulitin pa nya ko pero nang magbukas yung elevator ay mabilis syang lumabas without looking at me. Mukhang nagmamadali.
Tamad akong lumakad hanggang sa makarating ako sa unit ko.
Pagkabihis ko ng pambahay ay nahiga na lang ako sa living room. Binuksan ko yung facebook ko and I saw na may story si Xaviour kaya binuksan ko 'yon. I accepted his friend request last week. Finollow back ko na din sya sa Instagram.
He's wearing a polo beach na naka bukas kaya kita yung katawan nya. He's also wearing a bandana na tinali nya sa ulo nya and a shades. He's not looking at the picture. It was a side view. Medyo nakaawang yung labi nya habang nakatingin sa malayo.