Chapter 10

11 1 0
                                    




Ten.

Nagising ako dahil sa maingay na sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. I opened the door while my eyes are still half closed. Hindi na ko nag abalang ayusin pa ang gulo gulo kong buhok.

"Anong oras na, senyorita. Malalate na tayo nyan," Lyn said. Basa ang kanyang buhok na mukhang kaliligo lang. Naka bihis na rin ng shirt at pants. Where are we going?

"What do you mean?" I asked.

"Maligo at mag ayos ka na dyan. Aalis tayo," Naka ngiti nyang sabi sakin.

"Where are we going?" I asked again.

"Ang daming tanong, girl? Basta, gumayak ka na dyan. Secret padlock tapon susi na 'yon." Sunod sunod nyang sabi.

"What–" Before I could ask again ay sinarado na nya ang pintuan sa harap ko kaya hindi ko na natuloy. That bitch!

Naligo at nag ayos na lang ako gaya ng sabi nya. I just wore my boho floral short dress. Hinayaan ko lang din ang tamang haba kong buhok na nakalugay. I put a tinted sunscreen on my face and a lip and cheek tint para naman may kulay ang malamya kong mukha.

I went out and saw Lyn sitting in the living room waiting for me. Napatingin ako sa katabi nya. Xaviour is just wearing a simple shirt and a sweat shorts na hindi lagpas sa kanyang tuhod. Kailan pa sya nakauwi dito?

"Taray ma, nag mukha talaga kong alalay mo ah," Puna ni Lyn sakin. Napaangat ng tingin si Xaviour. He looked at me head to foot. Nang makabalik ang tingin nya sa mata ko ay nginitian nya ko. I smiled back.

"Let's go?" Xaviour suddenly asked. Kasama sya?

"Tara na. I'm so excited!!!" Maarteng sabi ni Lyn at tsaka tumayo para mahila ako.

We went out the house and saw Xaviour's range rover SUV na mukhang dito nya lang sa palawan ginagamit. If I'm not mistaken, he has two cars in manila.

"Why didn't you text me first na babalik ka na pala?" I asked Xaviour na nasa driver seat. I sat at the shotgun seat while Lyn sat at the back.

"Surprise?" Nagaalinlangan nyang sabi.

"I'm not surprise tho," I joked kaya pabiro syang umirap.

"Nako, Xav. Scam yan, miss na miss ka na kaya ni Rai. Parati nyang sinasabi sakin," Singit ni Lyn kaya napalingon ako sakanya.

"What the hell? I didn't say anything like that," Mabilis kong sabi dahil baka kung ano ano nanaman isipin ni Xaviour.

"Hmmm?" Xaviour teased kaya sakanya naman ako humarap.

"I swear," Giit ko dahil wala naman talaga kong sinabi na ganon.

I heard both of them laughed kaya napairap ako. Pinagtutulungan nila ko!!!

"Stop exposing her, Lyn." Xaviour teased again.

"Kayo yung scam," Inis kong sabi. Nahawa na ko sa mga salita ni Lyn.

"Awit," Natatawang sabi ni Lyn kaya inirapan ko sya.

Ilang minuto din ang lumipas bago kami makarating sa SM City Puerto Princesa.

Euphoric Piece (Month Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon