Eleven.The sun is already setting. Naka upo na kami sa nakalatag na tela. Si Lyn ay masaya ng naliligo sa dagat. Itinapat ko ang polaroid camera so kanya at pinicturan sya.
"Mag palit ka na. Para kong tangang naliligo mag isa dito," Sabi nya sakin.
Hinila nya ko patayo para makapunta kami sa loob ng bahay. Iniwan namin si Xaviour doon na nagpo phone.
"I don't want to wear it yet. Hindi pa nalalabhan," I said to her dahil kinukulit nya ko g suotin na yung swim suit na binili namin kanina. Wala kasi akong pang ligo kaya I decided to buy swim suits.
"Arte mo, okay lang yan." Pangungulit nya. Pinili nya yung maroon na two piece at binigay sakin.
"Mag shi-shirt na lang ako at shorts," I said dahil naka ganon lang naman sya.
"Hindi. Mag palit ka na," She said at itinulak na ko sa banyo.
Sinuot ko yon at pinatungan muna ng oversized shirt ko. I fixed my hair into a messy bun. Naglagay din akong sunscreen sa buong katawan ko. I put a bit of water proof liptint on my cheeks and lips.
"Tara," Excited nyang sabi ng makalabas nako sa cr at nakapag palit.
Pagkabalik namin sa seaside ay naka upo parin si Xaviour habang nakatingin sa phone nya.
Tuloy tuloy ang takbo ni Lyn hanggang sa dagat.
"Hubad na!" Sigaw ni Lyn sakin kaya natawa ko. Napaangat ng tingin si Xaviour when Lyn shouted.
Binaba ko yung phone at towel ko sa upuan at mabilis na hinubad yung shirt ko. Sanay naman akong mag suot ng ganito kapag naga- outing kami nila Seph kaya wala ng problema sakin kahit pa madaming tao ang naka tingin.
Tumakbo ako papuntang dagat.
"Ang sexy ng ate mo," Puri ni Lyn. Nang maka punta ko sa dagat ay nakita ko si Xaviour na sinusundan ako ng tingin.
"Xav!! Hindi ka ba maliligo?" She asked Xaviour.
But instead of answering ay mabilis nyang hinubad yung shirt nya at nilapag yung phone sa gilid. He walked towards us.
Lumapit naman sakin si Lyn ng naka ngisi.
"Puta, biglang uminit mami," Bulong nya sakin habang tinitigan si Xaviour.
"Sabi mo, hindi mo jowa diba? Pwedeng pwede ko ng pag pantasyahan," Natatawa nyang bulong sakin.
"I hate how your mind works," Sabi ko sakanya kaya natawa sya.
"E kasi naman nakikita mo ba yung abs at biceps na 'yon," Bulong pa nya kaya napatingin tuloy ako sa tinuturo nya. I felt my whole face became red because of what she told me.
What the hell? This isn't new to me. Sanay ako kila Kaeus na binabalandra ang mga katawan nila. What is happening?
"You're blushing shimmering, huh?" Pangaasar nya sakin kaya mabilis akong lumangoy palayo sakanya dahil malapit na samin si Xaviour. Baka marinig pa nya yung pinag uusapan namin. The heck.
Natatawang sinasabuyan ako ng tubig ni Lyn kaya sinabuyan ko din sya. Sumisid si Xaviour kaya hindi ko na alam kung nasaan sya ngayon.
Nagulat na lang ako ng biglang may humitak sa paa ko kaya napasisid din ako. Damn, Xaviour. Mabilis akong lumangoy pataas para maka kuha ng hangin. I wasn't prepared.