Three.Nakahinga ako ng maluwag ng dumating na si Seph. Hindi ko na tinignan pa kung nandoon parin sya at mabilis na sumakay na lang ng kotse.
"Is that the man at the club yesterday night?" Seph asked while we're on the way, probably pertaining to Xaviour.
I just shrugged dahil baka kung anong masamang bagay lang ang masabi ko.
Mabilis lang kaming nakarating sa condo ko. I just thanked him at umalis na din sya. Hindi na nagawa pang bumaba dahil marami pang aasikasuhin. He just said that there's an emergency kaya pinayagan syang makaalis saglit.
Nakatingin ako sa phone ko habang pumapasok sa elevator dahil nag text si Kaeus. Hindi ko na tinignan pa ang nasa likod ko dahil wala naman akong pakialam sakanila.
"Your boyfriend didn't even bother to send you at your unit?" Someone asked kaya nagulat pa ko.
And to my horror, Xaviour was the one who talked. What did I even do to deserve this hell? Bakit ba ang malas malas ko? What is he doing here again?
"Why are you here again?" I asked, annoyed.
"No one told me that I'm not allowed here, unless this is your territory too?" He casually said. Tinalikuran ko na lang sya. He's really testing my patience. God, please help me.
Nang marating ko ang floor ng unit ko ay mabilis akong umalis without looking back. Pero dahil malas ako ay doon din sya bumaba sa floor na yon.
Bago pa ko makapasok sa unit ko ay mabilis syang pumasok sa tapat ng akin. What the hell? From all I've known, iba ang nakatira dyan? I don't care about my surroundings pero sa pagkakaalam ko ay parati ko pang nakakasalubong ang nakatira sa unit na yan. Aside from that, wala naman akong nabalitaan na ibinenta yan at may iba ng nakabili.
I sighed. I'm stressing myself too much. He shouldn't be a big deal. Pang ilan na sya sa mga taong ayaw ko. I should be used to it. No. I'm already used to it.
Napairap na lang ako at tahimik na pumasok sa unit ko.
Since wala akong pasok at work ngayon ay naglatag na lang ako ng higaan sa living room to watch some series. I have this kdrama in my netflix that I really love a lot kaya yun na lang ang papanoorin ko.
Nang maghapon ay umuwi din si Tarch. Nakangiti syang pumasok pero hindi ko sya pinansin.
"Guess who will be the photographer sa next shoot ni Trevor?" Masaya nyang tanong.
"Sino?" Walang emosyon kong sabi.
"Sino pa ba?Edi ako—"
"Sino nagtatanong?" Barumbado kong tanong sakanya kaya yung ngiti nya napalitan ng simangot.
"Wala. Share ko lang, masama?" Pikon nyang sabi habang pumapasok sa kwarto nya.
Hindi na ko sumagot dahil nanonood ako. After a few minutes ay lumabas na sya ng nakapambahay na.
"Pag ako naging naging successful, who you ka." Natatawa nyang sabi habang tumatabi sakin.
"k." Tamad kong sabi. Napairap ako. Ilang beses na nya saking sinabi yan. Since high school ata ay linya na nya yan sakin.
"Joke lang. Syempre pag naging successful ako, babawi ako sayo. Ang dami ko ng utang 'no" He said. Akma nya kong yayakapin ng sinapak ko sya sa mukha. What the hell is he doing?