CHAPTER 8: Unang gala

6 0 0
                                    

Lunes na naman at may pasok. Dati wala akong gana ngayon alas kwatro palang ng umaga ay gising na ako at naghahanda.
Pagpasok ko sa gate ay nadatnan ko ang mga barkada ko na naghihintay sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam lalo na nang makita ko ulit si Tim.
Aminado akong na miss ko talaga yung ngiti niya at syempre yung kakulitan niya.
Sinabi ko sa kanilang gusto ko silang maka bonding ulit sa susunod na sabado .

"Guyss... gala ulit tayo sa susunod na sabado"
pag yayaya ko.

"O sige, saan?"
interisadong tanong ni Awi.

"What if mag shopping tayo sa bagong bukas na mall?..."
suhestyon ni Kath.

"Or what if...ngayon na?!"
sabi naman ni Josh.

"Huh?!!pano?"
sumbat ni Awi

"Simple lang... cutting!.
"sagot ni Josh

"No!!baka mahuli tayo."
pagtutol ko

"Oo nga tapos ma kick out pa tayo"
dagdag naman ni Tim.

"At papagalitan pa tayo ng parents natin".
sambit din ni Kath

"Ang advance niyo namang mag isip".
ika ni Josh

"Oo nga remember our first rule;
Bawal ang K.J ".pagkukumbinsi ni Awi.

"Pero not in this way!"
Pagtutol ni Tim

"Bro, easy lang... wala namang makakaalam kung hindi natin ipapahalata di'ba?"sabi ni Josh

"Lutang ka ba? sino namang tanga ang hindi makakahalata?" sagot ko.

"Oo nga..."pag sang-ayon ni Kath

"Basta mamayang recess...
Wala nang K.J...
Last decision...
Bye guyss..." desisyon ni Awi na parang walang iniisip na pwedeng mangyari.

*wala na kaming  nagawa kundi maghintay sa kung anong pwedeng mangyari mamayang recess.

(Recess)

*paglabas ko palang ng pintuan ng classroom namin, hinila na agad ako nina Awi na matagal na palang nag aabang sa akin doon.
Lahat sila ay nakahanda na sa pag-cutting at pati si Tim ay nakumbinse na rin.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod at sumama sa kanila.
First time kong gagawin to pero dahil nasa tabi ko naman si Tim, komportable na ako.

*Umakyat kami sa mataas na pader ng eskwelahan dun sa likod ng kinatatayuan ng C.R.
Medyo nakakakaba pero nang makalabas kami ay nagtalunan kami dahil sa sobrang saya.
Nag ingat kami sa paglalakad hanggang sa may nakasalubong kaming maliit na tricycle.
Walang arte kaming sumakay, kinakabahan man ang aming dibdib ngunit bakas naman sa aming mukha ang saya at excitement.
Tumigil ang tricycle sa tapat ng malaking mall.
Nang makapagbayad kami ay agad kaming tumakbo sa loob at binili ang lahat ng bagay na nagustuhan namin.
Noong araw na iyon ay talagang maraming tao, halos magkabanggaan kaming lahat.
Habang masaya kaming bumibili ay bigla na lang akong naiihi.
Nasa tabi  kami ng escalator noon at nasa bandang kanan ang C.R ng mall.

"Guyss ihi lang muna ako" sabi ko sa kanila.

"Samahan muna siya Tim"suggest naman ni Josh.

*pumayag naman ako at ganon din naman  si Tim.
Pagkatapos kong umihi ay dumiretso kami agad dun sa lugar na huli naming pinuntahan at laking gulat namin ng hindi na namin makita ang iba naming kasama.

"Tim nasaan na sila?"tanong ko kay Tim na may halong pag aalala.

"Hindi ko alam. Hanapin na lang natin sila baka nandyan lang sila"
sabi naman niya.

*Hinalughog namin ang buong mall.
Pababa, pataas, at nagpaikot ikot kami ngunit sa kasamang palad ay hindi na namin sila nakita.

"Tim pa'no nayan?"sabi ko

"Ewan ko Rhea,pero pagod na ako ehh".sagot niya

"Ako rin eh tsaka gutom na ako".sabi ko sa kanya habang tinitingnan ang nag aalala niyang mukha.

"Ganun ba? O sige bayaran na natin to at maghanap tayo ng malapit na kainan para makakain kana".wika niya

*naramdaman ko ang matinding concern niya sa akin, mabait nga talaga siya." O sige "sagot ko na lamang.
Pumunta kami sa cashier at nagbayad.
Marami akong binili at siya ay kunti lamang ngunit siya lahat ang bumitbit ng mga ito.
Hanggang sa may makita kaming restaurant.
Umorder siya ng para sa aming dalawa na parang hindi niya iniisip kung ilan ang magagastos niya.
Binili niya lahat ng paborito kong foods at drinks.
Actually hindi sa pagkain ako nabusog
kundi sa care at sa mga ngiti niya.
Pagkatapos naming kumain ay umalis agad kami at pumunta sa paradahan ng  mga sasakyan.
Sa jeep na kami sumakay dahil yun na lang ang available .
Sasakay na sana ako sa jeep ng may biglang humarang sa akin.
Isang lasing na lalaki at tinanong ang pangalan ko.

"Hai Miss byutipul pwede bang malaman ang pangalan mo?" Tanong niya habang may hawak pang alak .
Umatras ako hanggang sa nabigla ako ng hinila ni Tim ang kamay ko at kinausap ang lalaking lasing.

"Bakit, anong kailangan mo sa girlfriend ko ?".tanong niya sa lalaki na parang galit. Natulala ako dahil sa sinabi niya at pati  na rin sa hindi niya pagbitaw sa kamay ko.
Nagulat ang lalaki at umalis nang wala man lang iniwang salita.
Hindi ko akalaing yun ang sinabi ni Tim.

Aminin ko man o hindi ay mahahalata talagang labis akong kinilig dahil halos mag kulay pula ang aking mukha.
Kahit na maraming bitbit si Tim ay hindi niya binitiwan ang aking kamay bagkus ay mas humigpit pa ang pagkakahawak niya rito. Kahit na isang salita ay walang lumabas sa aking bunganga kundi isang malagkit na titig lang ang naibigay ko sa kanya.
Walang kahit ano akong nakikita kundi ang seryosong mukha ni Tim at ang tanging naririnig ko  lamang ay ang malakas na kabog ng aking dibdib.
Pumara siya sa tapat ng aming bahay at hinatid ako hanggang aa aming pintuan.
Ang dalawang yaya lang namin ang nasa bahay at wala ang driver at si Dad.

Isang tahimik na mundo ang naranasan ko sa oras na iyon.
Hindi man lang ako nagsalita ganun din si Tim.

Todo titig parin ako sa kanyang mukha, titig na puno ng taka na nahaluan ng umaagos na tuwa.
Dahan dahan siyang humakbang papalabas sa aming gate.
Isang pantig na salita lang ang nasabi ko sa kanya 'thanks', yun lamang ang tanging salita na naipabaon ko sa kanya.

Isang napakatamis namang ngiti ang isinukli niya. Alam kong iisa lang ang aming iniisip at yun ay ang nangyari sa jeep.
Buong araw ay yung eksenang yun lamang ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko.

At dahil dun talaga namang alam ko sa sarili ko na mas lalo pa siyang minahal.
Ginamit ang teady bear na bigay niya ay sinabi ko lahat ng mga salitang diko nasabi sa kaniya kanina sabay yakap dito.

Isang nakaw  na gala ang nangyari ngayong araw. Araw na hinding hindi ko makakalimutan.
Sana nga maging totoo ang mga sinabi niya dun sa lalaking lasing.
Yun lang ang aking hiling na sana ay mangyari din.















Love means?...Where stories live. Discover now