*It's Saturday!
Akala ko magiging boring ang araw ko kasi wala ang mga barkada ko sa tabi ko pero hindi pala...Awi invited us to stay in their house for 2 days, wala kase ang family niya kaya naman sinamantala niya ang pag iisa niya para makapag bonding na kami sa bahay nila.
*Tinawag ko ang driver at nagmadali sa pagpunta sa bahay nina Awi. Paglabas namin ng gate, isang itim na sasakyan ang humarang sa amin. Lumabas ako at ang driver ko at sabay ding lumabas ang mga nakasakay sa kotseng iyon. Laking gulat ko nang makita ko sina Josh at Tim na nakangiting kumakaway sa akin. Bumalik ako ng ngiti sa kanila at agad na sinabihan ang driver ko na bumalik na lamang sa loob at nagpaalam na sa kanila nalang ako sasakay. Sinabi ko ring sila ay mga kaibigan ko at pinakilala ko din sila isa isa.
*Papasok na sana ako sa kotse na pagmamay ari pala ni Josh nang biglang lumabas naman ang dad ko at tinawag ako sa pangalan ko.
"Rhea!" sigaw niya.
"Dad...bakit po?" tanong ko ng boses kinakabahan dahil parang galit ang mukha ni dad at baka di niya ako payagan.
"Sino sila?" tanong niya habang nakatitig ng parang may pagdududa sa mga kaibigan ko.
"Dad sina Josh po at Tim, mga kaibigan ko po sila" sagot ko.
"Wag ka ng sumama sa kanila" pagpipigil niyang sabi sa akin.
"Dad naman, nagpaalam naman po ako ng maayos ahhh tsaka dad mababait po sila.....
Dad please payagan mo na ako....
Please dad...." pagmamaka awa ko."Ok fine you'll go with them but 8:00 a.m. tommorow kailangang nakauwi ka na" bilin niya.
"Yesss!! Ok dad!! Thank you! Bye!" masaya akong nagpaalam.
*Tumango si Dad at pinanood kami paalis. Kahit pinayagan ako ni Daddy na sumama, alam kong iba ang asta niya sa harap ng mga kaibigan ko. Hindi naman siya ganon, ramdam kong ayaw niya sa mga friends ko dahil kitang kita naman ang kunot sa mga noo niya habang tinititigan sina Tim at Josh. Pumikit na lamang ako at huminga ng malalim, tinuon ang atensyon ng isip ko sa mangyayaring sleep over sa bahay nina Awi.
Exciting!*Pagdating namin ay sinalubong agad kami ng ngiti nina Awi at Kath na kanina pa pala naghihintay sa amin. Winelcome kami ni Awi sa napakalaking bahay nila na puno ng ngiti at ubod ng saya.
Kumain kami ng dessert at pagkatapos nagkwentuhan naman kami tungkol sa personal naming buhay.
Masyadong naging madrama ang eksena ngunit sobrang gumaan ang loob ko sa kanila.
Nalaman kong broken family din pala si Tim gaya ko.
Si Kath naman di nga broken family pero di naman sila magkakasama. Ang papa niya ay nasa America at ang mama niya naman ay nasa California. Siya at ang bunso niyang kapatid ay nakatira dito sa Pilipinas kasama ang tita nila.
Si Josh naman, Daddy niya nalang ang kasama niya dahil namatay na ang Mommy niya noong three years old pa lamang siya.
At si Awi ang may pinakamasaya at buong pamilya.*Matapos ang mahabang kwentuhan ay natulog na kami. May limang nakalaan na kwarto para sa amin.
First room kay Awi, ang pangalawa ay kay Kath, nakareserve naman ang pangatlo para kay Josh, ang pang apat naman ay kay Tim at ang huli ay para sa akin.At sabay sabay kaming natulog.*11:49 ng gabi noon ay bigla akong nagising dahil sa isang masamang panaginip. Tumakbo ako palabas ng kwarto at pumasok sa katabi kong kwarto. Madilim sa kwartong iyon at tahimik,mahinhin kong iyak lamang ang tanging naririnig.
May nakita akong taong lumapit sa akin, dahil sa takot koy niyakap ko ng mahigpit ang taong iyon ang ibinuhos ang iyak ko at ikwinento ng mabilis ang aking panaginip ko sabay sabing "natatakot ako".
Nagsalita siya at sabing wag kang mag alala nandito lang ako.
Nagulat ako at agad kong nilayo ang mga kamay ko sa pagkakayakap dahil ang boses na narinig ko ay ang boses ni Tim.Binukas niya ang ilaw at nakita ko ang maamo niyang mukha. Nagtitigan kami nang matagal.
"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko kay Tim na nakatitig parin sa akin.
"Hindi ko alam,pumasok ka nalang bigla dito eh tapos umiiyak ka.
Dahil sa bilis ng pagsasalita mo habang umiiyak at nakayakap sa akin, hindi ko naintindihan yung mga sinabi mo. Ano nga ulit yun?I miss you? I miss you ba yung sinabi mo? Kaya ka pala umiiyak eh, wag ka nang umiyak heto na ako oh"....
"Epal ka din eh noh!" Inis kong sagot
*Hinablot ko ang hawak niyang susie at lumabas sa kwarto niya.
Ngunit hinila niya ang kamay ko at sabing
"joke lang ikaw naman... heto sayo muna tong malaki kong teady bear para hindi ka matakot."Nakangiti siya habang iniaabot sa akin ang malaki niyang teady bear.
Sa mga oras na'yon ay nawala ang takot ko at bigla akong naging komportable .
Paglabas ko sa kwarto niya ay nakangiti parin siya sa akin.Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko hanggang sa papasok ko muli sa aking kwarto.
Tinuloy ko ang aking tulog habang kayakap ang teady bear ni Tim at ang tanging nasa isip ko lang ay ang nakangiting emahe niya habang nakatitig sa akin. Ito ang gabing ibang iba ang simoy ng hangin.
Parang nababalot mg saya ang puso ko at iisa lang ang nilalaman ng isip ko at ang taong yun ay walang iba kundi si Tim, ang lalaking dahilan ng lahat ito.