CHAPTER 13: 2nd DAY OF EFFORT

0 0 0
                                    

After that 1st day of very unique way of effort, mas lalong tumaas ang percentage ng expectation ko at syempre yung love ko.

Pagsakay ko sa kotse namin talagang di na natanggal ang kaba sa dibdib ko.

Kaba tapos excitement, my gosh very fantastic.

Pagbaba ko ng kotse ay dahan dahan akong naglakad papunta sa room namin.

Alam ko na agad na meron na namang surprise dahil ngayon lang nangyari na hindi ako hinintay nina Awi sa gate.

Habang naglalakad ay nasa baba lang talaga ang tingin ko dahil ayaw kong masurprise sa malayuan gusto ko sa malapitan.

Nang maramdaman kong malapit na ako sa room ay tinaas ko na ang ulo ko at kinalma ang  pakiramdam ko sabay tuon ng atensyon sa mangyayari.

Pagkatango ko ay nakita ko ang napakalaking bulaklak na rosas na parang kagaya din kahapon.

Nang inabot   na ang rosas ay bigla nalang  may narinig akong tugtog ng gitara.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Tim na may hawak na gitara at sina Awi, Josh at Kath na todo ngiting nagvivideo sa bawat galaw na nangyayari.

"Your still the one"  yan ang napiling kanta ni Tim na handog sa akin.
Napuno ng kilig ang buo kong katawan at parang sasabog na ata ako sa sobrang saya.
Hindi ako makapaniwala na napakagaling din pala niyang kumanta.
Pinanuod ko siya at ninamnam ang bawat sandali.

Nagpa ulit ulit sa aking utak ang koro ng kanta
🎶Your still the one
I run too
The one that I'll belong to
Your still the one I want for life...

🎶Your the one that I love
The only one I dream of
Your still the one
I kiss good night🎶

Tingin ko lalo akong na in love  sa kanya.
Ngayon ko lang naranasan na kantahan ng isang lalake in public place.

Madaming nag video,maraming nainggit kaya mas lalo ko pang narealize na talagang napakaswerte ko kay Tim.

Alam kong hindi singer si Tim at hindi pa alam tumugtog ng gitara kasi alam naman ng lahat na kilala siya dahil sa pagiging dancer.

Muli ay naramdaman ko na naman ang napakatinding effort niya.

Napakalambing ng boses niya kung kumanta at mas lalo pa akong kinilig dahil nasa akin lang talaga yung mga mata niya.

Pagkatapos ng kanta niya ay kumapit siya sa akin at sabing
"Promise hindi ako mapapagod.
Promise hindi ako hihinto.
Promise po maghihintay ako.
2nd day palang kaya marami ka pang aabangan.
Asahan mong hinding hindi ka malulungkot ngayong nandito na ako
Gagawin ko ang lahat para sayo..
You are the most special girl for me,
ikaw lang ang prinsesa ko at..."

Habang nagsasalita siya ay biglang nag ring ang panirang bell.
Kailangang pumasok na agad dahil may special announcement ang mga teachers ngayong araw.

Nagtakbuhan lahat ng studyante ng nanunood sa amin at medyo lumaki ang distanya namin ni Tim sa isat isa.

Unti unti na kaming lumalayo sa isat isa kaya sinigaw niya nalang ang dugtong sa sinasabi niya
"at ako lang ang prisipe mo! ako lang hari mo at ikaw lang ang magiging reyna ko!".sabay kaway sa akin.
Sobrang nakakakilig!sobrang swerte ko ko sa kanya! sobrang saya ko! sobrang sarap niyang mahalin! Two days palang pero hundred percent ko na siyang mahal! It's amazing! Sana nga siya na! Sana nga ito na!
Kung siya na , sana forever na!
Ngayon lang ako nakakita ng tulad niya!

Siya palang ang kaisa isang taong nagpaparamdam as akin ng pagiging iba sa lahat ng likha!

Ngayong araw talagang nabuo ng musika ang puso ko at yun lang ang naging laman ng isip ko.

Mula ng pumasok ako hanggang nang pag uwi ko ay sumasabay ang mga ngiti ko sa pag indayog mg bawat nota at sumasayaw ang utak ko sa saya ng pag agos ng bawat tono ng kanta.

Ngayong araw ay hundi lamang rosas ang natanggap ko, kundi pati ang harmonyat melodya ng pabaon asking musika ni Tim.

Ang malambing niyang boses sabay ng pagtunog ng mga string ng nag iisang instrument ang siyang bumuo mg 24 oras ko na tumayo dito sa ibabaw mg mundo.

Bagong buhay, bagong karanasan, bagong  ala alang maikwento ko na naman sa bagong sikat ng araw sa bagong plano ng diyos.

Magbabagot magbabago nanaman siguro ang bagong pagtayo ko bukas dahil kay Tim.

Mabago na ang akala ko, wag lang ang pagmamahalan namin.

It's a love! A true love!
My love is like a song
It will lasts long
And it will never end by just a li'l reason!
My love to him like its tune
Its permanent , original and only one !
And Tim is my song, he is part of my heart, 50 percent of my life,
And my 100 percent happiness...

Salamat sa musika...









Love means?...Where stories live. Discover now