Habang inaalagaan ko si Tim dahil nga may sakit siya ay hindi ko na talaga naiwasan na makatulog dahil sa pagod ko kahapon na nadagdagan pa ngayon.
Tutal ay nakatulog naman na si Tim ay naisip kong sabayan na din siya.
Sinandal ko ang ulo ko sa pader at nirelax ang katawan ko sa pagkakaupo sa isang silya at susubukang matulog.
Nang naipikit ko na ang aking mga mata ay biglang narinig ko ang mahinhin na boses ni Tim."Salamat Rhea" yan ang una niyang sinabi.
Hindi ko na lamang yun pinansin dahil alam kong mangyayari din yun at inaasahan ko na kanina pa. Hindi ko kailanman minulat ang mga mata ko at ipinagpatuloy ang pagkuha ng tulog ko.Hanggang sa......
"Hindi ko akalaing ganito ka pala ka sweet mag alaga. Noon pa man ay pangarap ko na talaga na makasama ka pero talagang napakabait ng diyos dahil dinagdagan pa niya ang hiling kong iyon. Ngayon hindi lang kita basta kasama, naging magkasangga pa tayo, nagkakaroon ng sweet moments together, napapasaya na kita at ganon ka din naman sakin, at higit sa lahat inaalagaan mo ako ngayon. Dahil dyan mas lalo pa kitang minahal. Sana tuparin din ng diyos ang huli ko ngayong dasal, na sana ganun ka din, na sana may chance ako ay mahalin mo din.." yan ang sabi ni Tim habang nakahawak sa kamay ko.Gulat na gulat ako sa mga binitawan niyang salita. Napuno ang dibdib ko ng saya, kilig at galak dahil akala ko ako lang ang may ganung kalalim na nararamdaman.
"Hindi mo lang alam matagal nang tinupad ng diyos ang hiling mong yan.." sagot ko sa kanya sabay mulat ng aking mga mata at agad dumiretso ng titig sa gwapo niyang mukha.
Kahit na may sakit at nanghihina pa ang katawan ay hindi niya ininda. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at pumunta sa harap ko.
"A-------a--------anong sabi mo?" tanong niya.
"Simple lang, yung nararamdaman mo ay siya ding nararamdaman ko" sagot ko ng puno ng ngiti.
Nakita ko ang magkakahalong reaksyon as mukha niya.
Kilig, tuwa, kaba at excitement.Binuhat niya ako dahil narin siguro sa sayang nararamdaman niya.
Nabigla ako kaya mabilis akong kumapit sa matipuno niyang katawan.Nakita ko sa mukha niya ang napakalawak na ngiti na di ko maipaliwanag kung ilang porsyento ang sayang nararamdaman niya.
Nakatitig lang siya sa mukha ko suot ang napakasayang mukha.
Inikot niya ang katawan niya at syempre napasama ako dahil hindi pa niya ako binababa.
Pagkatapos ng isang ikot ay bigla nalang kaming natumba dahil nakalimutan yata naming pareho na may sakit siya.
Nakapatong ang malaki niyang katawan sa akin na tila bang nakulong ako sa dalawang braso niya.
Nagkatitigan kami ng matagal at walang kahit sino sa aming dalawa ang nagtangkang bumangon.
Hanggang sa nagsalita siya
"Mahal kita, mahal mo rin ako diba?"
tanong niya habang nakangiti at alam kong 'oo' na ang inaasahan niyang isasagot ko."Oo nga..." sagot ko ng may mahinhin na boses at matamis na ngiti.
"Edi tayo nahhh?...." sabi niyaKumukot ang noo ko at agad ko siyang tinulak.
"Hoyy 'di porket nasa pilipinas na tayo eh ganyan na ang mangyayari!.."sigaw ko sa kanya.
"Akala ko ba mahal mo ako?"tanong niya na parang halos umiyak.
"Oo pero uso po manligaw!"sagot ko sa kanya at nagmamadaling umalis.
Kinuha ko ang bag ko at nang ika' lima ko ang hakbang ay tinawag niya ako
"Ms. Rhein!".Hindi ko siya tinangkang lingunin pero tumigil ako.
"Kung 'yan yung gusto mo,yan ang gagawin ko!"sabi nita ng may seryosong boses.
Hindi ko alam ang itsura niya pero alam ko ang nararamdaman niya.
Dererminado at malakas na loob ang tiyak kong nasa loob niya dahil sa toni ng boses niya noon.Tumakbo ako palabas at pumara ng tricycle at agad na umuwi.
Hindi ko akalaing ganon lang pala kadaling umamin.a
Ang luwag sa pakiramdam, para akong lumilipad as kalangitan.Sobrang saya ko!
Sa wakes alam niya na ang nararamdaman ko at alam ko na rin ang kanyang tinatago.Buong araw wala na akong ibang inisip kundi ang nangyari at nagbatid kong ano pa ang mangyayari .
Nakakatuwang isipin.
Hindi ako makapaniwala napakaabilis ng pangyayari.
Parang kahapon lang nang nagkakilala kami at parang kanina lang nung nahulog ako sa kanya tapos ngayon...
Parang magiging kami na!...Heto na nga ata ang tunay na Love
dahil sa sobrang saya ko!...