Chapter 24

3.3K 71 1
                                    

Athaena

Marami kaming naupagusapan
habang lumalalim ang gabi ,at mas gumaan rin ang loob ko sa mga sandaling iyon, tila lahat yata ng oras na nawala sa amin ni papa ay nabawi sa mga oras na iyon. Sa buong gabi sya rin rin ang nagbantay sa dalawang kong sanggol tuwang tuwa sya sa mga ito, napakaganda daw nila at marahil maganda rin ang magulang.

Syempre ako ang ina hehe

Biglang kong naisip si Angelo kamusta na kaya yun gusto kong bumawi sa kanya, sinubukan ko syang tawagan ngunit hindi sumasagot. Kinabukasan ay maaga palang inaasikaso na ni papa ang mga release paper ko at napagkasunduan rin namin na dun muna sa bahay nya kami muna manatili para daw makasama nya naman ako at kanyang mga apo.

Pagkababa namin ay nakahanda na ang van na gagamitin namin tinanong ko nga kung paano ang sasakyan nya
at ang sabi naman ni papa ay may kukuha daw yun mamaya. Itetext ko sana si Angelo dahil hawak naman ni papa at nana Selya ang mga bata ,nagpahuli ako sa paglalakad kaya inilabas ko ang cp upang sana tawagan si angelo at sabihin ang na pumunta muna sa bahay ni papa ngunit tila nagulantang ako sa mga nakita kong pic na ipinadala nya.
Mga hubad na larawan nya kasama ang isang babaeng di makita ang mukha dahil nakasubsob ito sa leeg ng asawa ko bagamat nakikita pa rin ang mg pribadong parte ng katawan nya ganun rin ang kahabaan .

Naguunahan ang aking mga luha habang tinitignan ang lahat ng mga larawan na aking nakita, nauupos akong napaupo sa gitnang ng daan .
Gusto kong isipin hindi sya at enedit ngunit di ko maipagkakailang syang nga ang asawa ko dahil kita kita ko ang isang palatalandaan nya na isang balat sa taas ng kanyang dibdib patuloy akong umiiyak sa gitna ng daan .Hindi na inaalala ang mga taong dumaan at mga pasyente pinagtitinginan ako .

Nakitang kong nagaalala lumapat sa akin si papa na hawak pa rin ang isa kong anak, nakikita nyang gustong nya ako tanungin ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili at niyakap nya na lang ako habang ang aking anak. Mga ilang minuto na rin akong umiiyak ng biglang tumunog ang aking telepono.Ito ay isang mensahe mula sa numero ni Angelo na nagsasabi ng isang address, ito yung eksaktong address kung saan kami unang nagkausap
yung hotel and club.

Tinignan ko si papa wala pa man akong sinasabi ay inilahad nya sa akin ang susi ng kanyang kotse nagmamadali akong tumayo at pumunta sa kanyang puting kotse.
Ngayon ako nagpapasalamat kay marga na tinuruan nya akong magdrive at kumuha ng drivers license. Bago ko pa man mapaandar ang sasakyan ay humarang sa daan ko si papa kaya nagmamadali akong buksan ang bintana ng kotse .

"Anak mag-iingat ka tawagan mo kung may mangyari man " bagamat nagaalala si papa ay hinayaan nya pa rin ako sa gusto ko ,tumango ako sakanya bago ko pinaandar ang kotse.
Madali akong nakapunta sa hotel na yun at agad kong tinanong sa receptionist kung anong number ng kwarto ni angelo

"Ms. can I have the room number of Mr. Smith" patingin-tingin ako sa mga nagdadaan dahil baka palabas na sila at di ko maabutan

"We're very sorry ma'am we can't say that the room number of Mr. Smith is 2089 because of the protocol in management" Marahil sa pagmamadali ay nadulas syang sabihin ang numero ng aking asawa kaya agad naman akong tumakbo upang hanapin ang kwarto, narinig ko pang nagtawag ng security para habulin ako kaya imbes na elevator ay fire exit ang ginamit ko paakyat.

Sa pagkakataon itong di ko magawang hindi magisip ng kung ano-ano dahil kahit anong tangi ko sa sarili alam ko tama at totoo ang lahat ng naiisip ko .
Habang tumatakbo ako sa hagdanan bahagya pa akong natapilok at natanggal ang isa kong sapatos dahil masyado na akong nagmamadali kaya hindi ko na magawang balikan ang isa kong sapatos kaya tinangal ko na lang ang isa kong sapatos .

Masyadong nakakapagod ang pagtakbo habang hinahanap ang kwarto nya ,Napahawak na ako sa aking tuhod dahil sa hingal buti na nga lang ay nawala ko na sila pag-angat ko ng aking paningin nakita ko ang kwarto nila nasa dulo ito ng pasilyo.

Secretly Married With The Campus KingWhere stories live. Discover now