Chapter 31

3.2K 60 2
                                        

Athena

Nagising ako sa isang puting kwarto, nang ilibot ko ang paningin ko napagtanto kung nasa ospital ako ,sinubukan kong umupo ngunit hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko nang hawiin ko ang kumot upang makita ko ang aking paa ay nakita ko itong nakabenda ngunit kataka-takang di ko ito maigalaw, muli ko itong sinubukan ngunit di ko na ito maramdaman .

"Ang paa ko!" Pagsigaw ko ng paulit-ulit maya-maya ay may pumasok na ilang nurse at pinapakalma ako gamit ang ibang salita.

"Calmati Signorina, sei in ospedale"
Sabi ng isang nurse ngunit hindi ko maintindihan ang mga salita nila pero nakakasiguro ako italian ito, may itinuturok sila ngunit nahihirapan silang gawin iyon dahil sa pagwawala ko. Maya maya ay muling bumukas ang pinto at pumasok si papa .

"Papa! " pagtawag ko agad namang lumapit sa akin si papa at pinapakalma rin ako.

"Costa sta suceedendo ?"
Tanong ni papa sa ibang salita habang nasa tabi ko habang ang bawat nurse na lumalapit ay tinataboy ko

"È nel panico, dobbiamo calmarla"
Sagot sa kanya ng nurse, natuon ang atensyon ko sa kanila at di ko napansin ang paglapit ng isang nurse at may itinurok sa dextrose ko

"Shh mia figlia, papa è qui"
Yan ang mga sinasabi ni papa pagkatapos na may gamot na itinurok sa akin

Papa~

Nang maipikit ko ang mata ko ay tila bigla na lang ako kinain ng aking antok at mapayapang humimbing.
Nang magising ako puting kisame ang aking unang nakita ,inilibot ko ang aking mata at nakita ko si papa na nakayuko.

"Papa"pagtawag agad na napatayo si papa at lumapit sa akin.

"Thank god your awake" sabi nya at niyakap nya ako, umupo sya sa tabi ko ng kumalas ako sa pagkakayakap nya .
Nilingon ko ang paa ko at sinubukang igalaw ngunit wala pa rin akong maramdaman , nagsimula na naman akong magpanic ngunit pinakalma ako ni papa.

"Baby, don't push your self"
Pagpapakalma sa akin, ngunit di ako nakinig at patuloy ko pa rin sinusubukan galawin ito pero nang mapagod ako ay tumigil rin ako

"Anong nangyari sa mga paa ko, nasaan tayo? " tanong ko nang makaupo sa tulong ni papa

"Iha nasa italy tayo, naalala mo ba ang nangyari sayo ?"tanong nya sa akin kaya pinilit kong inalala ang mga nangyari.

"Nahulog ka sa bangin iha at nang makita ka ni terrences ay wala kang malay "Inalala ko lahat ang mga tinuran nya mula sa kataksilan ng aking asawa, sa muntik na pangagahasa sa akin ni prime at kung paano ako nakatakas at mahulog sa bangin .Tinignan ko si papa at muling nagsalita.

"Hindi nyo sinagot ang tanong ko"
Bumuntong hininga si papa at nagkwento.

"Nang matagpuan ka ay wala kang malay at malubha ang lagay mo ,dinala ka namin sa ospital at binigyan ng paunang lunas. Paglipas ng dalawang araw at naging stable na ang lagay mo ay nilipad ka namin papuntang italy"
bahagyang tumigil si papa at muling nagsalita.

"Ang sabi ng doktor ay marami ang nabaling buto sa talampakan mo at may posibilidad na malumpo ka "
Bigla akong humagulgol sa pagiyak dahil sa sinabi ni papa ngunit bigla kong naisip ang mga anak ko

"Si delizia at marvin nasaan?" pagtatanong ko.

"iha wag ka magalala sa kanila nasa maaayos na kalagayan sila" bahagya akong tumigil ngunit muli akong humagulgol nang muli kong maisip na baka di na ako makalakad at ang malala pa ay baka mawala ng tuluyan ang paa ko.

Secretly Married With The Campus KingStories to obsess over. Discover now