Chapter 23

3.1K 68 1
                                    

Athena

Ilang Araw na rin ang nakalipas pagkatapos kong manganak laging bumibisita sila mommy, Blue at Marga ngunit wala ni isa sa kanila ang pinansin ko kahit ang sarili ko mang asawa naawa na ako sa kalagayan nya halos di na sya umuwi para maalagan kami ng maayos.

Napakaganda na mga angel ko at tanging sila na lang ang nagbibigay lakas sa akin naharapin ang problema ko sa pamilya patuloy pa rin akong nasasaktan sa aking mga natuklasan at di ko rin maiwasang magalit kila mommy dahil sa pagtatago ng katotohanan sa akin.Habang nasa ospital kami ay naipakilala na sa akin ni mommy ang tunay kong ama gamit ang isang lumang larawan, gusto kong tanungin kay mommy kung hinanap nya ba talaga ako at kung bibisatahin nya ba ako dito ngunit ayoko pa syang makausap sa mgayon .

Masyadong masakit !

Umalis si angelo dahil inaasikaso nya na ang bill ng ospital upang bukas ay derstso alis na lang kami nasabi nya na rin sa akin na uuwi sya sa bahay mamayang gabi upang makaligo at makapagpahinga, may makakasama naman daw ako dito sa pagaaalaga sa dalawa naming anak at siguro ay napagod rin sya sa di ko pagpansin sa kanya.

Alas tres palang pala ng hapon ang bagal naman ng oras, gusto ko ng makalabas ng ospital kaa ang mga ank ko. Maya maya pa ay may pumasok na isang matandang lalaki at kahit ngayon ko lang ito nakita ay sigurado ako kung sino sya di ko akalaing andito sya at sya ang makakasama ko ngayon .

Nangingilid ang luha ko habang lumalapit sya sa akin ,nagpapasalamat akong tulog ngayon ang mga anak ko. Umupo sya sa paanan at pinakatitigan ang mukha nya ng mukha maging ako ay ganoon rin ang ginawa at walang duda sya nga ang

Papa ~ ko

Nanatili kaming tahimik at ang tanging ingay lang ay nagmumula sa labas ng kwarto kabila ng kagustuhan kong yakapin sya ay nangingibabaw pa rin ang tampo ko . Dahil sa katahimikan ay tila na naririnig ko na rin pati ang tibok ng puso namin .

"Ano hong kailangan nyo" pagbabasag ko sa katahimikan, nakita kong lumunok sya bago ako sagutin.
Ito ang unang beses na maririnig ko ang boses ng aking ama kahit gustuhin ko pa ang sadaling ito ay tila pinaglalaruan pa ako ng tadhana .
Nakikita kong wala makapang salita ang kaharap ko ngayon at ikinadismaya ko yun dahil halos labing walong taon syang wala sa tabi ko at iba ang kinikilala kong ama ngunit hanggang ngayon ay walang syang masabi.

"Kung sasayangin nyo lang ho ang oras ko makakaalis na kayo " pagsusungit ko sa kanya na parang bang ayaw ko syang makita kabaligtaran sa tunay kong nararamdaman.

"Iha kamusta ka na anak? "nang narinig ko ang boses nya ay para iyong paborito kong musika at nagpaulit ulit sa aking tenga.

"Ok lang ho ,ano ba ang sadya nyo?"
Tanong ko sa kanya, nasabi na sa akin ni mommy ang sadya nya ngunit gusto ko pa rin itong marinig mula sa kanyang labi . Ang kanyang boses ay napaka baritono tila galing ito sa ilalim ng lupa ngunit hindi ko nakakatakot bagkus para gusto gusto pa ito ulit-ulitin pakinggan.

"Anak gusto ko bumawi sayo"
saad nya at kahit ako ay gusto ko rin bumawi sa kanya bilang isang anak ngunit may katananungan akong gustong masagot na kahit si mommy ay di kaya sagutin dahil daw pinagsisihan nya ang lahat ng ito.

"Bakit ngayon pa malaki na ako" emosyonal kong saad, nadudurog ang puso kong makitang na lumuluha ang tunay kong ama . Kita ko ang kagustuhan nya hagkan ako ngunit kita ko rin ang pagpipigil sa kanya sarili na lumapit sa akin ng husto at di ko yun magustuhan.

"Anak di ko yun kagustuhan at may mga dahilan ako?" Kung totoo ang sinasabi nya ay marahil nagsisinungaling sa akin ang mga magulang kong kinilala na iniwan na lang ako sa puder ni dad.

Secretly Married With The Campus KingWhere stories live. Discover now