Chapter 32

2.5K 55 2
                                    

Angelo

After the Christmas ball , I was confused . Alam ko na matagal ng patay ang aking asawa at tanggap ko na yun, pangungulila na lang ang nararamdaman ko pero bakit
simula ng mailapat ko ang aking paningin kay Athena na fiancee ni  Terrence ay biglang nabuhayan ako ng loob.

Bakit parang bigla ay pakiramdam ay andyan lang siya at nakakasama ko na ngunit hindi ko nalalaman.
Gusto kong isipin na ang babaeng nakasama ko noong isang gabi ay ang aking asawa pero Ibang iba ito sa Athena na asawa ko .

Ang asawa ko ay hindi  ganun katabil ang bunganga,  maliit ang hinaharap nito,  maliit na   puwet, manipis ang labi nito  ,di sya mahilig  magayos ang kilay at hinahayaan nya ang makapal at wala syang mga nunal sa   leeg.

Tila nababaliw at nawawala na nga yata ako sa aking sarili dahil maski ang maliliit na bagay na iyon ay napapansin ko. Siguro nga totoo dahil mula nung masilayan ko muli ang mukha ng aking minahal ay di ko na inalis ang paningin ko sa kanya kahit alam ko na hindi sya ang babaeng minahal ko

Ang babaeng nakasama noong isang gabi ay may matabil na bibig, malaki ang hinaharap at ganun ang kaniyang pangupo bagamat maliit ang labi katulad ng aking asawa ay makakapal ito. Ayos na Ayos ang kanyang kilay na halatang kakaahit lang na lubos na kinaayawan ng aking asawa at sa sandali na naming pagsasama ay kapansin-pansin ang isang tuldok o nunal sa ibaba ng kanyang tenga higit sa lahat bakit at paano sya magiging fiancee ni Terrence kung sya tlaga ang asawa ko.

Napabuntong hininga ako sa aking iniisip kahit pa sinasabi ng utak ko na hindi sya ang aking asawa ay andoon pa rin ang pagnanais at pagbabakasakali sa aking puso na sya ang aking asawa. Lumipas ang araw at sumapit ang kapaskuhan, ilang araw na rin akong di lumalabas sa kwarto at dinadalhan na lang ako ng pagkain, taon -taon nakasanayan ko na ang ganitong sistema.

Liliban ako ng isang linggo mula sa araw na isang linggo bago ang pasko, umiiwas ako sa lahat at walang pinipili maging ang aking mga magulang na nasa probinsya namin sa Nueva Ecija ay madalas. Tumatangi ako sa paguwi doon at dito nanatili sa sa bahay na pagmamay-ari nila mom dito sa manila.

Habang nakatutok ang aking mata sa malaking flat screen ay biglang tumunog ang telepono dito sa bahay tumatawag pala si chloe.

"Hello!"galit nyang pagbati sa akin

"Hello Chloe, What do you want?"pagsagot ko sa kanya

"What do you mean on 'what do you want', Angelo you've been ignoring me for a week! "galit na galit nyang asik sa akin

"I'll hang it up na chloe , I'm sorry"
Paghingi ko sa kanya ng tawad at pinutol ang tawag .Narinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko bago tuluyang mamatay ito.

" Ser! andyan po sela madam ser  at pinapababa po kayo ng dade nyo ser" Pagkatok ni yaya Pacing sa kwarto ko.

"Baba na ho ako" Sagot ko habang papunta sa banyo dahil para wala akong ligo ng isang taon

"Sege ser!"natawa ako sa kung paano  sya magsalita  ,napakalumanay at malambot ang pagkakabigkas

Pagbaba ko ay nakita ko si daddy na nagkakape at si mommy naman nag-aayos na sa bahay dahil mukha lang ito ordinaryo at walang mga dekorasyon para sa pasko.

"Dad" Pagtawag ko kay dad nang makalapit ako ngunit bigla na lang akong nabuwal dahil sa pagsuntok nya sa akin

"Dad" may pagtatanong sa pagtawag ko sa kanya

"How many times you make your mother worry of not accepting our invitation!"asik nya sa akin ,mabuti na lang ay nalatayo na ako at dumistansya kundi isang suntok pa ang inabot ko.

Secretly Married With The Campus KingWhere stories live. Discover now