THIRD PERSON's
"Thank you, LOVE!" sambit ni Sasa na may kasama pang paghalik sa pisngi ni Vincent ng iabot nito ang mga libro na binitbit nito.
Nginisihan lang naman ni Lychee ang nag-iinarteng si Sasa. Sa lakas kasi ng boses nito ay halatang halata ang pang-iinis nito sa kanya.
Eh bakit nga? Niyayabangan siya nito dahil nakuha nito ang bestfriend niya. Porke siya lang yung mahal ay nag-iinarte na ito. Kesyo, nakakaselos daw ang closeness nila ni Vincent kaya pinapili niya ito, at ang hinayupak niyang bestfriend since nasa tiyan pa siya ng Mama niya, ay ito ang pinili.
Akala naman masakit!
Ahh, di naman!
Nakakagago lang.
Na ikaw yung kinalakihan, ikaw ang laging kasama in good and bad times, ikaw ang nagpapasaya, ikaw ang naging sandalan at sa bandang huli... ikaw pa rin naman...
Ang pipiliing bitiwan.
Tatlong buwan ng magkarelasyon sina Sasa at Vincent, tatlong buwan na ding nananakit ang mata ni Lychee sa pagpapapansin ni Sasa sa kanya. Sa araw-araw na ginawa kasi ng diyos ay ipinamumukha nito na ito ang mahal at siya ang hindi pinili. Konti na nga lang at iisipin na niyang sa kanya talaga may gusto si Sasa dahil sa sagad na pagpapapansin nito sa kanya.
Hindi niya alam kung saan hinuhugot ni Sasa ang sama ng loob nito sa kanya eh. Eversince kasi na nagtransfer sila ni Vincent sa North ay mainit na ang mata nito sa kanya. Classmate sina Vincent at Sasa sa section A samantalang siya ay nasa section B. Medyo--- ay hindi, tanggap na niya na mahina talaga ang ulo niya. Hindi siya katalinuhan --- ay mali! Hindi talaga siya matalino.
Kinahapunan ay P.E nila. Init na init ang pakiramdam ni Lychee dahil kakatapos lang nilang maglaro ng football.
Panay ang hagod niya sa saburayray niyang buhok. Hindi niya iyon maipusod dahil sa burara nga siya ay naiwala niya ang ponytail niya na may bunny ears. Pang 38 na niya iyong pony since nagsimula ang klase. Ang burara niya lang din kasi talaga.
"Yooooooo! Sige pa, abaaaa! Lakasan mo ang sipa Yohan-bey!" hindi nagpapigil na sigaw ni Lychee bilang suporta sa kaklase. Nakikipaglaro kasi ang mga ito sa kabilang section.
Matapos ang makabutas lalamunan niyang sigaw ay tumalungko siya sa damuhan. Nauuhaw na kasi siya pero tinatamad naman siyang manakbo sa bilihan ng tubig.
"Ohh!" bahagyang napapitlag si Lychee ng may malamig na dumampi sa pisngi niya. "Sigaw-sigaw pa kasi, edi nauhaw ka!" pagbaling niya sa pinagmulan ng litanyang iyon ay hindi na siya nagulat.
"Ayoko." tanggi niya sa tubig na inaalok ni Vincent.
"Kunin mo na, Chee."
"Lychee ang pangalan ko."
"Alam ko."
"Edi Lychee ang itawag mo sa akin!"
"Tsk. Osige. Lychee, kunin mo na 'tong tubig."
"Babayaran ko!" angas niya dito sabay haklit sa mineral water na hawak nito, saka dumukot sa bulsa ng P.E short niya. Kinuha niya ang lahat ng coins niya at basta na lang iyon iniabot kay Vincent bago ito tinalikuran.
Napailing na lang si Vincent ng makita niyang limang piso lang ang ibinayad ni Lychee. 15.75 kaya yung tubig. "Tsk!"
...
LYCHEE SERRIA HERERRA'S
"Hawakan mong maigi, tinga ka talagang bakulaw ka. Kapag ako nalaglag dito, papahiran kita ng kulangot." yamot na yamot kong sigaw sa kaibigan kong si Bonjing, iyon ang palayaw niya. Ang taba-taba niya kasi. Pinayuhan ko nga siyang magdiet kaso ang ang loko, dinuraan ako. Wala daw akong pake-alam kung mataba siya, ang baboy lang talaga ng lintek. Literal, ANG BABOY!
![](https://img.wattpad.com/cover/225121977-288-k554506.jpg)