Matured Content
#Chapter20
Achelois' POV
Dahan dahan ko namang binuksan ang mga mata ko, puting kisame lang ang bumungad saakin.
Nilibot ko naman ang paningin ko pero si Nethon yung nakita kong natutulog habang hawak ang kamay ko.
Bigla namang dumaan sa alaala ko lahat ng pangyayari bago ako nawalan ng malay.
Nagsimula na namang manginig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung ano at pano nangyari yun. Sa sobrang bilis ng pangyayari nagugulohan ako pero alam kong binabalot ng takot ang buong katawan ko ngayon.
"Achelois?"
Masaya pa nga akong nakipag usap kay Nethon, napaisip ko tama nga lahat ng sinabi saakin ni Belle nung nakaraan, tapos nakaradam lang ako ng pag ihi.
Mag ccr lang naman ako eh! pero bakit ako yung pinili ng mga hostage na eh hostage?
"Hey" napabalik naman ako sa sarili ko at si Nethon yung nakita ko, sobrang lapit niya saakin at hawak niya ang balikat ko.
"Achelois" binalot naman ng pag aalala ang mukha ni Nethon, umiyak na lamang ako at napayakap sakanyan.
"Nethon natatakot ako" siniksik ko naman ang sarili ko sakanya, naramdaman ko naman ang pagyakap niya saakin ng mahigpit.
"It's fine, you're safe now, I'm here"
"Nakakatakot Nethon" sumikip naman ang dibdib ko at nahirapan huminga, tinanggal naman ni Nethon ang pagkayakap niya saakin at tinagnan ako.
"Calm down, I'll call Voltaire" aalis na sana ito pero hinawakan ko ito sa pulsohan niya at umiling ako.
"Don't leave me"
"Fine, just calm down, you are safe now" tumango naman ako bilang sagot, umupo naman ito at tinitigan niya lamang ako.
"Thank you" mahina kong sabi, ngumiti lamang ito saakin at tumango.
"Sing for me"
"Ayoko nga" mabilis niyang sabi kaya bumusangot naman ako, tumawa na lamang ito ng mahina.
"Twinkle twinkle little star"
Tumawa naman ako ng mahina nang mag simula siyang kumanta.
"Alam mo ba yan ang kinanta mo saakin, I'll never thought you'll sing it again"
"Huh? yun ba ang kinanta ko sayo?" tumango naman ako.
"Kanta ka na ulit"
"Ayoko na, matulog ka na muna mag pahinga ka"
"May pagkaisip bata ka nga"
"Ano?" kumunot naman ang noo nito.
"Si Belle nagsabi saakin, kaya mo daw pantayan ang kakulitan ni Ashton. And you're clingy paglasing ka"
"Hindi ako clingy"
"Yes you are, para kang bata kung makayakap saakin sa braso nung kinuha kita sa bar tapos para kang bata din kagabi"
"Are you happy?"
"Well yes"
"If that so, okay"
"Masaya akong makita ang ganitong klaseng side ni Nethon, rare lang kaya yun!"
"Pero yung sabi ni Belle na inosente ka, don ako hindi naniniwala" pahabol ko naman sabi.
"I am inosente"
"No you are" umirap naman ako.
Napaisip nalang ako bigla nang, kung hindi kay Nethon, may butas na siguro ang ulo ko ngayon at kung hindi kay Nethon, nabaliw na ako kakaisip sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
His Secret Affair ✔
ActionKyril Series #4: His Secret Affair Nethon Kyril is the third child of the Kyril Family, everyone wants him because his perfection. The needs to be perfect under his father's sight is giving him a lot of pressure but he can't do anything until one da...