#Chapter35
Ashton's POV
Pumasok naman si Alice galing sa pool area. Sabi niya siya daw kakausap kay Nethon.
Nag usap kaming dalawa, sinabi ko na gusto kong sabihin kay Nethon ang nangyari sakanya pero nag presenta si Alice kaya hinayaan ko nalang din, wala din naman akong magawa, si Alice yun eh.
"Ano sabi?" bungad ko sakanya.
"He's fine"
"Anong fine?"
"He's totally fine Ashton, he's happy for her"
"Teka ano?" Hindi naman ito sumagot, napatingin naman kami sa pintuan, pumasok si Nethon.
"Okay ka lang?"
"I'm fine hyung why?"
"Hindi ka ba nagulat?"
"Ofcourse nagulat pero yeah, good for her"
"Good for her? Alam mo bang muntik mo ng mapatay boyfriend niya kasi hindi mo tanggap!?"
"Ashton!" nalingon naman ako kay Alice, kaharap ko lang ito pero sumigaw pa ito.
"Stop it! he's fine, let him move on and let's move on"
"Fine whatever"
Hindi ko akalaing ganon lang ang maging reaction ni Nethon. Ano yun? yun lang? tapos na ang kwento?
Atsaka ano yun? nakalimot lang siya pero hindi yung nararamdaman niya, alam kong pag sinabi yun sakanya, hindi man maalala ng utak niya, maalala naman ng damdamin niya yung naramdaman niyang sakit.
But looking Nethon right now, he is really totally fine. I should let that way, mas nakakabuti yun sakanya.
-
Achelois' POV
Tamad naman akong napabangon sa kama ko at pinulot sa sahig ang nag iingay na cellphone ko.
Kumunot naman ang noo ko nang makita kong si Nethon ang tumatawag.
Simula nung hindi na siya makaalala, never na niya akong kinukulit pero hinahanap niya daw ako sa pinsan niya, kanina lang din nakatanggap ako ng mensahe galing sakanya, iniimbitahan niya ako sa salo salo nilang mag pinsan pero pinili ko itong hindi sagotin.
Bumuntong hininga naman ako at sinagot ito.
"Hello?"
"Achelois I'm sorry"
"Huh?"
"I'm sorry if I want to forget this past few days and the 5 years"
Nag eenglish na ulit ito saakin, ibig ba nitong sabihin, balik ulit kami sa dati? hindi na ulit siya komportable saakin?.
"Hindi naman kita sinisisi"
"But that memory involves you. It feels like I need to say sorry"
"Okay lang yun"
Hindi ko na din kayang makita ang ganong side mo Nethon.
"And I'm sorry for interfering your relationship. I wish your happy now"
Bakit parang ganon? parang may kaunting sakit ang sinabi niya saakin.
Naunang lumabas si Nemlear kaysa kay Nethon, I mean nauna itong nagising, galit na galit ito kay Nethon, sinabi niyang kakasohan niya ito.
Nang magising si Nethon agad kong sinabi kay Nemlear ang naging kondisyon ni Nethon kaya hindi niya nalang itutuloy ang pag kaso nito.
Sinabi niya din saakin nung isang araw na, umalis na lang kami sa bansang to at sa ibang bansa nalang mag pakasal, dahil alam niyang kahit anong iwas ko, kahit na nakalimot si Nethon ng panandalian babalik at babalik padin nitong gulohin ang buhay namin ni Nemlear.
Pero ayaw ko, ayaw kong lumayo, ayaw kong umalis dito.
"Yeah thank you"
"You still remember 5 years ago? I told you I like you? I still feel the same but yeah who cares, just be happy okay?"
"Okay"
"Bye I need to rest, it's good to hear your voice again"
Hindi na ako nakasagot, binaba agad ito ni Nethon.
Humiga naman ulit ako at nakipag titigan sa kisame.
Hindi ko inakala na sa pag balik ni Nethon dito sa bansang to, makita ko ang isang side niya na ayaw na ayaw kong makita.
Kasi pati ako nanghihina habang tinitignan siya.
Akala ko noon sa pag alis niya sa bansang to, nakalimotan na niya ako, dahil nakalimotan niyang mag paalam saakin.
He even told me walang kasiguradohan ang pag balik niya, I even waited him for 2 years after he left. Na realize ko noon na parang wala naman akong hinihintay.
Akala ko nga, isang mahabang panaginip lang si Nethon saakin, ang bilis at wala akong maintindihan sa pangyayari noon.
That's why pumayag ako kay Belle na ipakilala saakin si Nemlear, Nemlear comforted me when I feel that I miss Nethon but one day I realize, nahulog na ako kay Nemlear. Hindi naman mahirap mahalin si Nemlear, kaya siguro nag tagal kami ng tatlong taon.
After five years naging ganito na ang buhay ko, magulo na ito dahil sa pag balik ng isang lalaking nagpagulo sa isip ko five years ago.
Masaya ako nang makita ko siyang bumalik, masaya akong makita siyang okay naman siya, mas lalo itong gumwapo. Akala ko nga hanggang larawan ko nalang ito makikita.
I see him happy nung lumabas siya sa yatch at bumaba ito pero biglang nag iba ang aura niya pagkatapos siyang lapitan ni Ashton at hindi na yun napalitan. Hindi ko na siya nakitang masaya ulit. Nilulunod na niya ang sarili niya sa alak at sigarilyo.
Gusto ko siyang pigilan non pero paano? iniiwasan ko ito, pinamukha ko sakanyang may boyfriend ako at mahal ko ito para matanggap niya at mag move on siya pero parang mali ata yung ginawa ko. Mas lumala pa ito na siyang naging rason kung bakit ito nakalimot ngayon.
It makes me crazy this past few days, sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko kung hindi ko pinamukha sakanya na wala na akong pakialam sa nararamdaman niya saakin dahil may mahal na akong iba edi sana, nakaalala pa si Nethon, edi sana hindi ito nasasaktan, edi sana masaya ito ngayon, masayang nakikipag kulitan kay Ashton kaysa mag wala ng mag wala hanggang sa maging okay ang nararamdaman niya.
Sinabi saakin lahat ni Belle pagkatapos eh withdraw ni Alexander ang share niya sa university, lahat dahil nakita daw ng mag pinsan kung paano nasaktan ang pinsan nila.
Lalong dumadagdag sa bigat sa dibdib ang sinabi ni Ashton nung na hospital si Nethon at Nemlear.
Gusto kong lapitan si Nethon, gusto ko itong yakapin pero natatakot ako baka kasi masaktan ko ulit ito.
BINABASA MO ANG
His Secret Affair ✔
AksiKyril Series #4: His Secret Affair Nethon Kyril is the third child of the Kyril Family, everyone wants him because his perfection. The needs to be perfect under his father's sight is giving him a lot of pressure but he can't do anything until one da...
