Chapter 10: Today was a Fairytale

168 13 0
                                        

Pumasok sa office si Gabriel wearing an army green hoodie with our uniform. He styled his jet black hair backwards, pero may takas na buhok pa ang nakadaplis sa kanyang noo. The moment he turned on the lights, we screamed and confetti popped. "Happy birthday!"

"Happy Birthday to you~" We walked towards him. The other members were jumping up and down, playing with his clothes.

Natawa ako nang mag harmonize ang lahat sa kanta habang tumapat ako sa kanya hawak ang cake, "Happy Birthday!"

"Belated Happy Birthday direk!" Ginulo siya ng lahat, hawak hawak ang kanilang mga cellphone.

He was shocked, nakahawak sa puso, at tinitingnan kaming lahat. Members were cramped up in this tiny office, there were balloons all over the place, and he had confetti on his clothes. "Salamat mga boss."

We cheered when he moved to blow the candles at kinuha na agad nila ang cake para kainin pagkatapos picturan. Napailing ako.

Nag agawan pa nga.

Napapunas ako ng leeg habang nakatingin sa AC, nakabukas naman pero ang init parin. It's the last week of September but why is it so hot today?

"Ang init init naka jacket ka." Sinalubong ko siya at inayos ang hoodie string, it's uncomfortable to look at when it's asymmetrical.

"Thank you, Jay." I looked at him and mirrored his smile.

"Anytime," I answered.

Napahubad ako ng coat, folded my dress shirt, tied my hair up in a bun, at inayos ang mga maliliit na buhok na nakaharang because it's covering my glasses.

Napatingin ako kay Gabriel na nakaupo sa swivel chair ko at nakapang halumbabang nakatingin sa'kin, "You're so beautiful."

Tinaasan ko siya ng kilay, "What?"

Ngumisi siya, "I know you're stressed, but you're really, really pretty."

"O my God! I have a Daddy na! HAHAHA!" Gulat akong napahawak sa puso at napatingin kay Rotcehlei na tumatawa habang lumalayo sa'min. Then I realized we're the center of attention kanina pa.

We're about ten people nalang in this room at lahat sila ay nakaupo sa meeting table, kumakain ng cake at nakangisi. "Ba't hindi nalang maging kayo no? Bagay kayo." Asar ni Francis.

"Do you like each other?" Gumatong naman si Melanie, and I was stunned—I look like I was literally stunned because I understood what they were trying to say.

"Weeeell?" Hana teased us at umiling ako sa kanya. Ako at si Gabriel?! Ang lalakeng 'to naman, tinatawanan lang ako na parang baliw. Sayang saya siya sa kahihiyan ko.

"Why do you keep on laughing, shut up." Tumawa si Gabe at napahampas ako sa kanyang braso. Ba't ba ako pinagtatawanan nito?! "I like him as a friend of course!"

Tumaas naman ang kilay ni Hana sa'min, nangaasar parin. "Puta na friend zone ka boi."

"Ano ba, stop it guys." Umiling ako at naglakad papunta sa table kung nasaan ang foods. I glanced back at Gabriel still sitting on my swivel chair while I'm cutting my piece. "Gusto mo ng cake? kuhanan kita?"

"Yeah... gusto ko." Tumango ako and I moved to get a piece for us both but I stopped nang sumigaw silang lahat.

"What?" Nagtataka akong lumingon sa kanila at kay Gabriel na nakangising nakatingin sa'kin. Did I cut wrong? "Why?"

"Puta! nilalanggam ako." Mura ni Juaquin at nagmukang kinuryente dahil napa kisay-kisay siya sa pwesto niya. Lahat sila nagsitayuan, nagtilian at naghampasan. Bakit? Bakit?!

Eternal Tune (Haunted Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon