Chapter 1

232 11 2
                                    







"Sandra, gumising kana jan may pasok kapa first day mo diba?" Gising sakin ni kuya nakauniform nadin sya at mukhang aalis na.

"Sige kuya, eto na." Tugon ko kay kuya at pagkalabas ko ng kwarto ko andun si kuya sa may pinto mukhang inantay ako.

Nagulat ako ng may inabot syang isang libo. "Oh, kuya para saan to." Pagtatanong ko kay kuya, sino banaman ang hindi magugulat abutan ka ng isang libo." Pang 1 linggo mong baon." Sagot nito sakin.

"Kuya, wag na dagdag mo nalang yan sa gastusin. Naka sweldo din naman ako eh." sabi ko kay kuya, at kumunot ang noo,  ayaw nga pala ni kuya magtrabaho ako.

"Hindi na meron nanaman eh." pangungulit neto sakin.

"At diba sabi ko wag kana magtrabaho ha?" sermon niya sakin napakamot naman ako sa ulo ko.

"Kuya sayang din yung kikitain makakatulong yun sa gastusin natin."Palusot ko baka mapektusan ako nito.

"Mapapagod kalang mas maganda kung mag-focus ka sa pag-aaral." Saad nito sakin.

"Ngii hindi naman ako napapagod eh." Saad ko at agad na nagsalubong ang kilay ng kuya ko.

"Aba nga naman.."

"Tsaka para makapag-asawa kana malapit kana maging gurang.." usal ko at nagtatakbo na pababa dahil hahabulin ako nito ng pingot.


"Sige na kuya wag na." pagtanggi ko ang kulit naman kasi eh hanggang kusina kasi pinipilit nya padin sakin ung 1k.

"Oh, sya sya sige na hindi na kumain kana jan naghain na si mama at ako ay papasok na sa trabaho." mahabang sabi ni kuya, tinanaw ko si kuya habang nakangiti, ampogi banaman ni kuya sa uniform niyang pang engineer.

"Sige Kuya ingat ka..."


"Oh anak, kumain kana ha, baka mahuli ka unang araw mo panaman galingan mo ha." paalala sakin ni mama. Si mama talaga super concern na concern kaya mahal na mahal ko sila eh.

"Opo ma, kalma lang unang araw ko palang ngayon." sagot ko kay mama at sinamaan ako ng tingin.

"Batang to, pinapaalala ko lang sayo". suway sakin ni mama, si mama talaga kung minsan sa trabaho para namang diko kaya e, hahaha pero naiintindihan konaman si mama pinag-iingat nya lang din ako. Dahil hindi biro ang karamdaman na aking nararamdaman tuwing napapagod.

"Ma ligo na ako ha." paalam ko kay mama na mabilis naman akong sinangayunan pagkatapos ko kumain.

"O sya sige at baka mahuli kapa ako na magaayos dito. Ano gusto mo ulam mamayang gabi gusto mo ba sinigang? tanong sakin ni mama, mabilis pumalakpak ang tenga ko, sinigang banaman yun eh.

"Opo ma opo, gusto ko sinigang." galak na sabi ko kay mama. "O sya sige." tugon nito humalik na kaagad ako sa pisngi ni Mama at mabilis na nagpaalam.

20minutes akong naligo at 10minutes nagayos at nagbihis binilisan ko din kilos ko baka mahuli ako 8am ang unang klase ko 7:00 na 10 minutes kasi akong maglalakad sa sakayan ng jeep at 30 minutes sa jeep

"Ma, una na ho ako." paalam ko kay mama at humalik sa pisnge nito muli.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko ang aking kaibigan dito samin magkaiba nga lang kami ng school kasi ako sa Lamero University at sya naman sa Trence University, ng makarating na ako sa sakayan buti at paalis ng ang jeep agad akong sumakay at nagbayad habang asa biyahe narinig kong tumunog cellphone ko, nagtext pala sakin si kuya na sunduin nya daw ako pagka awas pshh eto nanaman siya oh, ng makarating na ako ang ganda talaga dito sa eskuwelahan swertihan lang makakapasa sa scholarship dito.

Until The Very End [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon