Sa wakas, hinahaba ng pahinga ko sa hospital mahigit 2 linggo din ako bago naka recover katawan ko, nagpapasalamat ako kay Keen, at tinulungan nya kami ng pamilya ko Malaki din ang pasasalamat ko kay Kaiser.Asa school ako ngayon kasi pasukan na, di na nga ako pinapapasok pero gusto ko din makapagtapos magmahal, makaipon, magka pamilya.
"Kaya mo ba talaga?" nagaalalang tanong ni keen kanina pa to talaga promiseeee.
"Keen, hindi naman ako nabaldado. Wag kang ano jan." sabi ko sakanya at kumunot ang noo kaya natawa ako.
"May panahon kapa magloko talaga no?" sagot nito at tinawanan ko nalang siya masyadong cute.
Syempre sa mga panahon na ganto dapat maging positive nalang ako sa buhay at isasantabi ko muna yang mga negatibong nangyayari...hindi natin alam kung hanggang saan lang tayo aabot sa mundong ito.
Papasok na ako sa room naming ng makita ko sa pinto si Kaiser nakacrossarm pa siya.
"Okay kalang ba." tanong nito sakin at sinuri pa ako.
"Oo naman." sagot ko dito at ng akmang papasok na ako ay hinigit nya ng mahina lang naman ang pulsuhan ko.
"B-bakit?" nauutal ko tanong nakatitig siya hanggang sa magsalita siya.
"Pumunta ka sa likod ng building mamayang awasan." sabi niya at bigla nalang binitawan ako kamay ko at pumasok na, habang ako naiwang naka tunganga.
"Miss Marquez? di kapa papasok. Mag kaklase na ako. " nagbalik lang ako sa katinuan ng sabihin yun ni Ma'am sakin.
"Sorry po ma'am, hehe." sabi ko sakanya, pag pasok ko di ako tumingin kay Kaiser ewan ko din bigla kasing nagtatambol dibdib ko sa sinabi niya.
Bakit naman kasi ako pinapapunta don? baka ano gawin non? nantritrip nanaman bato..ano trip nito sa buhay.
Natapos ang buong klase pero bakit ganon, imbis na masaya ako, kinakbna masaya ako, kinakabahan ako to the legitest tumpak sagad highest level, nagsabi din ako kay keen na di ako makakasabay ewan ko lang dun kung umalis na.
Naglakad na ako papunta sa likod ng building naming, Nakita ko ang anino ng isang tao, syempre sinilip ko muna baka iba ng mapatunayan kong si Kaiser yun na nakasandal sa pader "ikaw" chharssss, naglakad na agad ako.
"Kaiser?" salita ko kahit kabado isang libo ako.
"Anjan kana pala halika dito." hahalikan nya ako..Joke.
Naglakad naman ako papalapit sakanya at humarap sya sakin.
"About saan ba paguusapan natin." tanong ko sakanya, aba anong malay ko. "Baka mantritrip kananamn ha." dagdag ko pa at umirap siya sakin.
"It's about my gift, diba sabi ko ako na magdedecide." sabi nito sakin at tumitig, agad naman ako umiwas ng tingin at yumuko, aba naman kasi nagtatambol nanaman eh. Nakapagdecide na ako, at hindi mo to pede tanggihan. Sunod nyang sabi.
"Anong desisyon mo?" tanong ko sakanya habang naka yuko.
"Be my girl." maiksing sabi niya, pero halos manlambot ang tuhod ko.
"Ha?!" gulat kong tanong.
"Di ka pwede tumanggi, kasi yan ang hiling ko sayo." Sabi nya sakin. Naiiyak na ako sa sinasabi niya.
Teka teka, hala as in girlfriend nya ako. Bakit ganon.....teka di ako prepared, wala naman ako gusto sakanya eh diko sure pero pakiramdam ko may gusto ako pero hindi sakanya.
"Seryoso ka jan?" Tanong ko uli at lumapit ang mukha niya sakin at nagsalita siya.
"101%." Sabi niya.
"Pero kaiser, naririnig moba sinabi mo ha?" Sabi ko saknya. "Gusto mo ba ako?" Walang pangaalinlangan kong tanong bahala na kung assuming ang mahalaga sigurado ako.
"Yes, I Like You....No, I think I Love You." Sa sinabi niyang yan nanlambot nanamn ang tuhod ko, at kumalabog ang dibdib ko, naisip ko yung mga natulong nya sakin, mga pagtatanggol nya pero sapat naba yun?para mahalin ko sya at payagan, ayaw na ayaw ko ng nakakautang naloob kaya kahit ano pa kapalit basta hindi makaka pweryiso sa pamilya ko ay gagawin ko, pero sapat naba ang tulong nya at mga pagaalala para payagan ko syang pumasok sa puso ko.
"S-sige, pero hindi ko mapapangako agad na mamahalin kita." Yun ang sinabi ko nakita kong bahagyang pagngiti nya.
"Gagawin ko ang lahat para mahalin moko. Hindi naman mahirap yon." Sabi niya at niyapos ako. At parang gusto kong bumitaw sakanya dahil hindi ko kaya ayaw ko mahirap.
Wala na, natalo ako ng utang naloob. Diko manlang magagawang mahalin ang totoo kong mahal, pano ko to eexplain.
"Paano natin to maeexplain Kaiser." Tanong ko at nakayakap padin sya sakin. Please bumitaw kana.
"Leave it to me, pupunta ako sainyo sa linggo. "Sabi nito sakin, ilang minuto pa at nagpaalam na ako dina muna ako nagpahatid kahit napupumilit sya.
Habang naglalakad ako palabas ng gate, may isang sasakyan ako pamilyar na nakita.
"Keen?"Tanong ko ng makita ko ang may ari ng sasakyan na nasa labas sya ngayon.
"Inantay kita Cassandra." Sabi nito, at pumasok na sa sasakyan, bat parang malungkot sya, pumasok nalang din ako sa sasakyan nya, ng makapasok ako pinaandar nya na agad.
"May problema kaba Keen?" Tanong ko sakanya at ang mata niya umiyak ba siya?
"Wala, ikaw may gusto kaba sabihin sakin?" Sabi nito teka possible ba na sinabi ni Kaiser kay Keen.
"K-kami na ni Kaiser." Sabi ko sakanya habang nakatingin sakanya, ngunit diko mabasa ang isip nya.
"Ganun ba? Congrats senyo." Sabi nya at ngumiti, pero parang hindi totoo eh. Keen sorry.
Nakarating na ako sa bahay namin, sabado na pala bukas kaya walang pasok, di na ako nagtrabaho sabi ni kuya sya na daw bahala, tas ansaya saya pa kala mo naman inlove teka inlove nga ba? hmmmm.
"Kuya!!" Sigaw ko asa sofa sya nanonood tas ako nasa upuan din sa may bintana sabado na ngayon.
"Kailangan sumigaw sandra ha?" Reklamo nito paano kase nagulat siya mukha siyang kumain ng kalamansi.
"Kuya, isang tanong isang sagot, inlove kaba?" Tanong ko at kumunot ang noo niya at akmang babatukan ako.
"Ma, si sandra oh." Sumbong ni kuya, si kuya tinatanong lang buti nga di sya pinansin ni mama kase naglalaba sa labas.
"Kuya, tatanong lang eh. Oyy di maka sagot." Asar ko dito at parang nahihiya na siya sino ba kasi.
"Bakit ikaw ha, sino kayla kaiser at keen." Ako naman ang natahimik.
"Ayan, ikaw naman natahimik jan." Asar ni kuya saken hindi ako naasar bagkus ay nasaktan.
"Malalaman mo din kuya, pero ikaw kailan mo papakilala yan." Asar ko uli, totoo naman pupunta dito si kaiser.
"Manahimik kajan." Sabi nito sakin may nakita ako isang araw picture ng babae sa chathead niya.
"Amin, amin din kuya." Asar ko uli ko sakanya kaso ngumisi siya sakin.
"Amin, amin din sandra." Panggagaya nya at inirapan ko siya.
"Kuya naman." Inis kong sabi.
"Magsaing ka na nga don." Utos nito tingnan natin hahaha.
"Calix, ikaw muna magsaing ha." utos ni mama kay Kuya ako nanaman ang nagwagi.
"Si sandra na ma." Sabi ni Kuya.
"Sino ba inutusan ko? di ba ansabi ko ay..."
"Kung sino inutusan sya ang gagawa at hindi pwede ipasa sa iba." Sabay na sabi namin ni Kuya
"Aba tong dalawang to." sita samin ni Mama at tumawa kami ni kuya kahit masakit ang puso ko.
______________________________
BINABASA MO ANG
Until The Very End [COMPLETED]
Storie breviHanggang dulo tayo, madaming pagsubok ang darating, ngunit ako'y mananatili parin, habang buhay babantayan dahil sa puso ko ay ikaw lamang, ikaw ang aking kasiyahan, pagmamahal mo ang sa aking nag palakas hanggang dulo ikaw lamang ang mamahalin pati...