Lumipas ang halos anim buwan na kami parin ni kaiser pero bakit ganon? Kahit katiting na pagmamahal ay wala akong maramdaman? Habang siya ay ramdam ko ang pag-aalaga at pagmamahal sakin.
Ayaw ko man pero hindi ko masabihan siya dahil alam kong paniguradong masasaktan siya. Si Keen nga lumamig ang pakikitungo sakin eh.
"Goodmorning Cass." Pagbati sakin ni Kaiser at may nakasilay namamatamis na ngiti hinawakan niya ang kamay ko dahil nag-aya siya na makipagdate nung nakaraan na buwan ay pinakilala niya ako sa nanay niya at napaka bait ng nanay niya, napaka masiyahin.
"Goodmorning din Kaiser." pagbati ko at nagpilit ng ngiti, kailangan ko nabang itigil ito? Ngunit masasaktan siya, at eto ang pangako ko sakanya eh.
Nakarating kami sa mamahalin na restaurant at hindi ako mapakali kase mahal ang bayarin ngunit sabi ni Kaiser ay siya na kahit nahihiya at sumangayon na ako.
"Anong gusto mong bilhin?" Tanong sakin ni Kaiser andito kami sa mamahlin na bilihan ng alahas...at tinatanong niya ako ng gusto ko ang pinakamura ay hindi baba ng 20k.
"Hala ano kaba wala kaiser ano ba ginagawa natin dito?" pagtatanong ko sakanya at ngumiti siya sakin dumiretso siya sa isang babae at may itinuro na kuwintas..baka para sa nanay niya.
Umalis kami agad don at naggala pa masaya naman ang araw ko kasama siya pero bakit may kulang padin?
"Nagenjoy kanaman diba?" Pagtatanong ni Kaiser andito kami sa labas ng bahay ko dahil kakahatid niya lamang.
"Oo naman nagenjoy ako salamat ha." Sabi ko at ng akmang papasok na ako ng bahay ay may naramdaman akong braso sa aking bewang at paglapat ng baba ng isang lalaki sa aking balikat.
"Kaiser." Pagbikas ko ng kanyang pangalan.
"Mahal kita." Anang nito at humigpit ang kanyang pagkakayakap. "Sobra.." dagdag niya.
"Ok lang kung hindi mo sagutin hihintayin ko na masagot mo yon." Sabi niya sakin naramdaman kona kumalas ang yakap niya at kasabay non ang malamig na bagay sa aking leeg. Tiningnan ko iyon at ito ay yung binili niya hugis ulap ito na may maliit na puso sa gilid.
"Happy Monthsary." Anang niya at humarap ako sakanya ng gulat na gulat. Teka ngayon ba? Bakit nakalimutan ko.
"Kaiser sorry...wala ako regalo at.."
Hindi niya pinatapos ang aking sasabihin."Nakalimutan mo ba?" Sabi niya at may lungkot sa mata niya yumuko ako dahil sa hiya.
"Ok lang." Sagot nito at hinawakan ay dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"Hindi Kaiser sorry, at ang mahal nito ibigay mo nalang ito sa nanay mo." Sabi ko habang hiyang hiya aki ngayon.
"Para sayo yan, wag mo naman itaboy ang mga bagay na binibigay ko sayo." Sabi nito at kumirot ang puso ko sa sinabi niya...ang insensitive ko.
"Sorry." Tanging nasabi ko.
Ok lang yun, mahalaga napasaya k-kita ngayon. Anang niya at nagpilit ng ngiti bago namaalamn sakjn.
Pagpasok ko sa bahay ay nasa salas na si Kuya agad siyang tumayo at sinalubong ako.
"Hindi ba si Kaiser ang mahal mo?" Agad na tanong nito habang may pilit na ngiti.
"Kuya..." Anang ko sakanya.
"Bakit siya ang nobyo mo kung hindi siya ang gusto mo?" Tanong niya sakin.
"Kuya may pangako ako sakanya, malaki din ang utang na loob ko sakanya. "Paliwanag ko kay kuya.
"Hindi basehan yun Cassandra dahil ang pagmamahal mo sa isang tao ay hindi dapat dinadaan sa pangako bagkus ay talagang nararamdaman ito hindi dahil may utang naloob ka sa isang tao ay kahit hindi mo mahal ay paasahin mo nalang, pinapaasa mo yung tao eh." Paliwanag nito sakin. At sa loob loob ko nasasaktan ako dahil sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Until The Very End [COMPLETED]
ContoHanggang dulo tayo, madaming pagsubok ang darating, ngunit ako'y mananatili parin, habang buhay babantayan dahil sa puso ko ay ikaw lamang, ikaw ang aking kasiyahan, pagmamahal mo ang sa aking nag palakas hanggang dulo ikaw lamang ang mamahalin pati...