Prologo

40 4 5
                                    

Hinihingal na tumigil ang isang lalakeng binata sa gilid ng makipot na eskinita. Para habulin ang malapit ng maputol na hininga. Hawak ang brasong duguan, ay muling tumakbo ang binata ng makuha na muli nito ang kanya'ng munting lakas.

Pasok. Labas. Takbo.

Ang tanging ginawa ng binata tuwing makakakita ng makipot na eskinita. Para lamang matakbuhan ang mga polisya na humahabol sakanya.

Nawawalan na ng pag-asa ang binata dahil sa pagod at takot na nararamdaman. Pero 'di pa rin ito tumitigil sa pagtakbo palayo sa mga grupo ng mga police na may hawak na baril

Habang na takbo ang binata, 'di na nito namalayan ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata nito. Humahagulgol na ito dahil sa takot.

Kahit anong gawin nito'ng pag linlang sa mga police na humahabol sakanya. Ay 'di pa rin n'ya ito mawala wala.

Kinakapos na ito ng hangin dahil sa walang sawang pagtakbo ng makita nito ang isang malaking basurahan. Hindi naman ito nagpatumpik tumpik pa at sumampa sa makalawang at mabaho na basurahan.

Nang maka ayos na ito ng upo. Agad naman nitong tinakpan ang bunganga at ilong dahil sa baho ng amoy na umaalingasaw sa buong basurahan.

Wala pang ilang minuto ang binata sa pagkakaupo ng marinig nito ang mga malalaking yapak mula sa labas ng basurahan.

Hingal at yapak ang tunog na nangagaling mula sa labas ng basurahan na sabay naman tigil ng mga ito.

"Boss nakawala 'yung bata!" Hingal na sabi ng isang police sakanilang boss.

"Ano?! Panong nakawala?! Mga bobo! Hanapin n'yo!"gigil naman na sigaw ng boss na police sa mga tauhan nito.

Agad namang nagsisunod ang mga polis sa utos sakanilang boss at naghiwa-hiwalay.

Ilang minuto namang nag intay ang binatang nasa loob ng basurahan kung may ingay pa bang maririnig. Ng wala na ito'ng marinig agad naman ito'ng tumayo at lumabas sa pinagtataguan nang maka salubong nito ang mata ng isang police.

'Di nakagalaw ang binata agad, kaya nakalapit agad sakanya ang mga polis ng 'di namamalayan. Nang akmang hahawakan na s'ya sa isa sa mga braso ay agad nag pumiglas ang binata at pilit na nanglaban sa mga police.

Wala pa man'g ilang minuto ang panglalaban ng binata ng umalingawngaw sa buong paligid ang putok ng baril.

Napatigil ang lahat sakanilang ginagawa ng makita nila ang hepe ng mga police naka tingin sakanila. Agad naman'g naposasan ang binata at walang nagawa ng paluhurin ito.

"Alam mo bata. Maayos naman kaming kausap eh. 'Di ka sana namin papatayin kung 'di mo lang kami pinahirapan." Mahaba'ng lintanya ng hepe ng mga police.

"Sinungaling! Nakita ko ginawa n'yo kay patrick! Pinatay n'yo s'ya!" Nanggagalaiting sigaw ng binata sa hepe. Dahilan para matawa ito ng malakas.

"Hahahaha! Okay okay. Sige na nga. Oo, pinatay namin s'ya. Pahirap kasi s'ya!" Naka ngising sabi nito habang pinaglalaruan ang hawak na baril. "Drugpusher kasi s'ya! Kaya dapat lang s'yang mamatay!" Nakangiti pa rin nitong sabi.

"Hangal! 'Di 'yan totoo! 'Di s'ya nagbebenta ng droga! Mga sinungaling! Nakita kong kinuha n'yo ang mga goma n'ya!" Iyak na ng sigaw ng binata ng maalala nito ang kalupitan na ginawa ng mga police sa kaibigan nito.

"Oh magaling! Hahahaha" natawa'ng sabi ng hepe. "Matalino! Hahaha alam mo na pala ang rason bakit ka namin papatayin!" Tumatawa pa ring sabi nito at walang sabing binaril ang kanang bahagi ng braso nito.

"Oppss! Sorry sinasadya"naka ngisi sabi nito bago sinenyasan ang isang taohan na kunin ang suot nitong salamin.

Nagpumiglas naman ang binata nang kunin ng isang polis ang salamin nitong suot.

"Ibalik n'yo 'yan! Akin 'yan! Ibalik n'yo 'yan" galit na sigaw ng binata habang nagpupumiglas sa hawak ng mga police.

"Ganda rin ng kapangyarihan mo eh no? You can see the future! Cool Hahaha" nakangising sabi ng hepe habang tinitignan ang magazine ng baril nito. "Sad. 'di mo na s'ya magagamit ngayon kasi mamatay ka na. Don't worry nasa mabuting kamay naman ang mga gamit n'yo." Naka ngiti na nitong sabi at binaril ng tatlong beses sa ulo ang binata. "Die, Choanthropos" huling sabi ng hepe bago tinalikuran nito ang binatang nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sariling dugo.

*****

Huhu! Sorry sa mga grammar! Di talaga ako magaling mag sulat. Sana magustuhan nyo ang gawa ko. Di ko talaga forte ang fantasy. At first time ko lang to hehe.

;*

Run, ChoanthroposWhere stories live. Discover now