Kabanata 5

9 1 1
                                    

Angel's point of view.

Saturday ngayon at ito ako inaantay si yuri na dumating dahil sa gusto nitong tumambay. Wala si celeste at kyla dahil nasa seminar sila.

Itong bahay na namin ang naging tambayan namin simula nung grade 10 kami. Ito kasi ang pinaka malapit na bahay saming magkakaibigan sa dati namin school. At ngayong grade 11 na kami walang nagbago sa pag punta nila dito kahit malayo na ito sa bago naming eskwelahan.

Kakatapos ko pa lang mag luto ng pananghalian ng dumating naman si yuri at masayang nakisalo samin kumain.

The food was good. Pagkatapos kong ayusin ang aming pinagkainan. I sit beside yuri kung saan busy ito sa pag tawa at pag nood ng mga videos sa cellphone ko. Nakita ko naman tungkol iyon sa mga epic videos na madalas naming pag tawanan. Napatigil naman si yuri ng maupo na ko sa tabe nya.

"Miss ko na sila mayeng" simpleng sabi ni yuri habang kinakalikot pa rin ang cellphone ko. Napabuntong hininga naman ako at napatango sa sinabe nito. "Kaya nga eh. Chat mo nga. Baka pwede" pag uutos ko dito na walang atubili naman nitong ginawa.

Makalipas ng limang minuto ng i chat namin si mayeng ay nag reply na rin. Ngunit na ingos naman si yuri ng makita ang reply nito na 'bawal bhe. Nasa san pedro ako ngayon' dahilan para mapasimangot din ako. Lumipas pa ang ilang minuto at naubos na ang oras namin sa pag nood ng videos saaking cellphone ng mag paalam ang nakakatanda kong kapatid na aalis ito para puntahan ang nobya. Nang maka alis naman si kuya ay sya namang pag dating ni kyla na tahimik at nakangiting lumapit saamin. May dala dala itong maliit na bag at paper bag na agad namang kinuha ni yuri para tignan ang laman ng paper bag.

Nakita naman ni yuri na isang zesto juice at isang tuna sandwich ang laman nito. Di naman umimik si kyla ng ilabas ito ni yuri. "Pwedeng akin na lang?" Tanong ni yuri na akala mo di kumain kanina. "Sige. Iyo na lang. " Sabi nito habang naka titig kay yuri kumain. Tila inaabangan nito ang reaksyon ni yuri na akala mo may lason ang sandwich na iyon. "Saan galing yung sandwich?"pagtatanong ko kay kyla, nang makita ko pa rin itong nakatitig kay yuri. Di naman  umimik si kyla sa pagtatanong ko sa kanya. Patuloy pa rin itong tumitingin kay yuri na akala mo may binabantayan na reaksyon. Natigil naman ito sa pagtingin kay yuri nang makita niya ng ubos na ang sandwich. tila nakahinga naman ng maluwag si kailan ng makita nya ang walang nangyari kay yuri. "Saan galing ang pagkain" pagtatanong ko ulit kay kyla. Napatingin naman sa akin si kyla ng marinig niya akong na nagtatanong sa kanya. "Galing doon sa seminar na pinuntahan ko namimigay sila ng sandwich at zesto" pagsagot naman nito bago umupo sa tabi ni yuri. "Eh nasaan si celeste diba magkasama kayo?" Tanong ko ulit rito nang marealise ko na siya lang mag isa. "Ah naiwan siya doon, sumama siya sa mga classmate niya na mag iinuman" sagot naman nito uli sa tanong ko. Napa tango naman kaming dalawa ni yuri sa sagot niya.

Napatigil naman si yuri sa pagkain ng sandwich ng marinig nito ang sinabe ni kyla. "Ano? Uminom?" Gulat na tanong ko ng marinig ko ang sinabe nito. "Oo. " Sagot nito bago ito tumango sa mga nagtatakang mata namin na naka tingin sakanya. Lumipas ang ilang segundo mula ng matahimik kami sa pagsagot nito sa tanong ko. "Wow! Nainom na si celeste. " Naka busangot na sabi ni yuri bago sinubo ang huling piraso ng sandwich. Natawa naman ako dito at niyaya na ang mga ito na pumasok sa loob at manood ng tv.

Tumayo naman na ang dalawa at nauna ang mga ito pumasok sa loob. Natigil naman ako sa pag pasok sa loob ng makita ko ang nagkakalat na lupa sa baba ng aming bahay. Pailing naman akong tumungo doon at dinampot ang walis at dustpan. Napansin ko naman ang isang nanghihina na police mula sa labas ng aming gate na naka tingin sakin. Batid man ang kilabot na naramdaman sa pag tingin nito ay nilapitan ko naman ito ng matapos ko ng linisin ang mga lupa na nagkakalat kanina.

"Hi! May tubig ba kayo dyan? Baka naman pwedeng makiinom? " Naka ngiting salubong sakin ng police ng makalapit ako dito. Bahagya naman akong nagulat ng sabihin nito iyon. Kahit naman nagulat at napatango ako rito at ngumiti dito ng kaunti. "Ah sige po. Kukuha lang po ako sa taas" pilit na ngiting sabi ko dito. Lalo namang lumawak ang ngiti nito ng marinig nito ang pag sagot ko dito. Nakaramdam naman ako ng takot dahil dito. Di pa man ako nakakabalik sa loob ng bigla itong pumasok sa gate namin. Nagulat naman ako dito kaya naman napaurong ako ng bahagya. Natigil naman ito sa pag lapit ng marinig ko ang boses ni yuri na tinatawag ako mula sa likod ko. Napalingon naman ako dito ng makita ko itong nasa pinto ito ng aming bahay at kasama si kyla. Napabalik naman ang tingin ko sa lalakeng police ng maramdaman ko itong lumapit saakin. Napaurong naman ako ng kauti pa ng lalong lumawak ang ngiti nito habang naka tingin kila kyla at yuri.

Run, ChoanthroposWhere stories live. Discover now