Kabanata 2

13 2 0
                                    

Celeste's point of view.

It was almost 5:30 am in morning. At nandito pa rin ako sa bahay. Waiting for my older sister to come home.

Nang dumating na si ate. Ay saka naman ako umalis  ng bahay at nag tungo na sa paradahan ng trycicle ng maramdaman ko naman ang taong sumusunod sakin mula sa likod. Napatigil naman ako sa paglalakad ng lumapad na ang kamay ng estrangherong tao.

Pagkalingon ng aking ulo ay bigla na lang akong napasimangot ng makita taong kanina ko pa nararamdaman.

Malakas namang natawa si kyla dahil sa itchura ko at 'di na mapigilang napahampas na sakin.

"Ang epic ng itchura mo beh HAHAHAHA "natatawang sabi ni kyla habang hawak na nito ang tyan na akala mo don nakasalalay ang pagtawa nya. "Btw ang tagal mo. Kainis ka malalate tayo nyan eh" irap naman nito sakin ng makasakay na kami pareho sa backride ng trycicle.

"Sorry. Tagal kasi umuwi ni ate eh. Walang magbabantay kay daeny pag umalis ako" mahabang paliwanag ko rito bago tumingin sa daan.

"Kamusta na ang mga pinasasagutan sayo? Tapos mo na ba?" Tanong ni kyla habang kinakalikot ang wallet na hawak. Tumango naman ako dito bago sinagot ito. "Ah oo. Ni search ko ang iba sa google. " Simpleng sabi ko dito.

Makalipas ang ilan pang minuto. Narating na namin ang labasan ng soldiers, kaya naman sumakay na kami sa jeep ng makahanap kami ng di pa punong jeep. Halos karamihan ang nasa loob ay mga ka schoolmate namin. Halata rin sa mga ito ang pagiging late. Ang iba ay naman ay nagdadaldalan. Samantalang ang iba naman ay nag cecellphone.

Kinalabit ko naman si kyla para sana tanongin ito kung pwede mahiram ang salamin nito. ng makita ko ang pagkainip nito.

"Ano meron?" Tanong ko rito ng lumabas na sa muka nito ang inis. "Ito kasing dalawang mahaharot muntik ng malaglag ang salamin ko." Inis na bulong nito bago napairap sa hangin. Napatawa naman ako dito ng mahina at inabot ang salamin na hawak nito.

Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin ng maaninag ko ang diary ko na malalaglag na sa bag ko. Agad ko naman itong isinuksuk muli sa loob at sinarado muli ang bag ko ng maalala ko naman na sinarado ko kanina ang bag ko ng mabuti. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng mapadpad ang tingin ko sa isang police na malaki ang katawan.

Sinuri ko naman ang buo nitong katawan. Meron itong malaking katawan at authority vibe para maka ramdam ng takot ang sino mang titingin dito. nang magtama ang mata namin. Agad ko namang iniwas ang paningin ko ng makaramdam ako ng pagkalamig sa buong katawan. Naka ngisi itong pumara bago bumaba ng jeep. Napatingin naman ako muli ako dito ng makita ko ang pag buka ng bibig at nag sambit ng salitang magpapakaba sakin.

"Oy! Anyare sayo?" Kalabit sakin ni kyla. Nakita ko naman itong nakatayo na para mabalik ako sa realidad at malaman na nandito na kami sa school. Bumaba naman ako agad at sumabay na kay kyla ng kalabitin na naman ako nito. "Ang tahimik mo" sabi nito sabay harap nito sa tatawiran namin. "Ah wala. May nakita lang ako kanina. " Sabi ko dito bago hinila patawid ng sumenyas na ang traffic enforcer.

"Ano naman yon?" Tanong nito habang nilalagay ang wallet nito sa bag nito. Pinatay ko naman ang cellphone ko bago hinarap si kyla. "May nakita akong police kanina. Na wierdan lang ako. " Sabi ko dito habang patuloy pa rin sa paglalakad patungo school namin. Pareho naman kaming natigil sa paglalakad ng makitang dadaan na ang train. Pumalibot naman ang paningin ko sa buong paligid ng marinig ko ang malakas na pagsinghap ni kyla. Agad naman akong napalingon dito. Nang makita ko itong namumutla.

"Oy anyare sayo? Bakit ka namumutla?" Nag aalalang tanong ko dito bago hinila na ito patawid sa riles. Hindi naman nag salita si kyla. Bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pag pasok sa school. Walang paalam naman itong pumasok sa room nila kaya naman nagpatuloy na lang ako papunta sa room ng makasalubong ko naman ang english teacher namin. Binati ko naman ito ng good morning at tumango lang ito.

Run, ChoanthroposWhere stories live. Discover now