Kabanata 4

12 1 0
                                    

Third person's point of view.

Patungo sa coverd court ng eskwelehan ay may isang binata na dala dala ang kanyang bag at sapatos na nasa loob ng malaking paper bag. Batid man nito ang pagka antok dahil sa aga nitong gumising para sa practice ng kanilang laban sa darating na sabado.

Nang makapasok na ito sa loob ng court, natanaw na nito ang mga iilan sakanyang mga kagrupo na siyang kumaway naman ito sa binata.

Naupo naman ang binata sa pinaka malapit na bleacher at nilapag ang bag na dala dala. Binuksan naman ng binata ang bag nito at kinuha ang uniporme na gagamitin para sa kanilang practice. Nang makuha nito ang kanyang pang itaas na damit. Ay agad itong nag tungo sa palikuran ng court at nag palit na. Kalalabas lang ng binata sa loob ng palikuran ng bumungad dito ang ka team nito na may dala dala ding damit.

"Oh yancy! Nandito kana pala. Hinahanap ka ni captain. May sasabihin ata" mahabang lintanya ng ka grupo ng binata. "Ah ganon ba? Sige punta na ko don." Sagot ng binata bago nag tungo sa kanilang team captain na ngayo'y kausap ang mga ka grupo nito.

"Mamaya wala tayong makakasama na coach. Nasa kabilang strand si sir. " Pag sasabi ng team captain ng kanilang grupo. Tumango tango naman ang binata bago lumapit sakanilang team captain.

"Oy! Pinatatawag mo daw ako" sabi ng binata matapos nitong kalabitin ang kanilang team captain. "Ah oo yancy. Kelangan ko ng tulong mo mamaya. Kukunin naten ang net at bola sa school. " Sabi ng captain ng binata habang nag checheck ng attendance. "Ah ganon ba? Sige palit lang ako sapatos tas samahan na kita" ani ng binata at umalis na sa harap ng captain ball.

Nag tungo na ang binata sa kanyang mga gamit at nilabas ang pulang sapatos na may halong itim. Naupo ang binata sa may bleacher at saka sinuot ng tahimik ang sapatos.

Pagkatapos mag suot ng binata ng kanyang sapatos ay agad na rin itong tumayo at lumapit na sakanilang captain ball na ngayo'y tapos na makipag usap sa mga bagong dating.

"Tara na! Kunin na naten ang net at bola" pagyaya ng binata sakanilang captain ball. Tumango naman ang kanilang captain ball at nag lakad na kasama ito. "ganda ng sapatos mo ah! Halatang bago!" Pagpapansin ng captain ball sa sapatos ng binata. "Ah oo! Padala ni daddy. Regalo nya daw" pag sagot naman ng binata habang may magandang ngiti sa mga labe.

Habang nasa daan na ang dalawa patungo sa eskwelahan. Tanaw naman ng isang binata ang paglalakad ng mga ito. Napangisi naman ang binata ng makita na itong pumasok sa loob ng eskwelahan. Tumalikod naman ang binata at naka ngiting sinagot ang tawag ng kanyang 'master'

Nang makapasok na dalawa sa loob ng building, ay agad naman nag tungo ang dalawa sa 3rd floor kung saan naka tago sa room nila ang net at bola na gagamitin nila sa practice nila.

Bitbit ang dalang bag na may lamang net at bola ay walang pag aalinlangang bumababa na ang dalawa sakanilang building at lumabas na sa loob ng eskwelahan ng maka salubong nila ang binata na si hazel.

"Oy tol yancy! Maya punta kami nila rj pag katapos ng practice mo. Ml daw" sabi nito habang sabay na itong naglalakad sa dalawang binata.

Nang makarating na ang tatlo sa harap ng coverd court, agad naman nag paalam na ang kaibigan ng binata at nag tungo na sa pauwi. Ang binata naman na si yancy at captain ball nito ay pumasok na sa loob ng court at nag umpisa ng ayusin ang net na gagamitin sa practice.

Habang inaayos na ng grupo ang net nagagamitin. Ang iba naman ay nag uumpisa ng makipaglaro sa ibang manlalaro.

Nang matapos ng ayusin ang net na gagamitin. Nag umpisa na ang lahat sa pagpila ng isang deretcho at inumpisahan na ang pag stre-stretching. Nang matapos ang mga ito sa pag stre-stretching ang lahat agad naman nag umpisa ang lahat para sa pagtakbo.

Run, ChoanthroposWhere stories live. Discover now