Kabanata 3

14 1 0
                                    

Celeste's point of view.

Sabado ngayon. At kahapon pa sinabe sakin ni yuri ang sulat na naka sulat saaking kwaderno. Pero heto pa rin ako iniisip ang sinasabe nito. Tanging "Die" lang sa salita ang naintindihan ko dahil kahit kelan di ko pa naeencounter ang salitang "choanthropos" pero heto ako nakakaramdam ng matinding takot sa salitang iyon. Ni hindi ko nga alam ang meaning non pero ito ako iniisip ang kahalugan sa salitang iyon.

Tila ba may malaking parte saaking pagkatao ang salitang iyon. Pilit kong iniisip kong minsan ko na bang na encounter yon. Pero lagi akong nauuwi sa panghihina dahil wala talaga akong maalala.

Lumabas naman ako ng kwarto ko ng makasalubong ko ang lalake kong kapatid na busy sa panonood ng tv ng mapansin ko ang isang maliit na kahon sa tabi ng tv.

"Kuya kanino yan?" Tanong ko rito bago tinuro ang maliit na kahon na katabi ng tv. "Ah order ni ate sa lazada. Ako nag bayad. Walang iniwan na pera pambayad eh" simpleng sabi nito. Habang naka tutok pa rin ang mata sa tv. "Ah okay. Alis ako" boring na sabi ko dito. Bago dinampot ang twalya na naka sampay sa upuan. Di naman naman ito umangal kaya nag tungo na ko sa cr at naligo na.

Makalipas ng ilang minutong paliligo. Ay agad naman na akong nag bihis ng isang sky blue na high waist na pantalon at gray na tshirt na binigay sakin ni kuya. Napunta naman ang atensyon ko kay mama ng makita ko itong lumabas sa kwarto nila.

"San punta mo?" Tanong nito habang hawak hawak ang botilya ni daeny. "Ah don lang sa museo ma. May seminar kami. " Sagot ko dito habang tinatack in ang tshirt na suot ko. "Sige. Ingat. " Simpleng sabi nito ng matapos na itong mag timpla ng gatas. Kinuha ko naman ang cellphone at earphones ko. Bago iniligay sa maliit na shoulder bag ko.

Lumabas naman na ko ng bahay ng mapansin ko ang si kyla na may kausap na polis. Nilapitan ko naman ito ng umalis na ang polis na kausap.

"Ano meron? Huhulihin ka?" Pabirong sabi ko dito sabay tawa ko ng lumingon ito sakin na naka kunot ang noo. Tila ba may malalim na iniisip.

Natahimik naman ako sa paglingon niya at inaya na tong magtungo na sa museo para sa seminar ng aming school. Lumipas ang kalahating oras ng makarating kami sa harap ng museo at madami ng estudyante ang mga nag aabang para sa pag pasok sa loob.

Nakita ko naman ang mga iilan kong classmate kaya nag paalam nako kay kyla. Tumango naman ito sakin at nag tungo na rin ito sa mga kaklase. Nang makalapit naman ako sa mga classmate ko. Narinig ko naman ang mga balak ng mga ito na mag inom pagkatapos ng seminar. Pumayag naman ang iilan sa pag sama sa nasasabing inoman dahil birthday din ng classmate ko na si mc.

Lumipas pa ang 5 minutong pag uusap ng mag anunsyo na ang teacher namin sa oral com. Sinabe na ito na kelangan ng pumila sa kanya kanyang section at maging maingat sa pagpasok sa loob.

Nagsipila naman ang lahat. Dahilan para mag mukang ginulo na kumpol ng langgam ang lahat. Ilang minuto pa ang lumipas ng makitang maayos na ang lahat at naka pila na ang lahat sa mga tama nitong section. Isa isang nagsi pasok ang mga estudyante sa loob ng museo. Di pa man ako nakakapasok sa loob ay ramdam ko na naman ang malamig na titig mula saaking likodan. Nilingon ko naman ang aking likuran at iginala ang paningin sa buong lugar. Di pa man ako nakakapasok ng museo ay agad napadpad ang aking mata sa isang bulto na naka hoodie jacket. Itim ang jacket nito at naka mask na itim rin. Mariin ako nitong tinignan bago ito kumindat at tumalikod na. Tila ba kinilabutan ako sa pagkindat nito. Nagising naman ako sa pagkatulala ng itulak na ko ni jemaica.

"Oy celeste! Andar na! Papasok na tayo" pag tulak nito ng mahina. Nagpatuloy naman ako ng paglakad sa loob at nag tungo na sa elevator kasama ang mga classmate ko na iba. Pagkalabas namin sa elevator. Bumungad samin ang president ng room namin na si joan at sinabi nitong pumila na para makapasok kami ng di magulo.

Run, ChoanthroposWhere stories live. Discover now