Kabanata 1

26 2 1
                                    

Celeste's Point of view.

"Celeste!" Rinig ko na tawag sa'kin ng classmate kong si kristelle.

Napatigil naman ako sa paglalakad at nilingon ko si kristelle na nag lalakad kasama si yancy na boyfriend nito. Tumakbo naman ito ng makita nito ang pag tigil ko sa paglalakad.

Agad naman ako nitong nilapitan at ngumiti ng pagkalaki laki, na ikina iling ko. Kinuha ko naman ang bag ko at binuksan para kunin ang tupperware na may laman na polvoron at yema.

Inabot naman sa'kin ang pera nito at kinuha sa'kin ang dalawang polvoron at 4 na yema. Na ibinigay naman kay yancy ang yema. Hinawakan ko naman ang kamay ni kristelle para madala na ito room. Pagkarating naman sa room ay agad ko itong binitawan para magtungo na sa mesa namin. Sinalubong naman ako ng mga classmate at nag labasan ng mga pera.

Nilabas ko naman ang tupperware, nang maibaba ko na ang bag na dala ko sa mesa namin nila kristelle. Nangmaibenta ko na lahat ng paninda ko ay tama namang pagdating ni yancy at hazel na kaibigan namin galing sa ict  labas ng room namin. Kumaway naman ako sa mga ito at nilapitan na ang mga ito.

"Oy hazel!" Salubong ko kay hazel at umapir dito na s'ya namang tinugon ang pag apir ko dito. Malakas naman na palo ang tumama kay yancy ng makalabas si kristelle mula sa room namin.

"Nakakainis ka abel! Binigay mo kila luciano lahat ng yema!" Inis na sabi ni kristelle habang binubuksan ang polvoron na hawak. Natawa naman kami ni hazel sa itinuring ni kristelle.

"Yare ka bel Hahahaha!" Natawang sabi ni hazel bago kami nagpatungo sa canteen ng room.

"Malay ko bang gusto mo 'yon. Binigay mo sa'kin eh" nakabusangot na sabi ni yancy habang sinusuyo si kristelle na naka kunot na ang mga kilay.

Hindi naman pinansin ni kristelle si yancy dahilan para matawa kami ni hazel. 'Di pa man ako nakakahalakhak ng malakas ng maramdaman ko ang malakas na palo ni kristelle sa braso ko, na ikina aray ko.

"Aray naman tac! Ang bigat ng kamay mo ah!" Inis na sabi ko dito, bago ko hinila ang buhok nitong may pin na barbel. Lalo namang bumasangot ang itchura ni kristelle at hinila na lang ako papasok sa loob ng canteen.

Sumunod naman sila yancy at hazel ng makitang mabilis kaming naglakad. Nang makapasok kami sa loob ng canteen. Agad namang sumalubong samin ang mga pagkain na nasa cup at iba iba't ulam.

"Bili kaya ako ng kanin telle" sabi ko kay kristelle ng kalabitin ko ito. "Ikaw bahala. 'Di ka ba mag mimilo?" Tanong naman nito sakin. "Ay wag na pala. Mag mimilo na lang pala ako. Whole day nga pala tayo ngayon. Baka wala na kong pangkain mamaya pag nag 7/11 tayo" sabi ko dito sabay abot ng ten pesos pang bayad ng milo ko.

Inabot naman nito ang pera sa tindera ng canteen at binanggit ang aming bibilhin. Nang makuha namin ang kape at milo ay agad kaming gumilid para pabilihin naman si yancy at hazel ng kape nila.

"Bawal ka talaga sa kape eh no?" Tanong ni yancy na ikinatango ko naman "oo. Nagpapalpitate kasi ako sa kape" sabi ko dito bago hinipan ang milo.

Naglakad naman kami palabas ng canteen ng makasalubong namin ang adviser namin ni kristelle kaya binati namin ito.

"Hi sir pao!" Sabay na sabi namin ni kristelle. "Oh hi girls! Celeste akyat ka sa faculty mamaya may ipapagawa ako sayo." Sabi ni sir pao na ikinatango ko dito. "Sige po sir. Antayin ko na lang po ang chat nyo gc" naka ngiting sabi ko kay sir. Nagpatuloy naman kami sa pag lakad patungo sa room namin nang makatapat na namin ang room namin. Ay agad naman kaming nag paalam sa dalawa nang lumabas naman sa room si ace at ivan. Binati naman ng dalawa si kristelle. Tinangan ko naman ang mga ito ng mapadpad ang paningin ng dalawa sakin.

Run, ChoanthroposWhere stories live. Discover now