-Entry 2-

530 19 1
                                    

Dear Gwapong Kapitbahay,

Nagluto si Mama ng adobo, nagprisinta ako na ako na ang magdala sa bahay niyo. Nung una ay nahiya ako pero naalala 'ko na walang hiya nga pala ako kaya't eto. Inayos ko muna yung buhok ko at nagpractice ng sasasabihin habang nasa may gate niyo.

Naalala ko pa yung sinabi 'ko. "Hello!! Kakalipat lang namin sa katapat na bahay niyo, ako nga pala ang future misis mo!"


Naalala ko na ngiting ngiti ako habang sinasabi 'ko yon. Hindi 'ko alam na nasa likod pala kita!! Grabe yung hiya ko non!! Yung mukha mo noon ay parang nagtataka as in!! Dahil tuloy sa hiya ay agad kong nilagay sa kamay mo yung tupperware at agad na tumakbo sa bahay. Sumakto at nadapa pa ako sa pagmamadali.


Nahihiya,
Maya

Dear Gwapong KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon