Dear Gwapong Kapitbahay,
Finally nabalik na sa'kin ang diary 'ko, hanep at nabasa mo na pala ang laman nito. Grabe ang kaba ko nang makitang hawak mo ito, 'di ko inexpect na kung kanino patungkol ang nilalaman ng diary na ito ay siya pa ang makakakuha nito.
Nalaman 'ko na ipapasyal mo sana si Ritz nang bigla itong pumunta sa may bench kung nasaan ang diary, sinabi mo pa na sana'y isosoli mo na ito sa may ari nang makitang walang pangalan ito sa labas kaya't binuklat mo ang loob at napatawa ka nang mabasa ang front page. Dahil sa aliw ay 'di mo namalayang binabasa mo na ito.
Ang chismoso mo huhu, nalaman mo tuloy na crush kita kahit 'di ako umaamin. Balak ko pa sanang ipabasa ito sayo kapag tayo na. Nalaman ko rin na pinsan mo yung pinagseselosan ko dati at girlfriend yon ni Kiya Eric, grabe.
'Di na sana ako magsusulat dito sa diary dahil isang taon na ang lumipas pero ang makulit na boyfriend ko ah nagpupumilit na magsulat ako!! At ikaw yon Noah.
'Di ko akalain na dati ay hangang hanga lang ako sa kagwapuhan mo at dati ay pinagmamasdan lang kita sa malayo pero ngayon eto na nasa tabi na kita at pinipilit akong magsulat sa diary na naglalaman ng kwento natin. Eto na rin siguro ang huling sulat na isusulat ko, gusto kong magpasalamat dahil naging saksi ang diary na ito sa love story natin Noah. In the future ay papabasa natin ito sa magiging anak natin.
This is my last entry,,
Nagpapaalam,
Maya
BINABASA MO ANG
Dear Gwapong Kapitbahay
Teen FictionMaya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya, balak sana niyang itabi nalang ito huwag gamitin nang lumipat sila ng bahay sa Bulacan. Nagbago an...