Dear Diary,Wala na talaga akong pag-asang makita yung diary!! Natapos na ang ilang linggo na hindi ko 'yon nakikita huhu.
Para mawala ang lungkot at kahihiyan na nararamdaman ay napapadalas at napapatagal ang pagjojogging 'ko, nakikita at nakakasalubong ko rin si Noah na ngingisi ngisi habang nagjojogging. Anong problema ba niya? Parang bano.
Nagulat naman ako nang makitang tumakbo sa'kin si Ritz at hinaplos ko naman ito agad sa kaniyang balahibo, napatawa ako sa gumagalaw nitong buntot. Dahil sa paglapit sa'kin ni Ritz ay syempre lalapit din sa'kin ang amo niya. Nang mapatingin ako kay Noah ay pinapanood lang nito ang paghahaplos ko kay Ritz kaya't agad akong nahiya.
Magpapaaalam na sana ako nang bigla itong magsalita at tila hindi ako pinatapos sa sasabihin 'ko. "I don't have a girlfriend."-----ayan ang sinabi niya, naguluhan nga ako dear diary kung ba't niya yon sinabi eh. 'Di nanaman tuloy ako nakatulog.
Puyat,
Maya
BINABASA MO ANG
Dear Gwapong Kapitbahay
Teen FictionMaya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya, balak sana niyang itabi nalang ito huwag gamitin nang lumipat sila ng bahay sa Bulacan. Nagbago an...