-Entry 21-

133 13 0
                                    


Dear Gwapong Kapitbahay,



Kahit gustong gusto ko magjogging sa labas ay pinigilan 'ko. Ayoko muna kasi kitang makita dear Noah eh. Kaya heto ako ngayon sa loob ng bahay nagjojogging. Muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil doon ko napagdiskitahang magjogging.





Pinagalitan ako ni mama nang makitang sa loob ako ng bahay nagjajogging, hinatak naman agad ako nito palabas ng bahay at sinabing 'ikaw bata ka, ilang araw ka nang nagjajogging dito sa loob ng bahay." galit na sabi ni mama kaya wala akong nagawa.




Sakto namang paglabas ko ng bahay ay nakita kitang kakalabas lang din, ang gwapo mo talaga kahit anong damit. Kahit siguro gusgusin at madungis ka ay gwapo ka pa rin. Ang ganda rin ng green mong mata huhu.





Tinigil ko agad ang pagdedaydreaming sa'yo at agad na tumakbo palayo para masimulan ang pagjogging. Napabuntong hininga naman ako nang maramdaman ang pagsunod mo sa'kin.




Alam 'kong nagtaka ka sa hindi ko pagpansin sa'yo. Mas okay na siguro 'to dahil alam kong kapag nandyan na naman yung magandang babaeng kausap mo nung nakaraan ay ako naman ang 'di mo papansinin.



Nageemote,
Maya

Dear Gwapong KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon