-Entry 15-

142 13 0
                                    


Dear Gwapong Kapitbahay,




Habang palabas ng bahay ay nagulat ako nang mapatingin sa garahe niyo. Nakita kita na pinapaliguan ang aso mong husky. Oo nga pala, Ritz nga pala ang pangalan ng aso mo.




Napatingin ako sa hawak mong hose habang pinapaliguan si Ritz, napatawa ako nang makitang pati ikaw ay nababasa na. Nakasuot ka ng itim na sando kaya't napalunok at iwas ako nang tingin nang mapatingin ka.



Lalo akong nahiya nang marinig ang pagtawag mo sa'kin at lumapit ka pa. Habang kinakausap mo ako ay hindi ako makatingin sa'yo, agad ka tuloy nagtaka. Mabilis akong nagpaalam sayo at umalis. Grabe, ang hot mo huhu.




Nahihiya,
Maya

Dear Gwapong KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon