Dear Gwapong Kapitbahay,
Alam mo ba kung gaano ako kasaya nang iinvite mo kami nila mama sa bahay niyo? Ang saya rin dahil agad kong nakaclose ang mommy, daddy at ang kapatid mo. Feeling ko tuloy miyembro na ako ng pamilya.
Akala mo ba na 'di ko nakita ang pagtitig at ngiti mo sa'kin habang nakikipagusap ako sakanila? Ikaw Noah ah!! Baka may hidden desire ka sa'kin, aminin mo na.
Nang masolo kita ay agad kong iniabot sa'yo ang letter na ginawa 'ko, nahiya pa nga ako kasi mukhang magaganda ang mga regalo na nasa paperbag na ibinigay nila sa'yo. Pero nang makita ko ang ngiti mo ay para akong nabunutan ng tinik lalo na nang yakapin mo ako at nagpasalamat ka sa'kin.
Naisipan ko rin na eto na ang tamang oras na aminin sa'yo ang nararamdaman ko. Magsasalita na sana ako nang biglang may tumawag sa'yo. Agad akong napalingon at nawala ang ngiti sa labi 'ko nang makita ang babaeng kaakbayan mo sa ig post mo.
Nasasaktan,
Maya
BINABASA MO ANG
Dear Gwapong Kapitbahay
Teen FictionMaya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya, balak sana niyang itabi nalang ito huwag gamitin nang lumipat sila ng bahay sa Bulacan. Nagbago an...