Dear Gwapong Kapitbahay,
Feeling ko ay pumayat na ako ng 1 pound. Araw araw na akong nagjojogging dahil sayo kaya sobrang nadisappoint ako nang 'di kita makita.
Umupo ako sa may isang gilid kung saan lagi kang nagjojogging, uminom muna ako dahil sa pagod. Nagtagal pa ako ron at inaasahang dumating ka.
Nang mainip ay sinet ko na sa phone ang papatugtugin ko at magjajogging na sana uli nang makita kang nakatingin sakin habang hawak ang tali ng aso mo.
Nginitian kita at lalo akong napangiti nang ngitian mo ako. Hindi ko rin inaasahan na kausapin mo ako!! Tinanong mo ako kung palagi ba akong nagjajogging sa gawi na yon. Agad naman akong magiliw na sumagot na 'oo.' Nang makita kitang ngumiti ay feeling ko tumama ako sa lotto, ba't ba ang gwapo mo?
Kinikilig uli,
Maya
BINABASA MO ANG
Dear Gwapong Kapitbahay
Teen FictionMaya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya, balak sana niyang itabi nalang ito huwag gamitin nang lumipat sila ng bahay sa Bulacan. Nagbago an...