Dear Gwapong Kapitbahay,
Dahil sa kahihiyan ay hindi ako lumabas ng bahay, sayang! Gusto ko pa naman makipagclose sa'yo. Lagi 'kong nakikita na lumalabas ka sa bahay para magjogging sa labas mula sa bintana.
Nang mag-umaga ay lumabas sila mama para mamili ng grocery at ibang furniture kaya't tuwang tuwa ako dahil solo 'ko yung bahay.
Napakasaya humilata sa bahay 'no? Yung feeling na kakain ka ng chips at iinom ng coke habang nagnenetflix? 'Di bali, balang araw magkasama na tayo mag nenetflix and chill.
Alam mo ba na gulat akong napatingin sa pinto nung may nagdoorbell, kinabahan pa ako dahil kakakaalis lang nila Mom!! Baka may budol budol o kaya magnanakaw na umaabang sa'kin sa labas kaya't hinawakan 'ko ang walis at niready habang binubuksan ang pinto.
Saktong pagkabukas ng pinto ay agad nanlaki ang mata 'ko nang makita kita!! Your smile suddenly vanished when you saw me holding a broom at mukhang manghahampas pa. Napatingin ako sa hawak mo na tupperware at sinabi mong ibabalik mo lang 'to.
Pagkasarado 'ko ng pinto ay 'di ko mapigilang kiligin. Ang gwapo mo kasi!! Napahinto lang ako nang mapadaan sa may full length mirror namin. Hindi pa nga pala ako nagsusuklay at mukha akong bruha!!
Nahihiya uli,
Maya
BINABASA MO ANG
Dear Gwapong Kapitbahay
Ficção AdolescenteMaya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya, balak sana niyang itabi nalang ito huwag gamitin nang lumipat sila ng bahay sa Bulacan. Nagbago an...