Dear Gwapong Kapitbahay,
Alam mo ba na hindi ko hinuhubad at alagang alaga sa'kin ang kwintas na ibinigay mo sa'kin?
Araw araw ko ring sinasabi sa'yo na nagustuhan ko ang ibinigay mo. Ikaw naman ay ngumingiti sa'kin at laging sinasabi na "I'm glad."
Grabe, ang gwapo mong mag english. Lahat nalang yata sayo gwapo. Sa sobrang gwapo ko tuloy sa'yo ay 'di ko napansin na nakatulala na ako sa'yo. Nakita kong natawa ka pa sa'kin at inasar ako na baka malusaw ka.
Ang sabi 'ko naman sayo ay "ang gwapo mo kasi" kaya't napatigil ka sa pagtawa sabay iwas ng tingin, napangiti naman ako sayo dahil ang cute mo! Sarap ikiss huhu.
Nang maupo tayo sa isang tabi ay 'di natin napansin na malalim na pala ang pinaguusapan natin. Napunta ito sa pangalan 'ko.
Ikinwento ko sayo kung saan nagmula ang pangalan 'ko. Sinabi kasi sa'kin ni Mama na kaya't ipinangalan niya sakin ay Maya dahil gusto niya akong maging malaya katulad ng ibon. Kaya naman daw Raison dahil ang ibig sabihin nito ay 'reason.' Miracle baby daw kasi ako sabi ni mama at sinabi niyang alam niyang may rason kaya't binuhay ako ng panginoon.
Napangiti ako sayo nang makitang nakatitig ka sa'kin at tila interesadong interesado ka sa kinukwento 'ko kaya't di ko napigilang mapatanong ng "Alam mo ba kung ano ang rason ko kaya't nabuhay ako?" nakangiting tanong ko pa sayo. Agad ka namang sumagot ng "ano?"
Napatawa naman ako sayo bago sumagot ng "Para magkaasawa ka. Ayaw ni Lord na tumanda kang magisa." sabi ko pa sayo sabay kindat. Napatawa ako nang makita kitang napangiti at napatawa. I think I'm inlove.
Nagmamahal,
Maya
BINABASA MO ANG
Dear Gwapong Kapitbahay
Fiksi RemajaMaya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya, balak sana niyang itabi nalang ito huwag gamitin nang lumipat sila ng bahay sa Bulacan. Nagbago an...