The next day ay muntikan na akong ma late sa school. Matagal akong nakatulog kagabi dahil biglang sumakit ang ulo ko. My mom called our family doctor para i check ako kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Ayaw na sana nila akong papasukin pero I insisted to go. Hindi naman na bumalik ang sakit ng ulo ko.
Tulala lang ako habang patuloy na nagsasalita ang teacher namin sa harap. Iniisip ko ang nangyari sa akin kagabi. Nakakapagtataka dahil matagal na noong huling nakaramdam ako ng sakit sa ulo.
"Maputla ka ah. Okay ka lang, Alys?" Arthur said kaya napatingin ako sa aking phone mirror. He's right. I'm pale and there's a dark circle around my eyes.
"Sumasakit na naman ba?" May alalang tanong niya. Alam nilang tatlo na may dinadamdam ako. But they don't know what happened last night kaya I smiled at him to show I'm okay. He then turned back his attention to the lecture and I sighed.
Inilibot ko ang aking paningin at dun ko nakita ang presensya ng isang taong ayaw ko sanang makita ngayon. I faked a smile at him pero napakunot-noo siya. As if he's observing my face. Napaiwas ako ng tingin. I don't want him to see me in my current state.
My phone vibrated. Palihim kong binasa ang text galing sa isang unregistered number.
"Don't you dare ditch me later."
I raised a brow. Who is this?
Me: Sino 'to?
UN: Rainier Sebastian Ferrer, at your service.
What the—?! How did he know my number?
Me: Where did you get my number? Stalker ba kita?
UN: Chill! I have ways to get close to you, but I'm not a stalker.
Close? Anong klaseng closeness ba gusto niya? Bakit kailangan pang kunin ang numero ko? May pa 'I have ways' pa siya. Ibabalik ko na sana sa bag pero nagvibrate ulit ang phone ko and..
UN: Are you alright? You seemed to be not okay. Kita ko kanina mukha mo and I can say that you are tired. Are you sick?
Me: I will be with you later. Promise. See you.
In-off ko agad ang cellphone ko at binalik sa bag. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa white board. Walang pumasok sa utak ko na words hanggang sa matapos ang lecture.
Umingay ang classroom dahil lunch time na.
"Tara na Alys." Kim said. Tumitig naman si Nina sa akin.
"Ang putla mo, okay ka lang ba?" Concern can be seen in her face.
Napatutok din tuloy si Kim sabay lapat nung kamay sa noo ko."Wala ka namang lagnat ah. Bakit ang tamlay mo?"
"I'm fine. Pagod lang siguro."
I stood up para hindi na sila mag-usisa pa. Hindi na rin naman sila nagtanong kahit may taka pa din sa kanilang mga mukha. Nasa canteen na kami nung bigla akong huminto para libutin ang tingin sa loob.
I saw Rainier sitting alone. He seemed to be bored while staring at his food. Hinarap ko sina Arthur.
"I'm sorry, but can we eat lunch together next time? I have to make my promise to someone." Sabay na nagsitaas ang kilay ni Nina at Kim.
"Sinong kasabay mo kumain?" - Arthur
Sasabihin ko na sana ang pangalan nung biglang may umakbay sa akin. Nagsinghapan naman ang iilang mga tao sa canteen lalo na ang mga friends ko. Parang bumalik tuloy sakit ng ulo ko dahil dito.
"She's with me for today's lunch. Let's go." Hatak hatak niya ako papunta sa kanyang table. Naiwang nakatanga ang tatlo sa may pintuan habang nakasunod ang mga mata ng mga tao sa aming dalawa.
