Inabot ng ilang araw ang malakas na pag-ulan kaya naman ilang araw din kaming walang pasok. Linggo ng idineklara ang pagbabalik klase kinabukasan kaya naman maaga akong nagising at nakapunta ng school.Nasobrahan yata ako sa pagkamiss sa skwelahang ito kahit ilang araw lang ang lumipas. Kokonti palang ang mga studyante kaya naman napagdesisyunan kong pumunta muna sa secret spot ko, ang lumang garden.
Nung nakaraang araw ko palang nadiskobre ang lugar na 'to at hanggang ngayon ay nahuhumaling pa din ako sa ganda nito. According to what I have observed, iilan lang ang nakakaalam ng lugar na ito kasi hindi na napapangalagaan ng mga tagalinis. No one also dared to go near this area kasi nakakatakot daw lapitan, but actually it's not. If they will just come and look closer inside the spot, makikita nila ang malaparaisong lugar.
There are lots of varieties of flowers na minsan mo lang makikita, and also there's a fountain na gumagana pa din hanggang ngayon. Kung oobserbahan mo ng maagi, kahit hindi masyadong malinis ang lugar ay parang may nangangalaga pa din dito.
Komportable akong naupo sa damuhan at kinuha ang librong tatapusin ko sa pagbabasa. 'Sea of Strangers' ang title. Sinasabayan ng music ang aking pagbabasa kaya naman hindi ko namalayan na may tao na palang nakaupo sa tapat ko.
"I thought of you with
my heart already broken;
I thought of you
as it was breaking again.
I think of you now,
as I am healing.
With somebody new-
I'll think of you then."Napanganga akong nakatingin sa kanya. What was that? Pati ba naman dito nakasunod siya? At saka, fan din ba siya ni L.L???
"A poetry of Lang Leav entitled 'Forever on My Mind' on her book that you are currently reading...." Napahinto siya saglit at tumitig sa'kin. "Sea of Strangers," sabay ngiti.
Edi ikaw na ang bright.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? At saka, bakit ka ba nakikibasa eh hindi naman 'to sa'yo?"
He stared at me for a bit and then laughed. Hala siya. Buang yata ang isang 'to eh. Well, nakakabuang nga naman ang sobrang talino. Minsan talaga kailangan din ipahinga yung utak ng isang tao eh. Pero ang lalakeng 'to mukhang walang pahinga kaya nagkakaganito.
Umayos siya ng upo at saka ngumiti."This is free space for everyone so why are you asking me as if you're the owner of this? And for your second question, I am not following you. It just happened that I always visit this place because I am taking care of it. Lastly, I read a lot so I know most of international books espicifically Lang Leav's. Don't jump into conclusion, Miss Monreal."
Ang dami mong time ah. Busy na nga sa school nagawa pang mag gardening. Sana all.
"Bakit mo alam apelyido ko?"
"Brye told me." Kalmado niyang sagot. Ah 'yong kaibigan niya.
"Oh, I see." Awkward masyado kung magtitigan lang kami dito kaya pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa.
"Don't you have a class?"
"Mamaya pa."
"What subject?"
"Readings in Philippine History."
"Time?"
Tinanggal ko ang aking salamin sa mata at hinilot ang aking sentido. I stared at him.
"Bakit ang dami mong tanong?" Inis na tanong ko sa kanya. Feeling close masyado. Nakakaistorbo.
"Sorry. You're just too quite. I'm trying to talk to you, you know." Nahihiyang sabi niya. Hindi bagay.
"Sorry din. I'm not talkative like you and as you can see, I am reading. Know some space please." Seryosong sabi ko na mas lalong nagpatahimik sa kanya.
Inibang dereksyon niya ang kanyang paningin na animo'y tutang napagalitan. Hindi bagay sa kanya ang ganyang kilos. Kung makaakto akala mo kung sinong close friend ko eh hindi naman. Ni hindi nga kami same course. Magkaibang year level din kami so bakit siya nakikipag-usap as if we know each other for long?
Napayuko ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Alarm tone iyon hudyat na malapit ng magsimula ang klase. Tumingin ako sa aking katapat. Kaya naman pala tahimik. Ayun, tulog. Napatitig ako sa seryoso niyang mukha habang nakapikit.
His face seemed to be very calm, hindi nakakaumay tingnan. From his slightly brown curly hair, pointed nose na pwede ng pa slide-an ng peso coin, to his cheeks that you want to pinch. Ambang ilalapit ko na sana ang aking kamay upang mahawakan ang kanyang pisngi ng bigla siyang nagising. Brown eyes. Tila nanghihipnotismo. Ang hirap balewalain.
He slightly smiled.
"Should I close my eyes again?" Pabirong sabi niya na nagpabalik sa katinuan ko. Napatayo ako ng may marealize.
My class is about to start. Taranta kong inayos ang aking damit at pinagpag ang skirt.
"You're going to your class?"
"Oo kaya 'wag kang tanong ng tanong at baka ma-late pa ako." Seryosong sagot ko sabay balewala sa nangyari kani-kanina lamang. Nakakahiya 'yon. Pero balewala naman sa kanya.
"I'll go with you." Gulat akong napatingin sa kanya.
"Bahala ka." Sabi ko sabay talikod at lumakad na palayo. Dere-deretso akong naglakad at pilit binabalewala ang tingin ng mga tao sa gawi ko dahil siguro sa kasama ko.
Kungsabagay, kilalang-kilala siya dito kaya hindi na bago sa akin ang ganitong mga tingin. Nakakailang lang ng konti pero nagawa ko namang ipagsalawalang-bahala iyon at sa wakas ay nakarating sa tapat ng classroom ko.
"Is this your classroom?"
Masyado yatang napalakas boses niya kaya nagsilingunan ang mga kaklase ko sa labas sabay singhap. Tsismis na naman to mamaya.
"Alis kana, may klase ka pa. Salamat sa pagsama." I plainly said. Akmang papasok na ako ng bigla niyang hawakan ang aking palapulsuhan.
Napatingin ako sa kamay ko hanggang sa kanyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Can you eat lunch with me later?" Dinig na dinig ko ang mga babaeng nagsi-react sa sinabi niya. Napakunot-noo naman ako.
I removed my hand from his grip and saw the reddish part where he hold it. My skin is sensitive that even slight touch can leave mark. I looked at him with my brows furrowed.
"Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo at pati buhay ng ibang tao iniistorbo mo?" Masungit na kung masungit pero naiinis ako ng totoo sa taong 'to.
Mukha siyang nabigla sa biglang pagsalita ko. First time yatang madedma ng babae. Well, sorry siya at wala akong time para dito.
"I just want to eat with you, is it bad?"
"Ayoko kaya umalis kana!" Mabilis akong pumasok at umupo sa bakanteng upuan. Kita ko ang kanyang pagyuko habang nakatayo pa rin sa labas. Parang nabasted ng manliligaw.
May ilang kalalakihan ang dumaan sa labas ng room namin na sa tingin ko'y kaklase niya rin. Bahagya akong nagulat ng magtama ang aming tingin pero nauna siyang bumitaw at sumama na sa kanyang mga classmates.
"Binasted mo?" Napatingin ako sa katabi kong si Arthur. Isa sa mga close friends ko. May pagka chismoso din ang isang 'to pero okay lang naman.
"OMG, NANLILIGAW SI RAIN SA'YO?!" si Kim, friend ko din na kasamaang palad ay isa ring chismosa. May pagkalakas pa ng boses na akala mo'y nakahawak ng microphone.
"Sinong nanliligaw? Sinong niligawan? Sino?" Nina. Kung yung dalawang nauna ay mga chismoso't chismosa, ito naman may pagka slow, laging huli sa balita. Kung may pasahan lang ng project, laging panghuli. Ganyan siya ka slow.
Mabuti nalang at pumasok na ang aming instructor dahilan para matahimik sila at ng iba ko pang kaklase. Bigla ko namang naalala ang reaksyon ni Rain kanina. Kung bakit ba naman kasi ako binubwesit, ayan tuloy napagbitawan ko ng masasamang salita. Nakakakonsensya tuloy.
___
vote and comment! 💚
