intro

21 2 2
                                        

Rain. A lot of people doesn't love it. Why? Because it gives them more hassle which makes them stress. Some would say it adds the burden that they are carrying everyday. But for me, I love it. I love how it drops on my skin as if it heals the whole me, as if it sees and feel how I am feeling in my life. Rain makes me happy. It brightens my day.

Just like now. Kasalukuyang umuulan habang nag-aabang ng sundo ko sa waiting area ng skwelahan namin. Maaga kaming pinauwi ng instructor namin dahil sa masamang panahon. Tumingala ako, hindi naman masyadong madilim ang kalangitan ngunit makikita mong may nagbabadyang kulog na parang gustong kumawala. Napapikit ako dahil sa biglaang pagkidlat. Dinig ko rin ang mga sigaw ng ibang studyante na animo'y nagulat. Mas lalong lumakas ang ulan. Marami na ang nagtatakbuhan papalabas at may pabalik sa loob ng school. Tinignan ko ang aking cellphone para makita ang oras.

4:15 pm.

Masyado pang maaga. Gustuhin ko mang umuwi kagaya ng iba pero mukhang hindi ko magagawa iyon. Tumawag ang mama ko at sabi niya ay baka mamaya pa ako masusundo kaya maghintay muna ako. Umupo nalang muna ako at nagpatugtog ng music, nakasalampak sa'king tenga ang headphone ko, habang nakatulala sa kawalan. I closed my eyes, took a deep breathe, and then smiled. Kung sana'y nasa kwarto lang ako ngayon, mas magaan sana pakiramd—

"Where the hell are you? Kanina pa ako naghihintay dito. You should be here right now before I get mad at you!"

Napatigil ako at sandaling napakurap. Dahan-dahan akong lumingon at naaninag ang isang lalake. Kunot-noo habang pakaliwa't kanang tumitingin sa daan.

Wait, kilala ko siya. His name is Rainier Sebastian Ferrer. Ang editor-in-chief ng school paper namin. He's a chemical engineer student at consistent dean's lister. Badminton player din siya. He's actually a head turner. Madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya hindi lang dahil sa kanyang mukha at talino, kundi dahil na din sa kanyang kabutihan. He's quite approachable and friendly. Walang hindi nakakakilala sa kanya sa school na ito. He's somewhat close to a perfection. But there's something in him that I don't like and I can't say what it is.

He turned his face on me na nagpagulat sa'kin. Kumunot ang kanyang noo at tipid na tumawa dahil sa biglang reaksyon ko. Umiwas ako ng tingin. Lumipas ang ilang segundo ay biglang may umupo sa tabi ko.

"Students should be at home this time. Why are you still here?" He's not looking at me while asking.

"Isa ka din namang studyante dito, bakit hindi kapa umuuwi?" Balik ko sa kanyang tanong.

Tinitigan niya ako pabalik. Ilang minuto kaming nagtitigan bago niya binawi ang tingin at napatawa.

"I have lots of responsibilities here in school and I can't afford to go home early even at time like this."

Because you are their puppet.

"Oh, I see." Sagot ko at binalik ang tingin sa daan para makaiwas sa kanyang titig.

"Wala ka bang sundo? Mukhang mamaya pa titigil ang ulan. Wala na din masyadong dumadaang sasakyan. You should go home."

Nakakainis. I know he's talkative pero hindi niya ba alam ang salitang privacy? I just want some piece of mind and then suddenly he erased it. Napaigtad kami ng may bumusinang sasakyan papalapit sa amin. I guess it's his service because he stood up the moment it stop in front of us. Bumukas ang pintuan nito at iniluwa ang isang lalakeng agad tumakbo papalapit sa katabi ko.

"Sorry bro. Ngayon lang ako nakarating, traffic kasi dun sa may isang street!" Hinihingal at natatawang sabi nung lalake habang nakakunot-noo ang kaharap.

Oh, he's one of his friends. Unlike him, this one's more talkative. Kaklase ko ang isang 'to. We're on the same course and building so I know him. Napabaling ito sa'kin at bahagyang nagulat sa aking presensya na parang ngayon lang ako nakita.

"Oy may chics ka naman pala dito kaya ka nagtiis mag-antay eh!" Tingnan mo ang isang 'to, late na nga dumating nakuha pang mang-inis.

"Shut up Brye. Ang tagal mong dumating, kanina pa kita inaantay dito!"

"Wow anong akala mo sa'kin, driver mo? Bakit kapa kasi sa akin sasabay eh may susundo naman sa'yo ha?"

Napangisi ako sa sinabi niya. Totoo naman yun, may sundo siya pero wala nga lang dito.

"I don't need your sermon. Let's just go." Lumakad na si Rain kaya napalingon si Brye sa'kin.

"Gusto mo sumabay sa amin? Hatid na kita." Napabalik ng tingin si Rain sa akin na tila isa akong gamit na kanyang nakalimutang dalhin matapos marinig si Brye.

"No thanks. May susundo sa akin maya-maya."

"Sige ingat ka, Classmate!" Nanatiling nakatingin si Rain sa'kin na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Sigurado kang hindi ka magpapahatid?" Nginitian ko siya as a sign of approval.

"Yeah. Salamat sa concern, okay lang ako dito. Una na kayo." Pero gusto ko na umuwi. Anlahoy.

He touched his nosebridge and then walked away inside the car. Muli siyang tumingin sa'kin nung nakapasok na siya sa sasakyan.

"Are you really okay there?"
Ang kulit din ng isang to. Akala mo naman close tayo. Isang tanong mo pa sasama na talaga ako char.

Tumango ako sa kanya at ibinaling ang tingin sa ibang banda. Sumenyas na silang aalis at umaandar na ang sasakyan nila. Ilang minuto na naman akong nakatunganga sa shed ng biglang may tumawag. Si Mama.

"Anak, nasa school ka pa ba?"

"Yes Ma, papunta na ba kayo dito? Kanina pa ako naghihintay , nabo-bored na po ako dito."

It's already 5pm.

"Pasensya kana anak hindi ka muna namin masusundo. May ginagawa pa kasi kami ng papa mo dito sa opisina. I'm really sorry anak." Napapikit ako at bumuntong-hininga. Sana pala sumama nalang ako kina Brye kanina.

"Okay lang po, Ma. I'll just book a grab para makauwi na po."

"Pasensya kana talaga anak. Maulan pa naman." Bagyo na yata eh.

"Sige na po, ingat po kayo dyan Ma. Kita nalang po tayo sa bahay mamaya. Love you."

"Sige, bye anak."

Ang gandang araw naman nito.

___

vote and comment! 💚

As The Rain FallsWhere stories live. Discover now