"Mom, aalis po ako bukas ng hapon." I told her my plans for tomorrow. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan kaya napagdesisyunan kong sabihin ito ngayon.
"What are you going to do?"
"I'm going to meet a friend."
Ex-suitor.
"Who?"
"Si Rainier Ferrer po."
Napatigil silang dalawa sa pagkain at sabay na tumingin sa akin. Nagmukha tuloy na parang pinagplanuhan pa nilang parehas na gawin ang galaw iyon. Napatikhim si daddy bago magsalita si mommy.
"Okay, you can go. But don't stay outside for too long."
I nodded to what she said. Gusto ko sana silang tanungin tungkol dun kay Rainier. Why did they not tell me that he's the one who saved me from that accident. But I refused to open that topic.
Alam kong may gusto din silang sabihin sa akin pero wala na silang magawa nung nauna akong matapos kumain, kaya nagpaalam na ako saka pumanhik sa kwarto.
I got my phone and played some random game when a chat appeared. I tapped so I can read it.
Arthur: free tomorrow?
Me: Yes. No class kayo bukas?
Arthur: Yup. So I decided if we can hang out tomorrow.
Bigla ko namang naalala ang gagawin ko bukas. What am I going to do? Napabalikwas ako dahil sa isa pang mensahe.
Arthur: are you going?
Nag-isip muna ako saglit bago nagtipa ng irereply.
Me: Actually I have something to do tomorrow.
Minutes have passed and there's no reply from him. Baka nagtampo na sa akin. Pero hindi ko naman pwedeng indyanin ang isa. Pumayag na akong makipagkita sa kanya bukas, and I don't break deals.
I was supposed to put back my phone on the side table when it vibrated because of a message.
Rainier:
Don't forget tomorrow at 3pm. Brien's CaféHapon pa pala kami magkikita. I chatted Arthur on what time for tomorrow. Minuto lang ang lumipas saka siya nagreply.
Arthur:
9am at Butterfly Garden. Please come. Kim keeps on pushing me to convince you to go with us. She misses you a lot. We miss you.
His message touched my heart. I missed them too. Ilang linggo din akong natengga dito sa bahay at hindi na sila nakabalik pa dito mula nung nakalabas ako ng ospital. They became busy with school so I can't force them to be with me whenever I want to.
I typed a message.
Me: Okay, I'll go with you. But I have to leave early. I still need to go somewhere.
Arthur: ano bang gagawin mo bukas?
Me: secret!
I laugh a bit when he replied with an emoji. Natahimik din agad kaya ibinalik ko sa side table ang aking cellphone. Pero kinuha ko din ulit ng may maalala. Hindi ko pa narereplyan si Rainier.
Me: Okay.
Then I went to sleep.
-----
"Akala ko ba sa hapon pa ang lakad mo?" Nagulat ako ng makita ko si mommy sa baba. It's already 8:30 in the morning at nakabihis na ako kaga mabilis niya agad itong nahinuha.
"My friends want to hang out with me. So I will go with them first." She smiled and then look at me from head to foot.
I am wearing a gray fitted dress, just right to my knee with my favorite black boots. The only jewelry I am wearing is a gold chain. I also brought a small bag to put my phone and anything else needed. She walk near me and then held her hands on my shoulder.
"You look pretty."
"Just like you, mom." I teasingly said so she laugh softly at it.
Mabilis lang din ang pag-uusap namin at nagpaalam na agad ako sa kanya paalis.
Kim hurriedly ran towards me and gave me hug the moment she saw me. Nakasunod naman sila Nina at Arthur sa likod niya. Nagkita kita kami dito sa entrance ng garden at pumasok na agad sa loob.
We took some pictures. Medyo ilap si Arthur sa camera kaya siya ang ginawa naming taga-kuha ng litrato. Hindi naman siya pumalag. Medyo masakit na sa balat ang init ng araw kaya nagpasya kaming magpahinga muna sa katabi nitong garden.
It's a small cafe, maybe intended for the tourists in the place. Medyo maraming tao sa loob kaya pahirapan ang paghanap ng mauupuan. Buti nalang nakakita kami ng isa pang pwesto. Si Arthur na ang nag-order para sa amin kaya dito nalang namin siya inantay.
Busy sila Kim at Nina sa panonood ng mga kuha ni Arthur kanina kaya nilibot ko muna ang aking paningin. Maliit lang ang lugar na ito pero halatang dinadayo ng karamihan. May nakikita akong mga taong banyaga dito pati na dun sa garden kanina.
Nabalik lang ang aking atensyon nung dumating na si Arthur. He's sweaty so I get my handkerchief and softly wipe the side of his face. Napatitig naman siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.
"Ay grabe ang sweet. Sobra." Umiwas ng tingin si Arthur kaya sinaway ko naman si Kim.
"Kung hindi lang natin kaibigan si Arthur baka napagdudahan ko na din na may gusto kay Alys."
Nabilaukan ako sa aking iniinom na kape dahil sa sinabi ni Kim.
"Careful with your words. You are shocking her, Kim." Seryosong sabi ni Arthur habang tinatapik tapik ang aking likod dahil inuubo ako.
"What? I'm just being vocal with my thought! Tingnan mo nga ngayon, ang sweet ninyong dalawa tingnan. Ang sarap ninyong kunan ng litrato!"
Napatingin tuloy ako sa katabi ko dahil sa sinabi ni Kim. Arthur's hand is in my back. Kung titingnan mo sa harap, nagmumukhang inaakbayan niya ako. Anyone who can see us might think we're like boyfriend-girlfriend thing. But I almost laugh because of it. That's too imposible. He's my friend.
"Kumain ka na nga lang dyan." Natatawang sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain.
Napatingin naman ako sa aking cellphone para malaman kung anong oras na. It's still 10:30am. I still have time with them. Nagsimula lang akong maparanoid ng magyaya na naman silang pumunta sa ibang lugar.
"Tara na sa loob!" Kim almost scream when we arrive at our next destination. Isa iyong resort.
Brien's Place. Iyon ang nakalagay. Medyo pamilyar ang pangalan pero hindi ko na ito binigyan pa ng atensyon dahil nahila na ako ni Nina. Nagpatianod na lang din ako hanggang sa makarating kami sa may buhanginan. Nagtanggal pa ng sandals si Kim at Nina at parang batang tumatakbo palapit sa dagat. Napatawa nalang kaming dalawa ni Arthur. We refuse to join with them kaya nagpaiwan lang kami at sumilong dito sa ilalim ng puno ng niyog. Masyado kaming tahimik kaya kinausap ko siya.
"How's school?"
Nakatingin lang ako sa dagat habang sinasabi iyon.
"Tiring. Ang daming pinapagawa."
"Kakainggit naman kayo. I wish I can go to school already, then skip first year so I can go to same year with you." Malungkot kong sabi habang nakapangalumbaba.
Next school year pa ako makakapagpa-enroll dahil ayaw nila mommy na mapwersa ang utak ko sa school. It might trigger my head and they're avoiding that to happen.
"They just want you to be really healed. You experienced a lot so you need lots of rest also."
I smiled and then proceed to another topic.
"Still no girlfriend?" I jokingly said. He only smirked.
"Wala? Ano ba naman yan! Hanapan nalang kita, gusto mo?" I said, consoling him when he looked at me. Tumagal yata yon ng ilang minuto bago siya umiwas ng tingin. What was that?
Nawala din naman agad iyon ng biglang bumalik ang dalawa. Nataranta ako ng may maalala, may usapan pa kami ni Rainier!
---
Vote and comment! 💚