"How's school, anak?"Nasa hapagkainan kami kumakain ng hapunan nung nagtanong si Papa. I was about to rant about something pero narealize ko na baka humaba ang usapan. I paused a bit and looked at him.
"Okay lang po." Kalmadong sagot ko.
"What about your grades? I heard malapit na midterms exam ninyo, did you study?" My mom. The ever strict mother of mine.
She always wants me to read my notes kahit walang exam. Ayaw niya akong nakikita na nagmumukhang tanga. She said I need to act like a lady, a smart one. She restricts me from making friends in my school except for Nina, Kim, and Arthur kasi kilala niya na ang mga ito.
"Nagsisimula na po akong magreview. Don't worry, Ma."
"Don't stress yourself too much. Alam mo naman na bawal sa'yo ang heavy works. Don't think of too much that will hurt your head, Alys." I stopped eating the moment I heard what my father said.
"I know." I paused a bit. "Pupunta lang po ako sa coffee shop, uuwi ako before 10." Tumayo na ako at hindi na pinansin ang kanilang paalala.
Bakit kailangan pa nilang ibring-up ang ganyang topic. I know what I have and I know also what to do. Nakakawalang-gana.
Tulala ako sa loob ng sasakyan at naalimpungatan lamang ng magtext si mama.
I know you are upset to what your father said. You don't want to talk about it pero gusto lang namin makasiguro na maayos ang kalagayan mo. I hope you understand us, anak. Come home safe and early, okay? Love you.
Napabuntong-hininga ako pagkatapos mabasa iyon. I know that their actions have good intentions. It's just that, I was never comfortable whenever they talk about that topic. Ayokong pag-usapan. Okay naman na ako. Iniiwasan ko namang mapagod. No need for reminders.
Dere-deretso akong pumasok sa shop at inilagay ang aking mga gamit sa isang lamesa malayo sa entrance. I went to the counter to order.
"One black coffee and chocoloate cake please." She mentioned the total payment kaya inabot ko ang 500 peso bill at inantay ang sukli.
"What about you sir?" Tinanong niya naman yung kakarating lang na nag-order. Di ako nag-abalang lingunin siya.
"Same with her." Napatingin ako dun sa lalake at..
"Hi," may hiyang bati ni Rain. Wala bang lugar na hindi ko makikita ang pagmumukhang 'to?
"Magkasama po kayong dalawa, Sir?" May ningning sa matang sabi nung cashier. Napakunot-noo ako sa kilos niya. Aba, kinikilig.
"We're not, so can you give me my change?" Masungit na sagot ko kaya dali-dali namang inabot nung cashier ang sinabi ko at bumalik sa pwesto ko.
Inilabas ko ang aking cellphone, earphones, at libro na babasahin ko sa gabing ito ng may umupo sa tapat ng upuan ko.
"Can I sit here?" Wow, the guts of this man.
"Ang daming bakanteng pwesto, bakit dito pa sa space ko?" May taray na sagot ko.
"Because I want to?" Painosenteng sabi niya. Inayos ko ang aking eyeglasses. Nanlalaki ang kanyang mata nung makitang binalik ko ang mga gamit sa bag at tumayo para maghanap ng ibang pwesto.
"Wait! Okay okay, I'll find another space. Dito kana, okay? I'm sorry for disturbing you." Natatarantang sabi niya habang nakakunot pa rin ang noo ko. Bumalik ako sa pag-upo at tinigna siya.
"What do you really want?" Seryosong saad ko. I don't get his logic. Masyado na siyang magulo, hindi na naging tahimik ang buhay ko simula nung nakita ko siya.