7

0 0 0
                                    


Puti. All I can see is white. Kurtina, dingding, pati mga bagay na nakapaligid. Pamilyar din sa akin ang amoy ng lugar na ito.

Hindi ko na halos maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko ay matagal na panahon na ang nakaraan bago ako nagising.

I lifted my hands and saw something connected to it. Nasa ospital ako. So someone saw me in the restroom? Who was it?

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang doktor. It's my personal doctor. She looked shocked seeing me awake. I smiled at her so she hurriedly picked up her phone and called someone. I think it's my mom.

Hindi ko na narinig ang kanilang pag-uusap dahil agad din akong dinaluhan ng dalawang nurses. They asked for few things and checked on me before leaving the room. My eyes landed on my doctor. She's still on her phone so I persumed she's talking to my mom about me. She caught me looking at her after ending the call.

Nilapitan niya ako saka hinawakan ang aking kamay.

"How are you feeling?"

"I'm fine." She smiled at me.

"I'm glad you're finally awake. Long sleep helped you a lot." My brows shot up when I heard what she said. Medyo naguguluhan ako kaya tinanong ko siya.

"Long sleep? Ilang araw po ba akong tulog?" I nervously asked her.

"Hija, you've been confined for almost seven months."

Seven months?! My mouth hanged open because of what she said. Wait, how come? What about my friends? Do they know this? Paano ang pag-aaral ko? I can't almost speak even when my doctor left me alone in my room. Medyo gulat pa din ako  hanggang sa pagdating nila mom and dad.

"Oh my gosh! Alys, may masakit ba sa'yo? Okay ka lang ba, anak?" Sunod sunod na tanong ni mama habang nakaupo sa gilid ng kama ko. She looked at me with tears filled in her face while holding my hand. Nasa likod niya si papa habang nakangiting nakatingin sa akin. I smiled a little before deciding to speak.

"Is it true? Pitong buwan na akong nandito?"

She only looked away so my father answered me.

"You are right, anak. We were very worried about you. But please, 'wag mo munang isipin ang bagay na 'yan. You need to rest."

"I've been resting for too long. How much rest do I need?" Matigas na sabi ko.

"You have undergone operation, Alys. Nakaligtas ka sa sakit mo anak." Father's voice trembled as his tears rolled down from his eyes.

Napaluha din ako sa sinabi niya. Did I just heard it right? Magaling na ako? I am healed. I was operated. They both embraced me which made me cry harder. Hindi ko na mararanasan ulit ang sakit ng ulo ko. Wala na akong sakit.

Ganun ba kalala ang nangyari sa akin nung araw na 'yon para maoperahan ako? Alam ba ng mga kaibigan ko ang nangyari sa akin? I remembered calling Kim that time before I passed out. So siguro nga alam na nila.

Kaya pala mabigat ang pakiramdam ko mula nung magising ako. Nahihirapan akong istretch ang katawan ko. Parang sumobra sa ilang araw ang aking tulog which is inabot ng pitong buwan. That's very long! That also explains kung bakit napansin kong parang may tahi sa ulo ko.

They talked to me for a moment at iniwan muna saglit dahil pinatawag sila nung doktor ko kaya mag-isa nalang ako sa kwarto. Pinunasan ko ang aking luha habang medyo gulat pa rin. Napahinto naman ako ng may maalala.

What about him? Did he knew? Binisita niya ba ako dito? I smiled bitterly when I remembered something. Right, I pushed him away, and he have someone already. Siguro girlfriend niya na 'yon ngayon.
So, why would he visit me? I bet he doesn't even like me anymore.  There would really be no chance of making this feelings grow.

As The Rain FallsWhere stories live. Discover now