Ezrah began to draw the symbols on the wall that will open the way to hell. Nasa isang abandonadong gusali siya. Sinimulan na niyang sambitin ang mga kataga sa lenguwahe nila.
"Leaving so soon, Ezrah?"
Napalingon siya sa nagsalita. Mula sa madilim na bahagi ay humakbang palapit sa kanya ang babaeng nagsalita. The woman wore a curve-hugging bloody red dress. And hell, she was hot. Especially in her three and a half inch stilettos and Marilyn Monroe hairstyle.
"Astrid," sambit niya sa pangalan nito.
Astrid was also one of the angels who got expelled from heaven. There were fallen angels who lived among men on Earth and there were those who were thrown straight to hell, kagaya niya.
Ang mga nasa lupa ay ang mga anghel na hindi pumanig sa Ama o sa Supremo. O ye of little faith, ika nga. They were afraid and they didn't fully trust God. So He took away their wings and grace. And until they can prove themselves worthy, they stay on Earth.
Marami na sa kanila ang yumakap sa temptasyon--they engaged in casual sex, they started gambling and drowned themselves in alcohol and all things bad.
Sila namang derecho sa impyerno ay ang mga agresibong anghel na kumontra sa Ama. They were loyal servants of the Supreme Devil.
"Nagmamadali ka naman yatang bumalik sa baba, Ezrah." She stepped closer, her fingers played with his chin. "Let's have some fun first." Humaplos ang isang palad nito sa dibdib niya. "Like the good old days."
He gave the woman a humorously sarcastic smile. "Some other time, Astrid. I'm not in the mood."
"To f*ck?" Tumawa ang babae. "Come on! Don't make me laugh here, killjoy. Halika na."
He groaned, and sauntered towards the exit.
"Saan ka pupunta?" tawag sa kanya ni Astrid.
Hindi siya lumingon at tuluy-tuloy nang lumabas.
NATAGPUAN niya ang sariling naglalakad sa makitid at madilim na kalsada. Nagdesisyon na lang muna siyang maglakad-lakad at namnamin ang maalinsangang dapya ng hangin. Pero kung hindi bigla na lang sumulpot si Astrid kanina ay nakabalik na sana siya sa impyerno.
He liked his throne. Envy. He had a longbow and would shoot the souls of those who would open their eyes. When these souls were still alive and on Earth, they did not know selfless love and had spent most time desiring what belonged to another.
Paulit-ulit niya lang na pinapana ang mga kaluluwang ito. Ang ibang kaluluwa ay daan-daang palaso na ang nakabaon sa katawan. Abot sa puntong hindi na makatayo o makagalaw ang mga ito.
And he enjoyed it. He enjoyed seeing these souls suffer, habang nakaupo siya sa kanyang trono at nasa mga balikat niya ang kanyang uwak--si Parkah.
Mga kaluskos ang nagpakunot sa noo niya. Alam niyang may sumusunod sa kanya. It better not be Astrid. Dahil nauubos na ang pasensya niya rito. Yes, he liked f*cking her. But he was not in the mood. Kahit ayaw niyang aminin ay nasa isipan niya pa rin si Scylla.
May dalawang lalaking sumalubong sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa likuran. May dalawang tao rin ang papalapit sa kanya. Sa di-kalayuan ay nakatayo ang pamilyar na pigura ng babae.
"Ito ba ang lalaking nambastos sa iyo, Scylla?" anang lalaking pinakamalaki sa apat. May angas ang tono ng boses nito, balbas-sarado ang mukha, at nakatali ang manipis na buhok.
"Huwag na Biboy, umalis na lang tayo," pakiusap ng dalaga.
He sighed inwardly.
"Kung hindi pa nagsumbong sa akin itong si Emong, hindi ko pa malalaman. Aba'y hindi pupuwede ang ginawa ng lalaking ito."
Blangko pa rin ang ekspresyon sa mukha niya habang nakatitig sa lalaking nagsasalita. He could smell this man's rotten soul--amoy nabubulok.
"Itumba na natin 'to, mayabang, eh." Si Emong. Nakakamisetang itim at jersey shorts. Naglabas ito ng ice pick.
"You really want to do this?" baling niya kay Emong na nagulat dahil hindi kababakasan ng takot ang boses niya. "You want to kill me? Bakit hindi mo muna unahin ang lalaking gumagago sa 'yo?" The mockery in his voice was palpable. "Inggit na inggit ka pa naman sa kanya."
Hindi nakaimik ang Emong. Mababakas ang matinding pagkagulat sa mukha nito. "Ano ang--"
Humarap siya kay Biboy. "Bakit hindi mo sabihin kay Emong kung gaano kasarap ang asawa niyang si Neneng? Gustung-gusto mo ang asawa niya, hindi ba?" Tumaas ang kilay niya.
"H-huwag kang maniniwala sa gagong ito, Emong!" sigaw ng Biboy.
Ezrah stepped aside. Pinanood niya ang dalawang lalaki. Snickering, he shook his head. Dama niya ang umaalsang galit sa dibdib ni Emong. Ni wala na itong pakialam kung paano niya nalaman ang tungkol sa milagrong ginagawa ng asawa at ng kaibigan nito.
Hindi nagtagal ay sinugod na ni Emong si Biboy. "Hayop ka! Pinakialaman mo si Neneng!"
Sumabog na rin si Biboy. "Siya ang unang lumapit sa akin! Mainit ang asawa mo, Emong! Lalamya-lamya ka kasi sa kama kaya kung kani-kanino lumalapit para magpadilig!"
"Gago ka pala, eh! Papatayin kita!"
"Emong! Biboy!" sigaw ni Scylla na hindi kinayang panoorin ang pag-aaway ng dalawa at tumakbo palapit, sinubukang umawat pero huli na. May patalim din si Biboy. Parehong duguan ang dalawa at malalim ang mga tinamong sugat.
Kinabig niya sa baywang ang dalagang nagwawala. "Emong! Biboy!"
"Stop it, Scylla. It's too late for them now. They are already bleeding to death, as we speak." Tumingin siya sa relong pambisig. "Kaunti pang minuto, and they would die of severe blood loss."
Tumingin si Scylla sa dalawa pa nilang kasamahan, bakas ang labis na pagkataranta sa mukha nito. "Bakit nakatulala lang kayo riyan?"
Wala nang pinagkaiba sa tuod ang dalawa na nakatayo lang at hindi gumagalaw.
"Ano ba! Sumagot kayo!" patuloy na sigaw ni Scylla.
Nainis na siya kaya itinaas niya ang kamay at humawi sa hangin. Kasabay niyon ay tila mga dahong nilipad sa isang tabi ang dalawang lalaki.
Napanganga si Scylla at tumingala sa kanya. Nanginginig ito. "S-sino ka ba talaga? H-hindi ka tao."
He flashed her his devil eyes. Then he gave her a crafty, wicked smile that showed his perfect set of teeth. "Nope, Darling, I am absolutely not human."
BINABASA MO ANG
The Devil's Mark - ENVY (Completed)
Romance**✅FREE READ✅** Archdevil Series 2: E Z R A H ❤ Scylla Angelica had a permanent mark on her skin--the mark of the devil. Ito ang iniisip niyang dahilan ng kanyang kamalasan. And then one day, she found herself being chased by a powerful and covetous...