Ilang beses nilang sinubukang sunugin ang bulaklak pero hindi ito naaabo. And no matter how far they try to throw it, it kept on sprouting back. The flower clung to him.
Bumuntong-hininga si Scylla. “Hindi ito ordinaryong bulaklak. Bulaklak ito ng anghel, Ezrah. Marahil ay ito rin ang dahilan kung bakit hindi ka gumagaling.”
Nagkiskisan ang mga ngipin niya. His coal black eyes looked like hollow wells in the dark. “Which was personally planted by the angel himself.” Napukpok nito ang malaking bato sa gilid ng kuweba. Ano ang gagawin nila? Hanggang nasa kanila ang bulaklak ay patuloy silang masusundan ng mga humahabol sa kanila.
Ipinikit niya ang mga mata at sa isip ay tinawag si Astrid. Ayaw sana niyang tawagin ito dahil wala siyang tiwala sa babae at sinuhestyon nitong patayin niya si Scylla. Pero wala na siyang ibang pagpipilian pa.Hindi naglipat-minuto ay nasa bungad na ito ng kuweba. Sumungaw ang pagtataka sa mukha nito nang makitang iniinda pa rin niya ang sakit dala ng mga sagradong simbolong inorasyunan ng isang anghel.
“Astrid, mabuti naman at nandito ka kaagad. Tulungan mo kami,” ani Ezrah.
“Ano ang nangyari sa iyo?”
“The flower. We have to get rid of it. Ginawa na namin ang lahat pero hindi iyon masira-sira.”
“Puwede ko bang makita?”
Tinanguan ni Ezrah si Scylla. Tumalima ang huli at ipinatong sa palad ni Astrid ang bulaklak.
Kuminang ang mga mata ni Astrid. “Snowdrop with angel’s breath. Ngayon lang ako nakakita nang ganito.”
“How can we get rid of it?” tanong niya.
The amusement was still in Astrid’s eyes when she looked at him. “I can, but you have to give me the permission to destroy it.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit?”
“Because this is no ordinary snowdrop. The flower is attached to you.”
“Bakit?”
Nagkibit-balikat si Astrid. “To work as a tracking device and a subtle poison that will kill you slowly? I don't know.”
Muling bumangon ang galit niya kay Yaqriel. Alam na niyang kahit kailan ay hindi puwedeng maging kaalyado ng isang diyablo ang isang anghel pero napaniwala sila nito.
“Kung ano man ang niluluto ng anghel na iyon ay malalaman ko rin,” magaras ang tinig niyang deklara. Tumitig siya kay Astrid, determinadong sirain ang bulaklak. “Pinahihintulutan kitang sirain ang bulaklak na iyan, Astrid.”
Tumango ang babae. Kumuyom lang ang kamay nito at nang muli nitong ilahad ang palad ay abo na lang ang natira sa bulaklak. When did she become this powerful? Gaano na ba siya kahina at hindi niya magawa ang nagawa ni Astrid? He wanted to feel envious. Pero hindi niya makapa iyon sa dibdib niya. Parang wala nang lugar sa kanya ang maging labis na mapaghangad at kainggitan ang mga wala sa kanya.
He wasn’t the same ruler of the throne for Envy.
Humakbang saglit sa labas ng kuweba si Astrid para hipan ang mga abo ng snowdrop. Humalo iyon sa hangin.
Naupo ito sa isang nakausling bato, nakaharap sa kanila. “Alam niyo ba kung ano ang sinisimbolo ng snowdrop? Pag-asa,” anito. “There was this movie, Stardust. Snowdrop flower was given to serve as a protection. Pero alam niyo ba kung ano ang nangyari sa bulaklak?”
“Wala kaming panahon sa mga kuwento mo, Astrid,” reklamo niya, nanghihina pa rin.
Tumitig sa kanya ang babae, hindi nagpaawat sa pagkukuwento. “The man gave it away just like how you got rid of yours.” Tumayo si Astrid at dinampian ng kamay ang bahagi ng katawan niyang kumikirot. Minasahe nito ang bahaging iyon.
“Wala namang nilulutong plano si Yaqriel, eh,” pabulong na sambit ni Astrid. Marahas na napalingon dito si Scylla. Ang mga kamay ni Astrid ay gumapang patungong dibdib niya at paakyat sa mga balikat at leeg niya.
Walang anu-ano’y bigla na lang siya nitong sinakal. The woman grinned at him. Wickedness lit in her eyes. Nanlalaki ang mga mata nito sa tila aliw na aliw na pagkakatitig sa kanya.
Nang akmang tutulungan siya ni Scylla ay itinaas lang ni Astrid ang kamay at napako na sa kinauupuan ang dalaga.
Inilapit ni Astrid ang labi sa kanya at hinagkan siya nang mapusok. “May naaamoy ka ba?” Ngumisi ito at tuluyan nang humalakhak. “Nasusunog na iyong niluluto ko.” Eksaherado nitong tinutop ang labi. “Ako pala ang may niluluto, Ezrah. Ang galing ko ba? Hindi mo nahalata? That flower was supposed to protect you from me. That flower was supposed to give you hope.”
Hinagod nito ang leeg niya. “Alam mo ba kung bakit hindi magawang sabihin ni Yaqriel ang tungkol sa bulaklak nang dalhin niya iyon sa inyo? Iyon ay dahil sa marka ng bato sa balat mo. That prevented him from saying anything that would be of use to you. It even prevented him from hovering anywhere near you. Kaya umalis siya agad. Hindi ba at ginamot kita gamit ang bato? Iyon ang dahilan kung bakit nanghihina ka at natutunton ka namin. Dahil sa marka ng bato sa balat mo, at hindi dahil sa bulaklak.”
Nagtagis ang bagang niya. “Demonyo ka, Astrid.”
Humalakhak ito. “Hindi lang ako basta-bastang demonyo, Ezrah. I am the Queen of all demons!”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Wala siyang sapat na lakas para lumaban. With the flower gone, the weakness of his body increased tenfold. “Ikaw si…”
Bumaling ito kay Scylla, nanlilisik ang mga mata. “I missed you, Sammaella.”
Binitiwan siya ni Astrid at humakbang ito palapit kay Scylla.
“Huwag na huwag mong sasaktan si Scylla!” hiyaw niya, nagsisilabasan ang mga litid niya sa leeg.
Tumawa lang ito at puno ng sarkasmo ang boses nang muling magsalita. “Why would I do that? I would never hurt my own daughter. Kaya nga sinabi ko sa mga kampon ko na huwag masyadong galingan ang pakikipaglaban sa anak ko.”
“Kampon mo?” tanong niya, nalilito.
“Iyong mga anghel na humarang sa inyo sa kalsada, hindi mga anghel iyon. They were demons. My playful, loyal demons.”
Nakita niya ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Scylla habang kaharap nito ang babae. “Lilith…”
BINABASA MO ANG
The Devil's Mark - ENVY (Completed)
Storie d'amore**✅FREE READ✅** Archdevil Series 2: E Z R A H ❤ Scylla Angelica had a permanent mark on her skin--the mark of the devil. Ito ang iniisip niyang dahilan ng kanyang kamalasan. And then one day, she found herself being chased by a powerful and covetous...