Kahit itinaboy siya ni Ezrah ay hindi pa rin magawang lumayo ni Scylla. Nasasaktan siya. Sobra. Mabigat sa dibdib ang mga sinabi nito pero ayaw sumuko ng puso niya. Alam niyang may hindi magandang nangyari rito na naging dahilan para makalimutan siya nito. Ngayon higit kailanman siya kailangan ni Ezrah. Kung nagkapalit sila ng sitwasyon at siya ang nakalimot dito, alam niyang hindi rin siya nito susukuan.
So, she followed him around like a puppy. Kapag nagtutungo ito sa counter ay sumusunod din siya. Kapag umaakyat ito ng mezzanine ay naroroon din siya.
Alam niyang alam nito na nakabuntot siya rito kahit hindi ito lumilingon sa kanya. Nakikita niya ang pagbuga ito ng hangin na tila nauubusan na ng pasensya.
Naupo sa dulong table si Ezrah, nakaakbay ito kay Astrid. Nilalaro naman ng mala-kandilang daliri ng babae ang leeg at dibdib ni Ezrah. Sumabunot sa buhok ni Astrid ang kamay nito, pulling the woman's head back.
Sadyang tumitig ito sa kanya, matiim na matiim ang mga mata, saka ngumisi ito bago siniil ng mapusok na halik ang mga labi ni Astrid.
Napayuko siya. Gusto niyang umiyak pero nagpigil siya. Nang muli siyang mag-angat ng mukha ay hindi na niya makita si Ezrah. Pero naroon pa rin si Astrid.
Nagtungo siyang banyo at walang pakundangang pinasok ang men’s room. Wala ito roon. Binalewala niya ang gulat na mga hitsura ng lalaking nasa banyo.
Umakyat siya ng mezzanine. Isa-isa niyang binuksan ang mga VIP room kahit ulanin pa siya ng mura. Pero hindi niya nakita si Ezrah.
Bagsak ang mga balikat na lumabas siya ng exit door, patungo sa likod ng Club Inferno. Sumandal siya sa pader at dumausdos paupo. Walang tao roon at walang makakakita sa kanya kahit humagulhol pa siya kaya hindi na niya pinigilan ang pagbagsak ng mga luha.
“Ezrah…” sambit niya sa pangalan nito.
Mula sa madilim na sulok ay lumitaw ang lalaki. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito pero hindi hinihiwalay ang paningin sa kanya.
“Ezrah!” Tumayo siya.
“Why do you keep on following me?”
Katulad pa rin noon, gusto niyang sabihin. Isang alaala ang dumaan sa gunita niya.
"Stop following me, Scylla," malamig ang boses ng lalaki. Ganoon ang simula nila. He was pushing her away also. Pero nagpumilit din siya.
“I’ll ask you again, why do you keep on following me?” There was a sense of impatience in his voice.
Imbes na sumagot ay lumapit siya rito at akmang aabutin ang mukha nito para halikan ito sa labi. Pero iniwas nito ang mukha at isinandal siya sa pader. He might have pushed her a little hard. Dahil ramdam niya ang sakit sa likod nang tumama iyon sa pader.
Nasilip niya ang pag-aalala sa mga mata ni Ezrah nang ngumiwi siya. Binitiwan siya nito pero nanatiling nakapako sa mukha niya ang mga titig nito. Tumalikod ito kaya hinagip niya ito sa kamay. At kasabay nang pagbaling nito sa kanya ay ang pagtingkayad niya at pagkabig sa batok nito.
Then, she kissed him.
Ang pamimilog ng mga mata ni Ezrah ang huli niyang nakita bago niya ipinikit ang mga mata. Her mouth began moving over his own.
Marahas siya nitong itinulak. Inilabas nito ang punyal at akmang i-uunday sa kanya.
Pero iniharang ng isang anghel ang palad sa punyal. Tumagos iyon sa kamay nito. She was beyond heartbroken. Dahil nalaman niyang hindi nagbibiro si Ezrah nang sabihin nitong papatayin siya nito.
The angel took her with him. Habang palayo nang palayo sila kay Ezrah ay tahimik na lamang siyang lumuha.
“WHEN will you stop the foolishness, Scylla? That devil tried to kill you twice! Hindi pa ba sapat iyon para matauhan ka at layuan mo na siya?” anang anghel. Ito rin ang nagligtas sa kanya noon.
“Ano ang pangalan mo?” mahina niyang tanong.
“Yaqriel.” Inabutan siya nito ng isang basong tubig. “Drink.”
“Salamat.” Inubos niya agad ang tubig at inilapag ang baso sa lamesa. “Salamat talaga sa pagligtas mo sa akin. N-nasaktan ka pa nang dahil sa akin.” Nahihiya siya rito dahil naging matigas ang ulo niya. Sinabi na nitong huwag siyang aalis sa poder nito pero ginawa pa rin niya. Naalala na naman niya ang pagkislap ng punyal nang itaas iyon kanina ni Ezrah. Natakot talaga siya. He really was capable. Capable of killing her. And it pained her. It was killing her slowly.
Huminga nang malalim si Yaqriel at naupo sa stool kaharap ng sofa kung saan siya nakaupo. Hinawakan nito ang kamay niya at mahigpit na pinisil. “Mas marami sa inaakala mo ang kalaban, Scylla, kaya sana maging maingat ka. Hindi kita ikinukulong sa silid na ito ng hotel pero dito ka pinakaligtas. I have set traps everywhere and nothing can come close to you as long as you’re inside this room.”
Tumango siya. “A-ano ang plano n’yo sa akin?”
“Now is not the time to talk about the plan. Magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka na.”
Tumango siya. Parang kometa na imbes bumagsak ay lumipad sa labas ang anghel. Nahiga na siya sa kama at ipipikit na lang niya ang mga mata nang sa pagsulyap niya sa bintanang gawa sa salamin ay naaninag niya ang pigura ni Ezrah. Napabalikwas siya at umusog padikit ng headboard.
Nagtitigan lang sila nito. May iniwan ito sa bintana bago ito humalo sa dilim at naglaho.
Tiniyak muna niyang wala na ito bago siya lumapit sa bintana at hindi niya inaasahan ang nakita—itim na rosas.
Alam niyang lahat ng mahawakang bulaklak ng mga diablo ay nagiging itim ang kulay. The color didn’t matter, it was the thought that he left a rose for her that puzzled her. Ano ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya?
BINABASA MO ANG
The Devil's Mark - ENVY (Completed)
Romance**✅FREE READ✅** Archdevil Series 2: E Z R A H ❤ Scylla Angelica had a permanent mark on her skin--the mark of the devil. Ito ang iniisip niyang dahilan ng kanyang kamalasan. And then one day, she found herself being chased by a powerful and covetous...